Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 202 - Nandaraya Siguro si Xinghe

Chapter 202 - Nandaraya Siguro si Xinghe

Tahimik na tila isang larawan ang madla sa loob ng dalawang segundo.

Mababanaag ang hindi pagkapaniwala sa kanilang mga mata. Lahat ay masyadong nasindak para magbigay ng kahit anong salita.

Isinulat lamang ni Xinghe ang sagot ng ganoon na lamang?

"Ito ay imposible…" hindi sinasadyang nasambit ni Ruobing, at agad siyang humarap sa tatlong propesor. "Mali siya, tama? Hindi siya nagbigay ng mga solusyon, kaya ang mga sagot niya ay walang saysay na scribbles lamang!"

Ang tatlong pinakapipitagang propesor ay hindi malaman ang sasabihin.

Karamihan sa mga tao ay ganoon din ang iniisip tulad ni Ruobing, na kung anu-ano lamang ang isinulat ni Xinghe.

Nayanig ang kanilang mundo nang binuksan ni Professor Chen ang kanyang bibig para sabihin na, "Kahit na, para sa tanong ko, ang sagot niya ay tama."

"Sa akin din."

"Pareho din ng sa akin," dagdag ni Professor Wong at Professor Qian.

Lalong nanlaki ang mga mata ni Ruobing.

Ang pagkagulat ay yumanig sa madla na tulad ng isang alon.

Nasgawang sagutan ni Xinghe ang mga math problem!

Hindi lamang iyon, nagawa niyang sagutan ito kahit na hindi gumagamit ng mga workings!

Gaano ba kagaling ang kanyang kaalaman sa matematika na kaya niyang gumawa ng isang kahanga-hangang gawain tulad nito?

"Alam na kaya niya ang sagot sa una pa lamang?" Tanong ng mas matangkad na inhinyero.

Agad na nagsuspetsa ang buong madla.

"Dahil may suporta naman siya ni CEO Xi. Maaaring posible na ang tatlong propesor ay sinabi na agad ang sagot sa kanya bilang paggalang kay CEO Xi," dagdag ng mas maliit na inhinyero ng may malisya.

May mga klase ng tao talaga na gustong panoorin kung gaano magunaw ang mundo.

Sa kanilang sulsol, ang suspetsa ng pandaraya ay nagsimulang kumalat.

"Tama iyon, malamang ay alam na niya ang sagot sa una pa lamang!"

"Kahit ang pinakamatalino sa atin ay kailangang ipakita ang ating mga working equations, lalo na kung sinasagutan ang isang kumplikadong mathematical na problema kaya walang paraan na hindi siya nandaya!"

"Professor Chen, ibinigay mo na sa kanya ang sagot bago pa ang pagsusulit, hindi ba?"

Kumukulo na sa galit ang tatlong propesor habang hinaharap ang suspetsa ng madla.

Kung hindi dahil sa utos ni Ruobing, hindi naman sila pupunta dito. Bakit kailangan nilang harapin ang ganitong mga suspetsa?

Ang pinakamasama pa nito, hindi man lamang nagbigay ng salita si Ruobing para ipagtanggol ang kanilang kainosentehan habang alam naman nito na hindi sila nakikipagsabwatan kay Xinghe!

Naiinis na sinabi ni Professor Chen, "Dahil lahat kayo ay iniisip na may pinapaboran kami, pumunta kayo dito at magbigay ng tanong ninyo! Tingnan ninyo kung kaya niyang sagutan ito o hindi!"

"Tama ang propesor," sagot bigla ni Ruobing na animo'y napakamakatarungan, "Para patunayan na inosente ang tatlong propesor, ako mismo ang magbibigay ng tanong sa kanya. Siyempre, kung mayroon sa inyo na nag-iisip ng may pandaraya, maaari ninyo siyang bigyan ng katanungan. Pagkatapos ng lahat, ang lab na ito ay pinapahalagahan ang katapatan kaya hindi natin mapapayagan ang anumang pandaraya. Isa itong seryosong bagay dahil ang reputasyon ng ating tatlong propesor ang nakasalalay!"

Tumawa si Xinghe ng medyo malakas para mapakulo ang dugo ni Ruobing. "Xia Xinghe, ano ang ibig sabihin nito? Natatakot ka bang tanggapin ang hamon na ito, kung oo, ibig sabihin ay may kahina-hinala tungkol sa pagsusulit kanina!"

Pinupwersa ni Ruobing si Xinghe na palawigin pa ang walang katuturang hamon na ito.

Alam niya sa kanyang puso na hindi maaaring malaman ni Xinghe ang sagot kanina, pero paano ba niya hahayaang makapasa na lamang ng ganoon kadali si Xinghe.

Bukod dito, nahihirapan pa din siyang maniwala na mahusay talaga si Xinghe na nagawa nitong masagutan ang tatlong kumplikadong tanong ng hindi ipinapakita ang kanyang mga solusyon.

Kaya naman, ang tanging lohikal na konklusyon na naiwan ay, maswerte na ito na nakaengkuwentro ang mga tanong na ito noon. Pa.

Gayunpaman, ang kanyang swerte ay hindi panghabambuhay, ang mga susunod pang katanungan ang magpapakita ng tunay niyang pagkatao!

Syempre, nahuhulaan na ni Xinghe ang mga iniisip ni Ruobing.