Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 214 - Hindi Kaaya-Ayang Ugali

Chapter 214 - Hindi Kaaya-Ayang Ugali

Ang pagsimangot ni Tianxin ay nagbago para maging ngising nasisiyahan.

Ang kapansin-pansing pagbabago sa kanyang ekspresyon ay hindi nakaligtas sa paningin ni Xinghe.

"Nagbabago ang tao, nangyayari iyon," malamig na tugon ni Xinghe sa obserbasyon ni Old Madam Xi. Nagkusa na siyang magtanong kay Old Madam Xi, "Ang dahilan ba ng pagpapatawag sa akin ni Madam Xi ay para pag-usapan ang pangyayari na naganap sa lab?"

Agad na naunawaan ni Old Madam Xi ang kagustuhan ni Xinghe na huwag nang magpaliguy-ligoy pa.

Bahagya siyang ngumiti. "Tama ka. Mukhang hindi ka natatakot na maparusahan kita sa pagkakamali mo."

"May kakaibang sense of humor si Madam Xi. Wala akong ideya na nakagawa ako ng pagkakamali."

"Hindi ka nagkakamali, hindi ba?" Tuya ni Ginang Xi. Mas maraming oras na nakakasama niya si Xinghe, mas lalong tumataas ang paghamak niya dito.

"Binalak mong matapos ang engagement nila Tianxin at Mubai at kinunsidera mo iyon na 'hindi pagkakamali', unang araw mo sa trabaho at napaalis mo agad si Ruobing na nagtrabaho doon ng hindi bababa sa isang dekada, at ikinunsidera mo pa din ang sarili mo na hindi mo kasalanan! Xia Xinghe, talaga bang iniisip mo na hindi ka dapat papanagutin? Kahiya-hiyang talaga! Ano bang klase ng kamalasan ang tumama sa Xi Family namin kaya ang kapalaran namin ay natali sa mga katulad mo? Nagsisisi ako kung bakit hinayaan kong makasal sa iyo si Mubai! Gawa lamang sa awa ko kaya hinayaan kong tanggapin ka ng aking Xi Family pero ano ang iginanti mo bilang kapalit? Sakit sa kalooban at kaguluhan!"

Inaasahan na ito ni Xinghe ng matanggap niya ang tawag. Ito ay isang paghuhukom na itinalaga siya bilang ang may kasalanang partido.

Alam ni Xinghe ang klase ng ugali na mayroon si Ginang Xi kaya nagdesisyon siyang huwag nang makipagtalo pa at palawigin pa ang usapan. Imbes ay sinabi niya sa malamig na tono, "Wala akong pakialam kung ano ang impresyon mo sa akin. Kung ito lamang ang tanging rason kung bakit mo ako ipinatawag, ay magpapaalam na lamang ako. Mas marami pa akong mga bagay na kailangang gawin."

"Anong mga importanteng bagay ang gagawin mo?" Masungit na tanong ni Ruobing, "Sapilitan mo akong pinaalis sa lab pero ikaw mismo ay hindi na nagpakita pa sa trabaho ng mga nakaraang araw. Wala talaga akong ideya kung ano ang pinaplano mo. O kaya. Sa tingin mo ay dahil ikaw na ang nagpapatakbo ng lab ay magagawa mo na ang lahat ng gusto mo at huwag nang pumasok?"

"Mother, naniniwala akong niloloko lamang niya tayo. Ginugol ni Ruobing ang kabataan niya sa lab para mabayaran ang kabutihan mo. Ngayon, hindi lamang siya pinalayas ni Xia Xinghe, pero hindi din niya ginagawa ang mga tungkulin niya sa lab, ang babaeng ito ay hindi ka na nirespeto, wala ding respeto sa patakaran ng lab o sa batas!" Galit na sinabi ni Ginang Xi kay Old Madam Xi.

"Xinghe, sigurado akong makakaramdam ng lungkot si Mubai kapag nalaman niyang sinasayang mo ang mahalagang oportunidad na ibinigay sa iyo ng Xi Family," paalala ni Tianxin kay Xinghe na tila ba hindi niya makakayang makita na tinatahak ni Xinghe ang maling landas.

"Well, ano ang masasabi mo para sa sarili mo?" Malamig na tanong ni Old Madam Xi.

Hindi niya direktang inakusahan si Xinghe ngunit ang kahulugan ay pareho lamang.

Sumagot si Xinghe ng hindi man lamang natinag, "Ang oras na ibinigay ay isang buwan. Kung mayroon man akong sasabihin para sa sarili ko, sasabihin ko iyon doon."

Sa madaling salita, sinasabi niya ito sa kanila na tumigil na sila. Pagod na siya sa walang kawawaang palabas na ito.

Mapanlinlang ang ngiti ni Old Madam Xi, "Hindi na kataka-taka kung bakit hindi ka gusto ng lola ni Lin Lin, mayroon ka talagang hindi kanais-nais na pag-uugali."

Hindi kinagat ni Xinghe ang patibong. Hindi nagbago man lamang ang kanyang hitsura.

Ano naman kung hindi siya gusto ng mga tao, big deal. Wala siyang pakialam kahit katiting.

Isa pa, gusto ni Ginang Xi ang mga taong mahilig na mamuri sa kanya. Mas gugustuhin pa ni Xinghe na mamatay kaysa pababain ang sarili na tulad noon.

"Kung wala nang iba, aalis na ako." Tumayo na si Xinghe para umalis. Sawa na siya sa ganitong drama.

"Hindi ka na pwedeng pumunta pa sa lab," biglang anunsiyo ni Old Madam Xi ng may kapangyarihan.

Tumigil si Xinghe at humarap ng nakataas ang kanyang mga kilay. "Bakit?"