Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 190 - Ninakaw na Impormasyon

Chapter 190 - Ninakaw na Impormasyon

Bahagyang nalito si Luo Jun, "Ano ang ibig sabihin dito ni Miss Xia?"

"Sabihin mo kay Yun Ruobing na si Mubai ang may kagustuhan na ang lahat ay tulungan ako sa pagkumpleto ng teknolohiyang ito. Tanungin mo siya kung ano ang intensyon niya sa pagpipigil sa mga impormasyong kailangan ko? Balak ba niyang pigilan ang progreso ko?" Deretsahang sinabi ni Xinghe, ni hindi natatakot na makasagupa ang babae.

Hindi siya magdadalawang isip na sagasaan ang lahat ng nakaharang sa kanyang landas!

Natigilan si Luo Jun sa nararamdamang tensyon sa ere.

Gayunpaman, wala na siyang pakialam pa dito. Ang tanging kailangan niyang gawin ay sundin ang mga utos sa kanya.

Bumalik din agad-agad si Luo Jun matapos siyang paalisin ni Xinghe.

Hindi ito bumalik na dala ang mga papeles at mayroon pa ding problemadong ekspresyon ito sa mukha ng sinabi nito na, "Miss Xia, ayaw pa din ibigay ni Leader Yun ang mga impormasyon… Sinabi niya na kung gusto mo ang mga ito, ikaw mismo ang makipag-usap sa kanya…"

"Okay, salamat. Makakaalis ka na." Ito lamang ang sagot ni Xinghe. Walang ibang malaking pagbabago sa ekspresyon nito.

Hindi man lamang nagalit si Xinghe kahit na sinasadyang pahirapan siya ni Ruobing.

Hindi mahulaan ni Luo Jun ang iniisip ni Xinghe kaya masunurin siyang umalis ang lab nito.

Pagkatapos nitong isara ang pinto, binuksan ni Xinghe ang computer…

Dahil ayaw naman ni Ruobing na ibigay ang impormasyon, kukuhanin na lamang niya ito. Gusto niya na makipag-areglo kay Ruobing ng personal? Imposible!

Hindi sasayangin ni Xinghe ang oras niya sa mga walang kawawaang bagay.

Halata namang hindi ibibigay ni Ruobing ang mga design papers kahit na anong mangyari. Ang kondisyon nito na si Xinghe mismo ang makipagharap sa kanya ng personal ay isa lamang balakid na lulundagan para kay Xinghe kung saan dadami pa ito.

Ang kailangan ay hindi lamang maging masipag sa pagtatrabaho kundi pati na rin magtrabaho ng matalino!

Inabot lamang si Xinghe ng 30 segundo para mapasok ang localized area network ng laboratoryo.

Inabot ulit siya ng 5 minuto para mahack ang personal na work computer ni Yun Ruobing.

Sa wakas, inabot siya ng 2 minuto para makopya ang lahat ng nasa computer ni Ruobing patungo sa kanyang sariling computer.

Naghihintay si Ruobing kay Xinghe para makiusap ang huli sa kanya pero wala itong ideya na ang computer niya ay nahack na.

Nalaman na lamang niya ito ng lumabas sa kanyang computer screen ang malaking hilera ng mga letra:

Kinuha ko na ang mga impormasyong kailangan ko. Kung gustong makipaglaro ni Leader Yun ng ganitong paraan, handa akong aliwin ka.

"Sino ang gumawa nito?!" Gulat na sigaw ni Ruobing.

Sino ang nanghack sa computer ko at nagnakaw ng mga impormasyon dito?

Nasindak ng husto si Ruobing. Dahil ang internet security ng lab ay hindi pa napapasok dati. Ngunit, sa oras na ito, hindi lamang nagawa ng kabilang partido na mahack ito kundi malakas din ang loob nito na mag-iwan ng calling card.

Sigurado na si Ruobing na ang taong ito ay si Xia Xinghe!

Nasorpresa si Ruobing na maabilidad si Xinghe.

Kaya naman pala matapang ito na gumawa ng palalong pangako, may lakas pala itong itinatago…

Ngunit, ang pagkakaroon ng mahusay na hacking skills ay hindi nangangahulugan ng abilidad na makapagdisenyo ng isang artipisyal na braso. Dahil sa, ang hacking at mechanical engineering ay dalawang magkaibang larangan.

Nag-aral si Ruobing ng mechanical engineering mula pa ng pagkabata at, kahit na makipagtulungan siya sa pinakamahuhusay, hindi pa din sila makapagdisenyo ng isang human-emulated artificial limb, mas lalo pa ang isang taga-labas na tulad ni Xia Xinghe!

Nakatakda na siyang mabigo!

Gayunpaman, hindi siya makapapayag na hamunin siya ni Xinghe sa kanyang teritoryo.

Ang laboratoryo ay teritoryo niya at hindi siya magpapakita ng kabaitan sa mga taong may banta sa kanyang posisyon.

Ang katotohanan na payag si Ruobing na matuto ng medical computer science ay dahil wala siyang interes na paluguran lamang si Old Madam Xi at ipinapakita nito ang laki ng kanyang ambisyon.

Ang ambisyon niya ay simple, at ito ay ang ariin ang kalahati ng kayamanan ng Xi Family.

Gusto niyang makalamang sa lahat, ang ariin ang walang katapusang kayamanan at kapangyarihan.

Ang paglitaw ni Xinghe ang naging bato sa kanyang ambisyon. Kahit na pakiramdam niya ay walang abilidad si Xinghe na matapos ito pero hindi pa din siya makakapayag na hamakin siya ni Xinghe gawa ng baliw na pangakong iyon.

Isa pa, malakas ang loob nitong nakawin ang design papers sa kanya.

Paano ko matatanggap ng tahimik na lamang ang kasalanang ito?!

"Xia Xinghe, kung gusto mong mamatay, pagbibigyan kita." Ngumisi si Ruobing at kumilos na para hanapin si Xinghe. Oras na para tapusin ang ilang bagay.

Related Books

Popular novel hashtag