Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 221 - Hindi Interesado sa Kanya

Chapter 221 - Hindi Interesado sa Kanya

Marahil sa buong mundo, tanging si Xinghe lamang ang tatratuhin siya ng ganito.

Walang magawang sumusuko na lamang si Mubai, "Sinabi ko nang nakatali ang mga kamay ko tungkol sa pagsipa paalis kay Yun Ruobing, pero hindi ko sinabi na hindi kita matutulungang makabalik muli sa lab."

Tulad ng inaasahan niya, naupo ulit si Xinghe. Natural na binawi ni Mubai ang kanyang kamay.

"Pero hindi ba't ipinagbawal na ako ng lola mo mula sa lab?" Katwiran ni Xinghe bago nito idinagdag na,"Ang totoo hindi ko naman kailangang bumalik, ang pananaliksik ay maaaring magtuluy-tuloy gamit ang suporta ng iba pang lab. Iyon lamang ay dahil sa ayaw kong ibigay ang patent sa ibang kumpanya maliban sa iyo."

Nagliwanag sa galak ang mga mata ni Mubai. Masaya siya dahil iniisip ni Xinghe ang kanyang mga interes.

Gayunpaman, ang sumunod na sinabi ni Xinghe ang nagpabalik sa kanya sa realidad. "Ang magaling na patent na ito ay dapat mapunta kay Lin Lin."

Hindi makapagsalita si Mubai.

Dapat ay alam na niya! Sa kanyang mga mata, siya ay isa lamang tao na sa kasamaang palad ay nakadikit sa kanyang anak!

"Kaya naman, kung hindi ito masyadong magulo, hindi naman kinakailangan na bumalik pa ako sa lab ng Xi Family," matapat na sinabi ni Xinghe. Sinasabi niya kay Mubai, na kahit wala ang suporta ng mga Xi, ay makakamit niya ang tagumpay.

Tumitig sa kanya si Mubai at sumagot ng may ngiti, "Huwag kang mag-alala, palaging may lugar para sa iyo sa lab kung ako ang masusunod. Ang solusyon ay napaka simple lamang at sumusumpa ako na wala ni isa sa kanila ang makakahadlang sa landas mo."

"Anong solusyon?"

"Goodness, nagugutom na ako. Bakit hindi natin ito ituloy pagkatapos ng hapunan?"

Maaaring maglaro ang dalawa sa larong ito. Alam ni Mubai na sa sandaling sinabi niya ito, tatayo si Xinghe at aalis. Hindi siya makapapayag na mangyari iyon.

Bakit ba napakahirap magkaroon ng maayos na dinner-date sa babaeng ito?

Naghihinagpis sa kanyang isip si Mubai. Mayroong mahabang pila ng mga babae na umaasang iimbitahan niya ang mga ito na maghapunan kasama niya pero ang gusto ng kapalaran ay, nahumaling siya ng isang babaeng hindi kasama sa mga nakapila na iyon.

Syempre, kahit si Mubai mismo ay nasorpresa kung gaano kalalim na ang nararamdaman niya sa babaeng nakaupo sa kanyang harapan.

Naningkit ang mga mata ni Xinghe sa kanya na tila ba nababasa nito ang iniisip niya.

Hindi mapakali si Mubai sa kanyang upuan, nag-aalala na baka layasan siyang bigla nito.

Naligtas siya ng waiter dahil bago pa ito makapagdesisyon, dumating na ang pagkain nila.

Umorder si Mubai ng magarbong full course meal. Ang lahat ay maganda at mukhang masarap.

Tinulungan ni Mubai si Xinghe na humiwa ng kapiraso ng steak at inilagay ang makatas na piraso ng pulang karne sa plato nito. "Ang house special nila ay ang steak na ito, subukan mo."

Tahimik na dinampot ni Xinghe ang kubyertos at nagsimulang kumain.

Tiningnan siya ni Mubai at nagliwanag ang mukha niya ng isang nasisiyahang ngiti. "Ano'ng klase ng cuisine ang paborito mo? Dapat ay gawin natin ito ng mas madalas."

"Hindi, hindi natin dapat gawin," hayagang pagtanggi sa kanya ni Xinghe.

"Ang ibig kong sabihin ay gawin natin ito ng madalas bilang isang pamilya, isama natin si Lin Lin," mabilis na sinabi ni Mubai at sinusubukan ang panibagong taktika.

Itinaas ni Xinghe ang kanyang mga mata para tingnan ito. Sinabi niya ng direkta, "Huwag mo nang idamay pa si Lin Lin dito. Isa pa, hindi ko siya dapat makita ngayon, ang tanging inaasahan ko ay tuparin ng pamilya mo ang pangako ninyo at hayaang palakihin ko siya ng ilang taon."

Bahagyang nabawasan ang ngiti ni Mubai. Mayroong apila sa kanyang mga mata ng sinabi niya, "Pero umaasa din ako na bumalik si Lin Lin sa isang mas kumpletong pamilya."

"Hindi sa akin."

"…"

Inilayo na ni Xinghe ang kanyang tingin at patuloy na kumain. Si Mubai sa kabilang banda, ay ibinaba na ang kanyang mga kubyertos. Nawalan na siya ng ganang kumain.

Hindi tanga si Mubai, ang kanyang paglapit sa romansa, hayag man o hindi, ay tinatanggihan ni Xinghe sa bawat pagkakataon. Alam niyang walang interes sa kanya si Xinghe.

Maaaring medyo naiinis pa nga ito sa mga paglapit-lapit niya.

Para sa kanya, marahil ay isa lamang siyang bagay na hindi interesante.

Alam niyang walang rason para dito na tanggapin siya, ang mahalin siya, pero hindi niya mapigilang hindi masaktan sa kaalamang iyon.

Marahil ito ay ang pakiramdam ng mga taong may pagsintang hindi nasusuklian…

Ginagawa ang lahat para makuha ang pansin ng taong gusto nila.

Sa kasamaang palad kay Mubai, ang pagsubok na makipag-usap sa kanya si Xinghe ay tulad ng pagkuha ng dugo sa isang bato.

Wala na ang kanyang ganang kumain, malungkot na tumitig na lamang si Mubai kay Xinghe.

Related Books

Popular novel hashtag