Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 189 - Simple at Derekta

Chapter 189 - Simple at Derekta

Pero ang kawalang-bahala niya, para kay Mubai, ay isang benepisyo.

Kung ayaw naman ni Xinghe sa gusto niya, hindi naman ito tulol sa pakikisama sa kanya.

Gumaan ang puso ni Mubai habang iniisip ito.

Gayunpaman, pinaalalahanan niya ang sarili na huwag lumabis dito.

Dahil alam niyang hindi niya maipipilit ang sarili kay Xinghe dahil hindi ordinaryong babae si Xinghe. Kapag nagalit niya ito sa anumang paraan, ang pagkakataon na makilala ito, at mapalapit dito, ay habambuhay ng maititigil.

Sa loob ng kotse, sinigurado ni Mubai na limitahan ang paksa ng usapan nila sa artificial limb technology.

Hindi na siya nagbukas pa ng ibang usapan maliban doon.

Nagawa naman niya ng maayos ang kanyang parte dahil hindi naman tumalon palabas ng kotse si Xinghe.

Hindi nagtagal, narating na nila ang gusali ng laboratoryo.

Sinabihan siya ni Mubai, "May pupuntahan akong miting kaya hindi na ako susunod pa sa iyo papunta sa loob. Gayunpaman, mayroong isang inhinyero na maghihintay sa iyo. Siya ng vice-leader ng lab at ang pangalan niya ay Luo Jun. kung may iba ka pang kailangan, huwag kang mag-atubili na sabihin sa kanya."

Tumango si Xinghe, ang kanyang mga kamay ay nasa car handle.

"Sandali…" tawag ni Mubai sa kanya, "Kung may mga bagay na hindi kayang resolbahan ni Luo Jun, sabihan mo ako."

"Okay." Umalis na sa kotse niya si Xinghe ng walang paalam. Si Luo Jun naman ay nasa harap na ng pasukan ng gusali at naghihintay sa kanila.

"Miss Xia, ikinagagalak kitang makita, ako si Luo Jun. gagawin ko ang lahat para matulungan ka sa proyekto kaya kung may kailangan kang ipagawa, sabihan nyo ako na gawin iyon."

May mabait at madaling pakisamahang personalidad si Luo Jun. Halatang sinadya ni Mubai na italaga ito sa kanya.

Tumango si Xinge. "Ituro mo na ang daan."

"Please," sagot ni Luo Jun na may halong pagyuko.

Para matupad ang kahilingan ng Old Madam Xi, ang Xi Family ay nagsunog ng maraming pera.

Ang gusali ng lab ay may limang palapag at ang bawat palapag ay naglalaman ng hindi bababa sa sampung indibidwal na laboratoryo.

Madalas ding abala ang mga siyentipiko at mga inhinyerong nasa loob na nakaputing lab coat.

Marami sa kanila ay ang nangunguna sa kanilang mga larangan.

Ang lugar na iyon ay punung-puno ng mga kagamitang medikal…

Lahat ng mga kagamitan na matatagpuan sa mga lab ay ang pinakabago at pinakamahusay na produkto sa buong mundo.

Naroroon ang pagmamalaki sa boses ni Luo Jun habang ipinapakilala ang lugar kay Xinghe, "Ang pinakamagaling na mechanical artificial limb na kasalukuyang nasa merkado ay ginawa rito. Kung makakagawa tayo ng teknolohiya para sa perpektong artificial human limb, makikilala sa buong mundo ang pangalan ng Xi Empire, at makukuha nila ang lahat ng parangal at pabuya. Miss Xia, gusto mo bang libutin ang lahat ng limang palapag?"

"Hindi na kailangan," magalang ngunit mariing tanggi ni Xinghe, pagkatapos ay iniutos nito, "Dalhin mo sa akin ang pinakabagong produkto at disenyo ng inyong lab. Kailangan ko ang lahat ng impormasyong kaya mong makalap. Ngayon, dalhin mo ako sa aking lab at hihintayin na lamang kita doon."

Nabigla si Luo Jun sa simple at direktang paraan kung paano harapin ni Xinghe ang mga bagay-bagay.

Napahanga siya sa makapangyarihan at malakas na presensya nito.

Gayunpaman, ang pinakaimportanteng disenyo ay hindi niya makukuha!

Nahihirapang magpaliwanag si Luo Jun, "Ang lahat ng disenyong nakasulat sa papel ay hawak ni Leader Yun. Sinabi niya na ang lahat ng mga papeles na iyon ay top-secret na impormasyon kaya hindi niya ito maibibigay sa kahit na sino pa man."

"Yun Ruobing?" Tanong ni Xinghe.

"Oo, ito nga si Leader Yun Ruobing. Madali na siguro ito kung magkakilala kayo Miss Xia. Sigurado akong papayag na ibigay ni Leader Yun ang design paper kung malalaman niyang si Miss Xia ang humingi," positibong hinuha ni Luo Jun.

Sumagot si Xinghe, "Ang ikinatatakot ko nga ay ipagkakait niya ang mga papeles dahil alam niyang ako ang humihingi."

Related Books

Popular novel hashtag