Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 210 - Project Galaxy

Chapter 210 - Project Galaxy

Agad na kumilos si Xinghe para magsagawa ng pangontrang atake, minuto lamang ang lumipas bago napigilan ang pag-atake.

Ang totoo, nagawang mahanap ni Xinghe ang signal pabalik sa computer na iyon at hinack niya ang computer nito bilang ganti.

Marahil alam na ng kabilang partido na wala silang panama sa kanya kaya naman hindi na ito lumaban pang masyado.

Agad na nakakuha ng buong kontrol si Xinghe sa computer nito. Binuksan niya ang webcam nito para makita ang hitsura ng misteryosong hacker. Ang mukha na lumitaw sa screen ay isa na kahit si Xia Zhi ay pamilyar na.

Mayroon siyang guwapong mukha at makikita ang kagalakan sa mga mata nito ng batiin niya si Xinghe at Xia Zhi ng ngiting litaw ang kanyang mga ngipin, "Hello there!"

Napasinghap si Xia Zhi sa pagkabigla, "Teka, ikaw si ET?!"

Maliban sa kanyang kapatid, ang pigura na nag-iwan ng pinakamalaking impresyon sa kanya mula sa Hacker's Competition ng taon na iyon ay si ET.

"Ang pangalan ko ay Ee Chen, ang ET ay isa lamang code name," sabi ni Ee Chen ng nakangiti. Patalbog-talbog siya sa kanyang kinauupuan na tila ba hirap siyang pigilan ang maligalig na enerhiyang naiipon sa kalooban niya.

"Bakit ka naghack sa server ko?" Kalmadong tanong ni Xinghe.

Hindi niya inaasahan na ito ang salarin ngunit itinago niya ang kanyang pagkabigla ng mas mahusay kaysa kay Xia Zhi.

"Dahil gusto kong magsabi ng hi sa iyo," deretsong sagot ni Ee Chen, "Alam mo ba kung gaano kahirap hanapin ang IP address mo"

"Pwede ka namang magsabi ng hi sa akin sa lab."

"Pero may may mga paksa na maaari lamang sa pribado pag-usapan. Isa pa, hinahanap-hanap ko ang pakikipagkumpetensiya sa iyo…"

"Anong paksa?" Deretso sa puntong tanong ni Xinghe.

Halatang nabibigo na nagtanong si Ee Chen, "Hindi ka ba nagtataka kung bakit naroroon ako sa lab?"

"Ate, nagtatrabaho din siya sa lab?" Gulat na tanong ni Xia Zhi.

"Tama iyon, buddy! Ang kapalaran na ang nagtakda na si Miss Xia at ako ay magiging magkatrabaho na mula ngayon. Itatalaga ko na ang sarili ko na maging kanyang personal na assistant," masayang anunsiyo ni Ee Chen, "Kaya naman, Miss Xia, ako na ang puntahan mo kung kailangan mo ng anumang tulong."

Malamig siyang tinitigan ni Xinghe, "Hindi ako makikipagtulungan sa mga estranghero."

"Pero ang proyekto na ginagawa mo ay mangangailangan ng mga lalaki at babaeng may matataliong ulo sa kanilang balikat. Ayoko sanang magyabang pero duda akong makakahanap ka ng ikatlong tao na mas mahusay pa kaysa sa akin sa lab."

Ang ikalawang tao na tinutukoy ay si Xinghe mismo.

"Kahit pa, hindi nito mababago ang pilosopiya ko sa lugar ng trabaho. Hindi ka kailangan." Tahasang pagtanggap ni Xinghe.

Ngumuso si Ee Chen na tulad ng isang nabigong bata. "Mababa ba masyado ang tiwala mo sa akin?"

"Sinabi ko na sa iyong hindi ako makikipagtulungan sa mga estranghero."

Ang background ni Ee Chen ay masyadong misteryoso.

Una, lumitaw siya bilang kampon ni Chui Ming at ngayon ay nagtatrabaho na siya sa lab ng Xi Family.

Hindi maiwasan ni Xinghe na hindi maging maingat sa mga motibo nito.

Kaya naman, mas gugustuhin niyang lumayo dito sa buong oras na gugugulin niya sa lab. Alam niyang magaling ito sa computer pero hindi siya nagtitiwala sa taong ito.

Walang magawa si Ee Chen kung hindi bumulong, "Hindi naman talaga ako estranghero… nataon lang na gusto ko talaga ng mga hamon, isang adrenaline junkie na matatawag. Isa pa, ideya ni Xi Mubai na magtrabaho ako sa lab. Inalok niya ako ng trabaho matapos niyang mapanood ang talento ko, kaya tinanggap ko. Iyon lamang."

So, nakuha niya ang pagpayag ni Mubai.

Bahagyang bumaba ang depensa ni Xinghe kay Ee Chen. "Kung gayon, sabihin mo sa akin, ano ang talagang layunin mo para maghack sa server ko at magkaroon ng pribadong usapan sa pagitan nating dalawa."

Siguro ay mayroon pang ibang layunin ito maliban sa paghahanap ng bagong hamon.

Maaari naman nitong sabihin ito sa kanya sa lab at tatanggapin niya ito bilang papuri.

Nagpangalumbaba si Ee Chen gamit ang palad at nagsalita ng may ngiti, "Hindi ko inaasahan na masyado kang sensitibo at maingat. Ang rason kaya kita hinanap sa ganitong paraan ay dahil may gusto akong itanong sa iyo. Wala akong masamang intensiyon."

"Anong tanong?" Tanong ni Xinghe, hindi inaasahan na ang susunod na sasabihin nito ang magpapayanig ng kanyang kalooban.

Pigil ang kanyang katuwaan, seryoso siyang tiningnan ni Ee Chen at nagtanong na halata ang intensiyon na subukan siya, "Narinig mo na ba ang tungkol sa Project Galaxy?"

Related Books

Popular novel hashtag