Alam ni Xinghe na ang lahat ng ito ay isa lamang pakunwari.
Ang sinasabi ng kanyang kutob, na sa ilalim ng lahat ng ito, ay iisa lamang ang layunin ni Yun Ruobing – ang mapaalis siya dito.
Ito ang unang beses na nakaharap niya si Ruobing ngunit alam niya na sa pagkakataong nagkita sila na isa itong maambisyong babae.
Kung hindi, hindi nito sasayangin ang kabataan na magtrabaho sa isang lab tulad nito, unti-unting nagtrabaho hanggang sa maging pinuno at makuha ang kontrol sa lahat ng naririto.
Ang kanyang pagnanasa sa kapangyarihan ay nagpapakita kung gaano kalaki ang ambisyon nito.
Ang tipo ng ugali na ganito ay hindi makapapayag na may makakuha o makapaglagay ng panganib sa kapangyarihan nito.
Ang katotohanan na nangako si Xinghe na makakagawa siya ng isang perpektong artificial human limb sa loob ng isang buwan ay maaaring nagbigay alarma sa kaisipan nito.
Kung magtatagumpay si Xinghe dito, ipakikita dito na walang silbi ang taon ng kanyang paghihirap sa trabaho.
Natatakot siya. Ito ang pusta na hindi niya hahayaang makuha. Kaya naman, kahit ano ang mangyari, kailangang maitaboy niya paalis si Xinghe.
Kahit na makakita ng paraan si Xinghe para manatili, gagawa lamang si Ruobing ng mga bagay para mapabagal ang progreso nito.
Para hindi na siya mahirapan pa, mas madali kung mapapaalis niya si Xinghe.
Syempre, hindi ganoon kasimple mag-isip si Xinghe para isiping makikipagtulungan sa kanya si Ruobing na makumpleto ang proyekto. Ang babaeng tulad ni Ruobing ay hindi magbabago sa isang magdamag at bigla na lamang mawala ang pagnanasa nito sa kapangyarihan.
Ginugol niya ang maraming taon para makaakyat sa tuktok. Papayag ba siyang maungusan ni Xinghe dahil lamang sa isang utos? Syempre hindi!
Isa pa, ang presensya ni Xinghe ay ang pinakamalaking banta sa kanya dahil ang tagumpay ni Xinghe ay nangangahulugan ng kanyang pagkabigo.
Ang kanyang paghihirap, mga plano, at layunin na binuo niya ng maraming taon ay maaabo na lamang ng basta ganoon na lamang.
Hindi na lihim kay Xinghe ang layunin ni Ruobing ngunit maaaring may kinalaman ito sa pagbuhos nito ng pagsusumikap sa lab.
Kaya naman, kahit anong gawin ni Xinghe, kailangang makahanap ng paraan si Ruobing para mapaalis si Xinghe sa lab.
Ngunit, hindi ganoon kabait si Xinghe para isakripisyon ang sarili para matupad ang mga hinahangad ni Ruobing.
Ano naman ngayon kung taon ang ginugol niya sa pagpapakaalipin sa pagtatrabaho sa lab? Hindi lamang kailangang magtrabaho ng matiyaga ng isang tao kundi kailangan ding maging matalino sa pagtatrabaho. Ang mga mahihina ay kakainin ng malalakas sa mundong ito.
Alam ni Xinghe na ang isang pakikipagharap kay Ruobing ay hindi maiiwasan.
Masayadong maraming nakataya para sa kanilang dalawa.
Kapag natalo si Xinghe, nangangahulugan nito ng pagkatalo niya sa pustahan nila ng Xi Family, at ng kanyang anak.
Kapag natalo si Ruobing, nangangahulugan nito ng pagkawala ng kanyang ambisyon.
Kaya wala sa kanila ang gustong matalo at mawala ang mga bagay na malapit sa kanilang puso. Kaya naman, kailangang matalo nila ang kanilang kalaban!
Hanggang hindi itinitigil ni Ruobing ang kanyang ambisyon, mayroon lamang iisang panalo!
Gayunpaman, lubos na nauunawaan ito ni Xinghe; hindi titigil si Ruobing. Ang babae ay masyadong nalulong sa kanyang ambisyon, kung wala iyon, wala ng matitira pa dito.
Isa pa, alam ni Xinghe na kailangang maging mabilis siya sa pagpigil kay Ruobing, hindi niya maaaring hayaan na palagi siyang pigilan ng babaeng ito sa bawat pagkakataon.
Wala na siyang natitirang oras. Kailangang matapos ito ng mabilis.
Kaya naman, dahil gusto rin ni Ruobing na matapos ito ng madali, napagdesisyunan niyang makipaglaro dito.
"Fine—" anunsiyo ni Xinghe, "Tinatanggap ko ang hamon mo. Kapag nanalo ako, lahat kayo ay dapat na makinig sa utos ko ng walang reklamo!"
Bahagyang kumislap ang mga mata ni Ruobing dahil hindi niya inaasahan na si Xinghe ay isang tangang mahuhulog sa kanyang patibong at tanggapin ang kanyang hamon.
Balisa at hindi mapakali si Luo Jun.
"Miss Xia, hindi mo dapat ginawa ito…" pinutol siya ni Xinghe bago pa siya makapagpatuloy, "Salamat sa pag-aalala mo sa akin pero hindi mo ako mapipigilan na tanggapin ang hamon na ito. Nakapagdesisyon na ako."
"Pero…" Paano kapag natalo ka?
"Walang pero, tinanggap niya ang hamon, narinig naming lahat ito," bastos na sabat ni Ruobing kay Luo Jun, hindi man lamang sila binibigyan ng pagkakataon na umatras.