Napansin ni Xinghe ang hindi niya pag-imik at nagtanong ng nakataas ang kilay, "Ano'ng problema? Hindi ko ba naunawaan ang ibig mong ipahiwatig?"
Fine, malapit na din naman iyon sa nabanggit ko.
Pero ang sinabi ko na iyon ay para lamang tulungan kang maipanalo ang argumento… hindi naman talaga iyon ang ibig kong sabihin.
Tinanong din siya ng kanyang lolo, "Pumayag ka na ba talaga na ilayo niya ang bata?"
"Sinabi niya, narinig mo naman, tama?" Susog ni Xinghe, sinasamantala ang pananahimik ni Mubai.
Agad siyang pinandilatan ni Xi Gang. "Huwag kang magsalita kapag hindi ka tinatanong. Interesado ako sa sagot lamang niya!"
"Hindi ba't sinagot ka na niya? Walang ibang paraan para ipaliwanag kung ano ang sagot niya." Deretsong sagot ni Xinghe.
"…" walang masabi si Mubai.
Ang mga ginagawa niya para tahasang himayin ang mga sasabihin ko. Hindi ba't masyado na itong labis…?
"Kung gayon, sabihin mo sa akin. Pumayag ka ba o hindi?!" Idinerekta ni Lolo Xi ang kanyang tingin kay Mubai. Na tila ba sa oras na tumango si Mubai, ay agad niya itong itatakwil bilang kanyang apo.
Tumititig din si Xinghe sa kanya ng may mga matang nagniningning…
"…"
So, ganito pala ang mararamdaman mo kapag naiipit ka sa dalawang nag-uumpugang bato.
Pero paano ba napunta ito sa ganito? Ano ba ang nagawa kong mali?
"Tinatanong kita! Pumayag ka ba o hindi?!" Ulit ni Lolo Xi ng may karagdagang diin.
"Ako…" binuksan ni Mubai ang kanyang bibig para magsalita pero bago niya ito ipagpatuloy, hinila niya si Xinghe at sinabi, "Lolo, sa tingin ko ay dapat na naming makita muna si Lin Lin, hindi na maganda na paghintayin pa ang bata. Ipagpapatuloy natin ang usapang ito mamaya."
Sa ilalim ng nakakamatay na titig ni Lolo XI, mabilis na niyang hinila palayo sa sala si Xinghe ng may pagmamadali.
Tumigil siya at umangal ng nakalayo na sila at nasa pasilyo na, "Hindi ba sinabi ko na sa iyo na huwag mong babanggitin ang kustodiya sa harap ni Lolo?"
"Hindi naman ako nangako sa iyo na hindi ko gagawin." Nagpupumiglas si Xinghe sa hawak niya at, sa oras na yon, nakaramdam si Mubai ng pagkabigo.
Binawi niya ang kamay na may nararamdaman pa ding init mula sa katawan nito at sinabi, "Pero alam mong magagalit siya sa oras na ginawa mo iyon. Sa tingin ko ay hindi mo kakayaning harapin ang mga kahihinatnan nito."
"Ano ang pinakamasamang pupwedeng mangyari? Ang ipapatay ako?" Sambit ni Xinghe ng may kibit-balikat.
Napatawa ng mahina si Mubai, "Syempre, hindi naman niya gagawin iyon, pero maaari niyang ipagbawal na makita mo si Lin Lin."
"Ipagbawal na kuhanin ko siya, ipagbawal na makita ko siya, ang totoo, ano ang ipinagkaiba?" Himutok ni Xinghe, at ibinaba ang tingin sa kalungkutan.
Malapit na siyang mamatay, kung hindi niya mababago ang kapalaran ng kanyang anak bago iyon, ang makita ito o hindi ay walang ipinagkaiba…
Ang kanyang kagustuhan ay hindi ang makita ito pero ang baguhin ang kapalaran nito.
Naramdaman ni Mubai ang kalungkutan ni Xinghe pero hindi niya matukoy kung bakit.
Nagtanong siya sa magiliw na tono, "Gusto mo ba na makuha ang kustodiya ng bata ng ganoon katindi?"
"Oo," sagot ni Xinghe ng walang hesitasyon.
Seryoso siyang tinitigan ni Mubai ng ilang sandali at saka ito nagbitaw ng isa pang tanong, "Nabanggit mo na gusto mong gawin ang lahat para matupad ang layuning ito. Totoo pa din ba iyon?"
Itinaas ni Xinghe ang kanyang mga mata para tingnan siya, "Ano ang naiiisip mo?"
"Pakasalan mo ako," hindi niya inaasahang sinabi ni Mubai, "Pakasalan mo akong muli at ang bata ay magiging sa iyo, walang iba na ang makakatutol pa dito."
"…"
"Hindi ba't sinabi mo na kaya mong gawin ang lahat para kay Lin Lin? Hindi ba ito kasali?"
"Pumapayag akong gawin ang lahat at nanagangako sa iyo ng kahit ano basta hindi ito," sagot ni Xinghe sa isang tono na puno ng pinalidad.
"Bakit hindi?" Simangot ni Mubai, at ang puso niya ay nabalisa, "Dahil ba hindi mo ako mahal?"
Hindi, hindi dahil doon. Pinakasalan na kita ng minsan kahit hindi kita mahal at makakaya ko itong gawing muli.
Ang rason ay dahil ang intensiyon ko ay nagbago mula sa pag-angkin kay Lin Lin patungo sa pansamantaling pagkuha dito para mailayo siya sa nalalapit na kamatayan.
Kahit na pakasalan kita, nalalapit na ang kamatayan ko at, matapos ang aking pagkamatay, hindi kalaunan ay mag-aasawa kang muli.
At ayon sa napanaginipan ko, si Lin Lin ay hindi pa rin papansinin at maglalayas paalis sa bahay…