Chapter 195 - Ako o Siya

"Tama iyon, lahat kami ay narinig siya!" Susog ng mas maliit na inhinyero at itinuloy ang nasa isip ni Ruobing, "Kapag natalo siya, ibig sabihin ay wala siyang karapatan na manatili dito!"

"Narinig mo iyon, Xia Xinghe? Kapag natalo ka, ibig sabihin ay hindi sapat ang iyong galing para manatili dito. Maghanda ka nang mag-empake at umalis," paalala sa kanya ni Ruobing ng nakangisi.

Sumasang-ayon na tumango si Xinghe. "Huwag kang mag-alala. Kapag natalo ako, aalis ako sa lugar na ito ng walang hesitasyon."

"Mabuti, sisiguraduhin namin na tutuparin mo ang mga salita mo! Kung gayon…"

"Sandali lang," putol ni Xinghe dito, tinitigan niya si Ruobing at nagtanong, "Paano kung ako ang nanalo?"

Hindi naisip ni Ruobing na si Xinghe ay may posibilidad na manalo kaya walang interes na sumagot ito, "Sinabi mo na ito kanina, hindi ba? Kapag nanalo ka, lahat kami ay susunod sa utos mo."

"Maliban sa iba, kinakailangan mong umalis sa lugar na ito!"

"Ano'ng sinabi mo?!" Nanlalaki ang mga matang napatingin si Ruobing sa kanya.

Lahat ng nakarinig ay nagulatang din.

Hindi nila inaasahan ito. Hindi nila inisip na maglalakas-loob si Xinghe na hingin ang pagpapaalis kay Ruobing.

Mabagal na inulit ni Xinghe ang mga sinabi niya, "Lapag nanalo ako, aalis ka. Ayaw kitang makita habang nandirito ako."

"Xia Xinghe, may ideya ka ba kung sino ang kausap mo?!" Hindi na mapigilan pa ni Ruobing ang galit sa puso nito.

Sumosobra na ang babaeng ito. Ang lakas ng loob niyang paalisin ako sa lugar na ito! Sino ba siya sa akala niya!

Wala ng pakialam pa si Xinghe sa mga sinabi nito. Bahagya niyang itinaas ang kanyang kilay at pauyam na nagsalita, "Bakit, takot ka sa isang maliit na friendly competition? Huwag ka ng sumali kung ayaw mong matalo."

"Ikaw…"

"Miss Xia, sa tingin ko ay hindi ito magandang ideya." Kahit si Luo Jun ay inisip na sumosobra na siya.

"Sa tingin mo ay si Leader Yun ay isang tao na pwede mong paalisin ng sapilitan? Kahit na manalo o matalo ka, si Leader Yun ang pinuno namin dito. Walang ibang pupwedeng makapagpaalis sa kanya!" Galit na sambit ng mas mataas sa dalawang inhinyero ang nagsabi.

Kahit ang mga tao na nagkumpulan sa labas ng lab mula sa naunang komosyon ay inisip na sumosobra na siya sa kanyang mga hinihiling.

Isa siyang panauhin dito. Saan siya kumukuha ng lakas ng loob para humiling ng ganito?

Pinasadahan silang lahat ng tingin ni Xinghe at nagsalita ng may nanunuksong ngiti, "Bakit ganyan ang mga mukha ninyo? Ang pinakamatagal ay isang buwan lang. kapag nandito ako, hindi pupwede na nandito siya."

"Pero bakit kailangan mong hilingin ang ganitong ayos?" Isang tao mula sa labas ng pintuan ang nagtanong.

"Dahil iyon ang pusta ng pinuno ninyo na nagmungkahi ng hamon na ito!" Maawtoridad na sabi ni Xinghe, at natahimik ang lahat ng nagrereklamo.

Tama si Xinghe. Patas lamang sa bawat partido na magkaroon ng parehong kaparusahan.

Kung hindi, bakit naman niya tatanggapin ang isang bagay na hindi pabor sa kanya?

Isa pa, ang kahilingang iyon ay mahirap tanggapin at sikmurain.

Tinamaan nito ang kahinaan ni Ruobing, ang kanyang dangal.

Tinapunan siya ni Xinghe ng isang mapang-uyam na sulyapo. "Ang desisyon ay nasa iyong mga kamay, ito ay tanggapin ang hamon na may mga kahilingan ko o tahimik mong sundin ang mga patakaran ni Mubai!"

"Sige, it's a deal!" Sa wakas ay tinanggap na ito ni Ruobing, "Ang sinumang matalo ay kailangang lumayas, wala ng sisihan pa!"

"Mabuti naman at pumayag ka na, mahusay," sinabi ni Xinghe ng may bahagyang pagtango. Ang hitsura niya ay kakikitaan ng kaalwanan at tiwala sa sarili.

Mukhang malaki ang tiwala nito na mananalo siya sa hamong ito.

Hinamak ni Ruobing si Xinghe sa kayabangan ng huli sa kanyang sarili.

Hindi lamang siya, halos lahat ay iniisip na matatalo si Xinghe!

Ito ay dahil ang lahat ng naririto ay ang pinakamagagaling na talento sa kani-kanilang mga larangan. Maaaring matalino si Xinghe pero hindi ito sapat para makatapat ang kanilang encyclopedic na karunungan.

Kahit si Ruobing ay hindi lamang umaasa sa kanyang karunungan, kung hindi pati na rin sa kanyang talento sa pamamahala para marating ang antas na kinalalagyan nya ngayon.

Walang ideya si Xinghe na hindi lamang si Ruobing ang kanyang hinahamon kundi pati na rin ang buong institusyon ng siyensa.

"Agad na tayong magsimula. Ang hamon ay kailangan mong maipasa ang mga pagsusulit ng ilang mahuhusay na propesor na nagtatrabaho dito."