Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 201 - Ito ang Sagot Ko

Chapter 201 - Ito ang Sagot Ko

Ang insulto ng pares ay nagpanalo ng ilang tao sa madla na kumampi kay Xinghe. Nainis sila para sa kapakanan ni Xinghe.

Sa katotohanan, maski si Xinghe mismo ay naiirita na sa pares ng payaso na ito.

"Ikaw at ikaw—" biglang itinuro ni Xinghe ang Tanga at Mas Tanga na pares at inutusan sila ng may awtoridad, "Matapos kong maipasa ang pagsusulit, sumama na kayong umalis dito kasama ng pinuno ninyo, Yun Ruobing!"

Ano ang sinabi niya?!

Ang dalawang inhinyero ay namumula sa galit, at hindi makapaniwalang pinandilatan nila si Xinghe. "Ano ang sinabi mo?! Gaano ka kapangahas na gumawa ng kahilingan na iyan?!"

Kahit si Ruobing ay galit na napasigaw, "Xia Xinghe, isang bagay na ang puntiryahin mo ako pero paano mo nagawang pagtuunan pa ng pansin ang dalawang inosenteng katrabaho ko!"

Bumalik ang madla sa kanilang kampihan laban kay Xinghe. Pagkatapos ng lahat, ito ay mga katrabaho nilang kinakalaban ni Xinghe.

Gayunpaman, hindi natatakot si Xinghe na galitin ang madla. Hindi siya magdadalawang isip na alisin ang mga balakid na sinasadyang harangin ang kanyang landas.

Ang pagiging mabait sa kalaban ay pagiging malupit sa iyong sarili.

Humakbang siya ng isa at hinarap ang madla. Nagtanong siya ng may kalmadong disposisyon, "Lahat kayo ay inaakalang sumosobra na ako?"

"Hindi ba halata?" Sulsol ni Ruobing.

Hindi siya pinansin ni Xinghe at prangkang nagpatuloy, "Itinalaga ako dito ni Mubai at hiniling na ang lahat ay sumunod sa akin hanggang sa susunod na buwan. Ngunit, ang tatlong tao na ito ay sinasadyang pahirapan ako at hindi lamang iyon, ay talaga namang gusto akong paalisin dito. Wala akong ideya kung anong klaseng plano ang mayroon sila, pero hindi ko maatim na magtagumpay sila. Sa pagtatapos ng hamon na ito, maaaring si Leader Yun o ako ang manalo. Isa sa amin ay may tunay na karapatan sa mga pangyayari sa lab na ito, at kung ang taong nagtagumpay ay ako, bakit hindi ko pwedeng paalisin ang dalawang dagdag na nanggugulo na sigurado akong mananabotahe sa progreso ko kapag nabigyan ng pagkakataon?"

Ang madla ay natahimik sa kanyang sinabi.

Hindi nila inaasahan na siya ay magaling magsalita.

Karamihan ay nakuha din ng kanyang lohika. Hindi nila magawang magalit sa kanya kahit sa mapilit niyang ugali.

Si Ruobing naman ay gigil na gigil sa galit!

Ang lakas ng loob ni Xia Xinghe na maliitin siya sa harapan ng kanyang mga katrabaho, gusto na sana niya itong bigyan ng sampal sa mukha.

"Xia Xinghe, itigil mo na ang mga panlalanse sa amin. Humayo ka na at sagutan ang mga tanong, patunayan mo sa amin gamit ang pagkilos at hindi salita! Kung hindi mo magagawa, ipapatapon na kita sa mga guwardiya ngayon pa lamang!" Hindi na pumayag pa si Ruobing na ipagpatuloy pa ang laro nila ni Xinghe. Galit na binantaan na niya ito.

Sumumpa siya na ito na ang oras para ilabas ang basura!

Siyempre, ipapahiya niya ng husto ang b*tch na ito sa pagkuwestiyon muna ng kanyang kapangyarihan!

Iniisip pa ni Ruobing ang mga ito nang manlaki ang kanyang mga mata sa sorpresa—

Kinuha na ni Xinghe ang yeso at nagsimulang sagutan ang mga tanong!

Ang bawat sulat sa pisara ay tulad ng sampal sa kanyang mukha, malakas at mabilis.

Hindi lamang siya, lahat ay hindi makapaniwalang natigagal.

Lalo na ang tatlong propesor…

Hindi marahil malalaman ng iba kung tama ba ang sagot ni Xinghe ay tama o hindi pero sila lamang.

At ang mga sagot niya ay… tamang lahat!

Walang kumplikadong sulat o paghinto para mag-isip, isinulat lamang niya ang mga sagot na para bang alam niya itong lahat sa simula pa lamang…

Ang tatlong mahihirap na math problem, ay nagawa niyang matapos ng hindi hihigit sa dalawang minuto!

Nang humarap na si Xinghe, ang madla ay natitigilan pa din na hindi makapaniwala.

Ibinaba na niya ang yeso at inanunsiyo ng tulad sa isang hukom, "Ito ang sagot ko!"