Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 207 - Para sa Iyo Ito

Chapter 207 - Para sa Iyo Ito

"Mahabang araw sa trabaho?" Tanong ni Mubai nang marinig nito ang buntung-hininga niya.

"Wala ito," hindi nakaramdam ng pagod si Xinghe, wala naman talaga siyang ginawa noong araw na iyon… maliban sa pagpapalayas kay Ruobing at sa pares ng alipores nito.

"Nabalitaan ko na ang pangyayari kay Yun Ruobing. Unang araw mo pa lamang at may nagawa ka ng ganoong kalaking bagay," biglang dagdag ni Mubai.

Tinitigan siya ni Xinghe, nag-iisip kung sinusuri nito ang kaniyang pagkilos.

Diretsa siyang nagpaliwanag, "Palalagpasin ko na lamang sana kung hindi niya ako inunang puntiryahin."

Kaya naman, walang ibang pupwedeng sisihin si Ruobing kung hindi ang sarili niya.

Nagpakawala si Mubai ng ilang maiikling pagtawa, "Kung sasabihin ko lamang ang totoo, matagal ko na talaga siyang gustong alisin."

Si Xinghe ay nasorpresa sa rebelasyong ito.

Nagpatuloy si Mubai para magpaliwanag, "Ang paghahangad niya para sa kapangyarihan ay nagbibigay ng hindi magandang paghatol sa maraming bagay. Gayunpaman, dahil si lola ay kinikilingan siya, wala akong masyadong magawa. Magaling ang ginawa mo sa trabaho ngayon sa pagtanggal sa kanya sa lab, at lubos kitang sinusuportahan sa desisyon mo."

Nagkaroon ng matalim na kislap sa mga mata ni Xinghe, "Alam mo na magbabanggaan kami sa una pa lang? Ginamit mo ako para mapatupad ang layunin mo?"

Imbes na sumagot sa tanong niya, may iniabot si Mubai na isang dokumento. "Tingnan mo muna kung ano ito."

Tinanggap ni Xinghe ang dokumento at mabagal na binasa ito. Isa itong equity transfer contract!

Ibinibigay sa kanya ni Mubai ang 30 porsyento ng mga shares!

Maingat na itinaas ni Xinghe ang kanyang mga mata, "Ano ang ibig sabihin nito?"

"Ang mga shares ng Xi Family Lab ay orihinal na nahahati sa pagitan naming dalawa ni lolo. Gayunpaman, wala kay lolo o sa akin ang libre o may interes sa pagpapatakbo ng lab. Ibinibigay ko sa iyo ang 30 porsiyento ng aking parte para magkaroon ka ng tunay na awtoridad sa lab sa hinaharap."

Naliwanagan na si Xinghe.

"Nahulaan mo na haharapin ako ni Ruobing kaya inihanda mo na ito?"

"Oo," pag-amin ni Mubai ng may bahagyang ngiti. Gusto niya ang pakikipag-usap sa kanya dahil hindi na niya kailangan pang mag-aksaya ng oras na ipaliwanag ang kanyang mga iniisip.

"Nakalimutan ko itong iabot sa iyo kaninang umaga pero, sino ang mag-aakala, na naresolba mo ang krisis na ito ng sarili mo lamang," lalong nagliwanag ang ngiti ni Mubai tungkol sa paksang ito.

Alam niya ang lahat ng nangyari sa lab ngayong araw na ito.

May pakiramdam siya na mahahadlangan ni Xinghe ang pagpupunyagi ni Ruobing ngunit ang katotohanan na nagawa niyang ibalik ang pagsalakay sa kanya ni Ruobing para mapalayas ito ay naging isang nakakalugod na sorpresa para sa kanya.

Nahiling niya na sana ay naroroon siya mismo. Ang isipin na panoorin si Xinghe sa kanyang kaluwalhatian ay nagpasabik sa kanya. Lubos siyang natuwa nang marinig kung paano ibinalik ni Xinghe ang plano ni Ruobing at ginamit ito laban sa huli.

Patuloy na nakakahanap ng iba't ibang paraan para magbigay ng kasiyahan ang babaeng ito sa kanyang buhay.

Napagdesisyunan na niyang dumikit sa baaeng ito, naghihintay kung anong klaseng sorpresa ang maaari nitong ipakita sa kanya. Hindi na niya mahitay pa kung ano pa ang mga ito!

Biglang ibinagsak ni Xinghe ang kontrata sa kanyang kandungan. "Hindi ko kailangan ito, heto."

Hindi niya kailangan ang dokumento para patatagin ang kapangyarihan niya sa lab dahil ang showdown ngayon ay nakatulong para magawa niya ito.

Itinulak ito ni Mubai pabalik sa kanya. "Ibinigay ko na ito sa iyo kaya sa iyo na ito. Isa pa, nararapat ito sa iyo."

"Ang tanging rason kung bakit nasa lab ako ay para ipaglaban ang karapatan ko sa kustodiya ng aking anak." Walang ekspresyong paliwanag ni Xinghe. Hindi siya lubusang interesado sa kayamanan ng Xi Family.

Ngumisi si Mubai. "Malalagpasan mo ang eksperimento at ibibigay ko pa din sa iyo ang karapatan. Ito ay personal kong regalo sa iyo. Wala itong kinalaman sa pangalan ng Xi Family."

"Nagpapasalamat ako sa alok mo pero hindi ko kailangan iyan," mariing tanggi ni Xinghe. Tumatanggi na siyang ipagpatuloy ang pakikipaglarong ito sa kanya.