Itinabi na ni Mubai ang dokumento at sinabi, "Sige, tutulungan muna kitang alagaan ang mga ito sa ngayon."
Bahagyang napasimangot si Xinghe pero hindi na siya nakipagtalo pa dito. Pagkatapos ng lahat, malapit na siyang mamatay, matapos ang kamatayan niya, ang mga ganitong bagay ay babalik ding muli dito.
Inaasahan ni Mubai ang pagtutol niya pero, tulad ng nasabi dati, walang sinuman ang makakapigil sa kanya na gawin ang gusto niyang gawin.
"Nakapag-isip ka na ba ng mga ideya para sa paglikha ng mga artipisyal na braso?" Tanong niya, "Huwag kang mag-atubiling magsabi ng mga ideya sa akin. Baka maging malaking tulong ako kaysa sa iniisip mo."
"Pansamantala, wala pa akong naiisip. Kailangan ko ng ilang araw para pag-aralan muna ang mga kasalukuyang disenyo muna."
"Huwag kang mag-atubiling gamitin ang mga design papers na nakatago sa lab."
"Alam ko, salamat." Ito naman talaga ang plano ni Xinghe sa una pa lamang. Dahil mayroon namang nakahanda nang disenyo, hindi na niya gusto pang mag-aksaya ng oras at magsimula mula sa wala.
Ang isang segundong natipid ay isang segundo na makikita niya ang anak ng mas madali.
Ang pinakamalaking isyu sa kasalukuyang mechanical artificial limb ay ang kakulangan nito sa pagiging tunay, kagalingan ng kamay at pangkalahatang bigat.
Sa madaling salita, ang pinakapangunahing layunin ni Xinghe ay ang maperpekto ang umiiral na teknolohiya, ang gawing mas makatotohanan ang artipisyal na braso.
Mas simple itong pakinggan sa papel pero mahirap itong gawin sa katotohanan. Salamat na lamang at nakaengkuwentro na siya sa mga ganitong teknolohiya dati…
Ang atensiyon ni Xinghe ay umandap-andap habang nalubog siya sa sarili niyang mga iniisip.
Humarap si Mubai sa kanya para pagmasdan ang kanyang mukha. Sinuri at minemorya niya ang bawat detalye, hindi pinalalagpas ang kahit na pinakamaliit na pagpapakita ng emosyon.
Masyado siyang nababad sa sarili niyang mga isipin kaya hindi na niya napansin na pinanonood siya nito sa buong byahe pauwi.
Nang tumigil na ang kotse, nalukot sa disgusto ang mga kilay ni Mubai. Sinabihan na niya ang kanyang driver na magmaneho ng mabagal kaysa sa karaniwan ngunit lumilipad ang oras kapag nagkakasiyahan ang isang tao.
Salamat na lamang, madadaanan niya ang bahay nito sa araw-araw na pagpunta at pag-uwi niya mula sa trabaho. Isipin ng nababaliw na siya pero sigurado siya na ang byahe ay hindi kaaya-aya, at malungkot kung wala ang presensya nito.
Ang pagtigil ng sasakyan ang nagpabalik kay Xinghe sa kanyang pokus.
Binuksan na niya ang pintuan ng kotse para umalis…
"Susunduin kita muli bukas," sabi ni Mubai.
Umikot si Xinghe para tingnan ito. Ang kanyang mga mata ay walang emosyon ng tanggihan niya ito, "Hindi na kailangan iyon. Mananatili ako sa bahay ng ilang araw para pagtuunan ang disenyo."
"Hindi ka pupunta sa lab?"
"Hindi na kailangan."
"Sige. Aalis ako para sa negosyo sa mga parating na linggo. Kung gayon, magkita na lamang tayo sa pagbalik ko. Tandaan mong tawagan ako kung kailangan mo ng kahit anong tulong."
Walang imik na tumango si Xinghe at lumabas na ng kanyang kotse.
Ibinaba ni Mubai ang bintana ng sasakyan para panoorin siyang pumasok sa bahay bago inutusan ang driver na magpatuloy na.
Nakita itong lahat ni Xia Zhi mula sa bintana ng kanyang silid sa itaas.
Nang pumasok na si Xinghe sa sala, mabilis siyang bumaba ng hagdanan ng may mabibigat na yabag. Nagtanong siya sa pagkabigla, "Ate, nakita ko na si Xi Mubai ang naghatid sa iyo pauwi! Magkakabalikan na ba kayong dalawa?"
Tinapunan siya ni Xinghe ng isang nag-uusisang tingin. "Bakit mo naman naisip iyan? Inihatid niya ako dahil ang bahay natin ay madaraanan niya papunta sa bahay niya."
"Pero… pero ang paraan ng pagtingin niya sa iyo ay masyadong kahina-hinala…" Na tila ba tumitingin siya sa kasintahan niya.
"Ano naman ngayon kung kahina-hinala?" Ayaw na pag-aksayahan pa ni Xinghe ang sarili sa mga problemang ganito. "Problema na niya iyon. Ang mahalaga ay wala akong interest na makipagbalikan sa kanya."
"Ayaw mo pero sigurado akong gusto niya. Pagkatapos ng lahat, pinutol ng lalaking ito ang engagement niya at nakita ko din ang paraan kung paano ka niya tingnan," dagdag ni Xia Zhi para dagdagan ang sapantaha niya.
Sakto namang palabas si Chengwu mula sa kusina. Dumagdag din ito, "Xinghe, kung talagang tapat si Mubai at gusto niyang makipagbalikan sa iyo, dapat ay ikonsidera mo ito. Pagkatapos ng lahat, naikasal na kayo dati at may anak kayo. Ang isang kumpletong pamilya ay ang pinakamainam pa din para kay Lin Lin."