Chapter 213 - Nadaig Siya

Nakaupo sa tabi ni Ginang Xi, si Old Madam Xi ay nagmukhang kapatid imbes na nakatatanda dito.

Ang totoo, mas maganda pa siya kay Ginang XI. Ang kupas na mga linya sa paligid ng kanyang pagmumukha ay nakatulong na mapatingkad ang kanyang kagandahan.

Hindi maiiwasang hindi isipin kung gaano siya kaganda noong siya ay bata pa.

Ang paraan kung paano siya manamit ay nagpapakita ng kanyang ka-elegantehan at pagka-maharlika.

Ang simple at walang pattern na alampay na nakapalupot sa kanyang leeg ay hindi lamang nagdagdag ng sopistikasyon sa kanyang ganda pero mahusay din nitong itinago ang nawawala nitong kanang braso.

Kung hindi mo tatapunan ng malapit na ikalawang tingin, hindi mo mapapansin na may kapansanan siya.

Ito ay isang babae na ginugol ang buong buhay niya para maging perpekto at maganda!

Matapos makita siya ng personal, naintindihan na ni Xinghe kung bakit inubos ng Xi Family ang maraming kayamanan para makagawa ng isang perpektong artipisyal na braso. Ang isang babaeng tulad ni Old Madam Xi ay hindi makakapayag sa presensya ng kapangitan sa kanyang katawan.

Naiintindihan na din niya kung bakit pinahahalagahan ni Lolo Xi ang kanyang unang asawa ng ganoon na lamang.

Ang ibang makamundong kagandahan niya ay dapat na alagaan ng higit pa sa habambuhay.

Natapos suriin ni Xinghe ang silid sa minuto na pumasok siya.

Syempre, ang mga tao sa loob ng studio ay tinitingnan siya ng paitaas at paibaba.

May malisya sa paraan ng pagtingin sa kanya nila Tianxin at Ruobing.

Makikita ang inggit at selos sa kanilang mga mata…

Ang obserbasyong ito ang nagpataka kay Xinghe. Si Tianxin ay nagseselos sa relasyon niya kay Mubai, pero ano naman ang kay Ruobing?

Ano ang mayroon siya na dapat ipagselos ni Ruobing?

"Huwag ka lamang tumayo diyan. Pumasok ka at maupo," binuksan ni Old Madama Xi ang kanyang bibig para magsalita.

Kalmadong naglakad si Xinghe at naupo sa tapat nila.

"Bakit ako ipinatawag ni Madam Xi?" Diretsang tanong niya, hindi interesado na makipagkwentuhan sa kanila.

Pinong ibinaba ni Old Madam Xi ang kanyang tasa at itinaas ang kanyang mga mata para suriin si Xinghe. Malinaw na nakita ni Xinghe ang maliit na paghamak sa kanya doon.

"Nakikita ko ang pagbabago na binanggit nila," bahagyang obserba ni Old Madam Xi, "Nakita ko lamang ang larawan mo dati ngunit iba na ang itsura mo ngayon kaysa sa itsura mo noon."

Ang pagbabago ay hindi sa kanyang pisikal na anyo ngunit sa kanyang mga kinagawiang kilos at sa paraan na dinadala niya ang sarili niya.

Mas matanda ng ilang taon na si Xinghe kaysa sa edad na pinakasalan niya si Mubai ngunit mas kahanga-hanga siya ngayon. Marahil ay tulad ito ng kasabihan, ang katalinuhan ay kagandahan.

Ang mga mata ang bintana sa kaluluwa ng isang tao. Bago nito, ang mga mata ni Xinghe ay madilim at walang buhay ngunit ngayon, tila ba mayroong sumisikat na araw sa likod ng mga iyon.

Nagbibigay sila ng natural na tiwala na nakakakuha ng atensyon ng mga tao, ang iba mula sa paghanga at iba mula sa selos.

Halimbawa, habang tumatagal na tinitingnan ni Tianxin si Xinghe, mas lalaong tumataas ang kanyang inggit.

Hindi niya maiwasan na tanggapin na mas kaakit-akit si Xinghe kumpara sa huling pagkakataon na nagkita sila.

Mula noong huling nagkita sila sa harap ng restawran dalawang buwan na ang nakakaraan, napapansin niya ang ilang mga pagbabago kay Xinghe sa bawat pagkakataon na nagkrus ang kanilang landas.

Masakit man as kanyang aminin, pero ang mga pagbabago kay Xinghe ay hindi maikakaila.

Sa unang pagkakataon na nagkita sila, si Xinghe ay isa lamang naglalakad na basura, hindi man lamang siya maikukumpara sa kanya ng lubusan.

Pero ngayon… siya na ang hindi maikumpara dito! Sobrang nadaig na siya ni Xinghe!

Nakakaramdam na ng panganib si Tianxin.

Alam niya na kapag hinayaan niya itong magpatuloy, hindi na siya magiging kwalipikado na maging kakumpetensiya ni Xinghe.

Paano siya lalaban sa malakas na kakumpetensiya para kay Mubai? Wala na siyang pagkakataon!

Ang kanyang mga pagkukulang ang humihila pababa sa kanya. Ipinagdarasal ni Tianxin na sana ay matumba at mamatay na si Xinghe sa oras ding iyon.

Kinunsuwelo na lamang niya ang kanyang sarili sa katotohanan na hindi pa siya lubusang natatalo. Mayroon pa din siyang pagkakataon na mahabol si Mubai dahil isang malaking trahedya ang mahaharap ni Xia Xinghe sa araw na iyon!