Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 209 - Hindi Ba’t Nag-asawa Siyang Muli?

Chapter 209 - Hindi Ba’t Nag-asawa Siyang Muli?

Tradisyunal ang pag-iisip ni Chengwu, hindi niya hinihiling na lumaki si Lin Lin sa isang sirang pamilya.

Bago pa nakasagot si Xinghe, sumagot na si Xia Zhi para sa kanya, "No way, hindi makikipagbalikan ang ate ko sa kanya! Dad, kahanga-hanga si ate, paano magiging sapat ang isang ordinaryong lalaki sa kanya?"

May pag-uusisang nagtanong si Chengwu, "Pero hindi namang ordinaryong lalaki si Mubai, tama?"

"Ano naman ngayon, mas mahusay pa si ate sa kanya. Isa pa, hindi niya kailangan ng kahit sinong lalaki sa buhay niya para maging maganda ang buhay niya."

Nagpapasalamat si Xinghe dahil nasabi ni Xia Zhi ang mga salitang nasa isip niya. Ngunit, bigla nitong idinagdag, "Kaya naman, hangga't hindi lumuluhod si Xi Mubai at magmakaawa para patawarin siya ni Ate, siguro no'n, tatanggapin ko na tanggapin siyang muli ni Ate!"

"…" nilunok ni Xinghe ang papuri na sana ay ibibigay niya kay Xia Zhi.

"Eh, Ate, saan ka pupunta?" Lumingon si Xia Zhi para lamang malaman na paakyat na si Xinghe.

"Trabaho." Sagot ni Xinghe bilang paraan ng paliwanag. Nagmamadali si Xia Zhi na sumunod.

Alam niya kung anong proyekto ang ginagawa niya ngayon. Talaga namang kinakain siya ng sobrang pag-uusisa kung paano niya gagawin ang isang perpektong artipisyal na human limb.

Binuhay ni Xinghe ang kanyang computer sa oras na narating niya ang study.

Bago mawala ang kanyang memorya, mayroon siyang ugali na itago ang kanyang mga importanteng data sa cloud storage.

Mula pa ng nakaraang gabi, inilalabas niya ang mga impormasyon at mga files mula rito.

Sa ilang pagpindot ng mouse, ang screen ay biglang napuno ng mga kumplikado at mahirap maintindihang mga disenyo.

Ang lahat ng mga ito ay mga disenyo para sa robotics…

"Wow, Ate, ano ang lahat ng ito? Ikaw mismo ang gumawa ng mga disenyong ito?" Lumapit si Xia Zhi sa computer screen at napapalatak ito.

Mabilis na sinulyapan ni Xinghe ang mga disenyo at malamig na tumugon, "Hindi lahat ng mga iyan."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Ang ilan sa mga disenyo ay ginawa ng nanay ko, ang iba ay kinolekta ko mula sa mga nakalipas na taon."

Nanlaki ang mga mata ni Xia Zhi at tinitigan siya. "Ang ibig mong sabihin si First Aunty? Siya ang nagdisenyo sa mga ito?!"

Ang pagkabigla ni Xia Zhi ay mas malaki kaysa sa noong nalaman niya na isang computer genius si Xinghe.

Pagkatapos ng lahat, si Xinghe ay ipinanganak sa panahon ng teknolohiya kaya ang pagiging pamilyar niya sa mga computer ay hindi na nakakabigla.

Kaya naman, nahihirapan siyang tanggapin na ang kanyang First Aunt, isang mula sa henerasyon ng kanyang ama ay isa ding computer expert…

Tumango si Xinghe, "Oo, ang ilan sa mga ito ay dinisenyo ng kanyang mga kamay."

"Hindi ako makapaniwala! Masyadong magaling si First Aunt sa mga ito!" Pakiramdam ni Xia Zhi ay bumaliktad ang kanyang mundo.

"Siya ang nagturo sa akin ng lahat ng alam ko," tumingin si Xinghe sa kanya at sinabi ito.

Ang bibig ni Xia Zhi ay naging isang perpektong bilog sa surpresa.

"Are, masyado ka ng magaling kaya gaano pa kaya kahusay si First Aunt na siya ang naging guro mo?!" Habang iniisip niya ito, mas lalong nakaramdam ng pagsisisi si Xia Zhi. "Sana ay kinulit ko ang tatay ko na hinayaan akong tumira sa inyo matapos akong ipanganak! Siguro noon, hindi na ako magiging alalay sa mga pakikipagsapalaran mo!"

"Walang saysay din iyon dahil kailangan ding isipin ang talento," buong tapat na sinabi ni Xinghe. Pakiramdam ni Xia Zhi ay nasampal siya ng malakas.

Ate… puwede bang huwag kang masyadong diretsa magsalita?

"Ate, nasaan ba si First Aunt?" Tanong ni Xia Zhi ng nag-iisip, hindi niya matandaan kung nababanggit na ito ni Xinghe sa kanya.

Naging seryoso ang hitsura ni Xinghe. "Wala din akong ideya…"

"Hindi mo alam? Hindi ba nag-asawa siyang muli?"

"Nag-asawa ulit?"

"oo. Iyon yung sinabi sa akin ni tatay nung nagtanong ako. Ang sabi niya nag-asawa ulit si First Aunt at sinundan ang bago niyang pamilya sa ibang bansa. Kaya nga nag-aalangan akong magtanong tungkol sa kanya nitong mga nakaraang taon."

Napangiti si Xinghe sa imahinasyon ng kanyang tiyo.

"Umalis na lamang siya ng bigla isang araw, walang makitang bakas kung saan siya nagpunta, pero siguradong hindi siya nag-asawang muli."

"Teka, ibig sabihin kahit ikaw walang ideya kung nasaan siya?" Hindi kapani-paniwala ito para kay Xia Zhi. Si Xinghe ay ang anak ng kanyang First Aunt kaya naman siguro ay sasabihin dito kung saan ito pupunta.

Hindi alam ni Xinghe kung paano sasagot. Ang kanyang mga mata ay nangislap at kalmado niyang sinabi, "Ang nakaraan ay nakaraan na. Sa ngayon, kailangan ko ang tulong mo sa…"

Bago pa natapos ni Xinghe ang kanyang pangungusap, ang computer niya ay nag-alarma, senyales na mayroong nagha-hack sa kanyang pribadong server.