Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 182 - Ang Pigilan Siya

Chapter 182 - Ang Pigilan Siya

Ang pagkakaayos ng antas ng kapangyarihan ng isang mayaman at makapangyarihang pamilya sa modernong panahon ay hindi naiiba tulad sa sinaunang harem ng isang imperyo. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang layunin at hangarin, ang pagsasabwatan at pagbabalak ng masama laban sa kapwa.

Nasa kanyang paniniwala na kahit sino pa ang pakasalan ni Mubai, hindi nito mamahalin si Lin Lin ng buong puso.

Itatakwil nito ito o, mas malala pa, saktan ito.

Dahil si Lin Lin ang pinakaunang anak ni Mubai kaya ito ang may pinakamalakas na karapatan sa Xi Empire. At gagawin ng bagong asawa na mawala ito sa landas para ang anak nito ang mapunta sa tuktok ng tagumpay.

Kaya naman, pagkatapos na maikasal muli ni Mubai, ang sitwasyon ni Lin Lin ay magiging mabuway at peligroso.

Kaya kailangan niyang mailayo ito sa kasalukuyan nitong kapaligiran, para maiwasan ang labanan ng mga ito sa kapangyarihan, at para matuto itong maging malakas at umaasa lamang sa sarili.

Ngunit, hindi niya maaaring ihayag ang lahat ng ito kay Mubai…

Dahil kapag nalaman nila na mamamatay na siya at sinadya niyang itago ang katotohanang ito sa kanila, sigurado na hindi sila papayag na mailayo niya si Lin Lin.

Paano nila hahayaang lumaki si Lin Lin ng mag-isa sa mapanganib na mundo ng walang suporta ng Xi Family?

Nilunok niya ang kanyang mga reklamo dahil alam niyang wala na siyang aasahang iba kundi ang sarili lamang niya.

Tumingin si Xinghe kay Mubai na may bagong determinasyon. "Kung tama ang pagkakaalala ko, mayroong patakaran sa Xi Family na kung sinuman ang makakapagpagaling ng pisikal na kondisyon ni Old Madam Xi ay mabibiyayaan ng kahit anong kahiligan. Tama ba iyon?"

Naningkit ang mga mata ni Mubai kay Xinghe. "Gusto mong subukan ang bagay na ito?"

"Oo!" Tumango si Xinghe, ang mga mata niya ay nagniningning ng may tiwala sa sarili.

Mayroong ngiti sa mga mata ni Mubai ng sumagot ito, "Hindi sa wala akong tiwala sa iyo pero kaya mo ba talaga itong magawa ng matagumpay? Kailangan niya ng isang perpektong artipisyal na braso; ang mga kasalukuyang medikal na pananaliksik ay ni hindi nalalapit na makaunawa dito."

Sumagot si Xinghe ng may ngiting nakakaakit, "Kung hindi mo susubukan, hindi mo malalaman."

"So, sigurado ka ba na isa na naman itong tagumpay para sa iyo?"

"Para sabihin ang totoo, mahirap masabi sa ngayon pero may tiwala ako sa aking sarili," ang mga mata ni Xinghe ay nagniningning ng sabihin niya ito.

Isa itong liwanag na nagmumula sa loob niya, isang aura ng nakakasilaw na tiwala sa sarili.

Ito ang pinaka nagugustuhan ni Mubai sa kanya.

Tuwing nakikita niyang ganito ito, ang puso niya ay nayayanig, tila ba tinatangay ng malakas na ulan ng Abril.

At sa pagkakataong iyon, ang atraksyon niya dito ay napakalakas. Ang tukso na pigilin at itali si Xinghe, ang itago ito para masarili ay nag-uumapaw sa kaloob ni Mubai!

Pero alam niyang hindi niya ito magagawa.

Ang pagiging malaya ay parte ng kagandahan ni Xinghe. Tulad ng isang Phoenix na ipinanganak muli, kailangan niya ang bukas na kalangitan para ilantad ang kanyang mga pakpak, at ipakita ang kanyang kaluwalhatian.

Pinigilan ni Mubai ang kanyang saloobin at tumingin dito ng may maalab na titig, at nangangako na, "Sige, dahil sa tiwala mo sa sarili mo, subukan mo. Kung magagawa mo ito, tutuparin ko ang kahilingang gusto mo, pati na rin ang buong Xi Family!"

Sa pagkakataong iyon, wala ng pakialam pa si Mubai sa labanan ng kustodiya.

Dahil hindi lamang ang bata ang gusto niya, kundi kasama na din ang ina nito.

So, ano naman kung ibigay niya ang bata? Sa bandang huli, babalik din naman si Lin Lin sa kanya dahil balak din niyang angkinin din ang ina nito.

"Totoo?" Tanong ni Xinghe na halata ang pagkagulat.

"Magsisinungaling ba ako sa isang taong importante tulad mo?" Sagot ni Mubai ng may bahagyang ngiti. Halata na may pang-aakit sa mga salita niya pero hindi ito napansin ni Xinghe dahil masyado itong masaya kaya ang atensiyon nito ay natutok sa sinabi nito na pumapayag ito sa kanyang pakiusap, kahit na may mga kondisyon.

Mukhang ang sitwasyon ni Old Madam Xi ay talagang ang pinakamalaking problemang kinahaharap ng Xi Family.

"Ang mga salita mo ay walang halaga sa akin, kailangan ko din na sumpaan ito ng lolo mo," maingat na sambit ni Xinghe. Sa pandinig ni Mubai, na nababalot pa ng pagkahibang sa pag-ibig, tila ba isa itong bata na humihingi ng isang pinky promise sa isang matanda.

Pinigilan niya ang sarili na guluhin ang buhok nito at rumesponde ng may malawak na ngiti, "Hindi mo na kailangan pang mag-alala tungkol doon dahil mahal na mahal ng lolo ang lola. Gagawin niya ang lahat para dito. Ang totoo nyan, kung nag-aalala ka pa din, bakit hindi natin ito kumpirmahin sa kanya ngayon?"

Hinila na niya ito pabalik para makita muli si Lolo Xi.

Matapos pakinggan ang iniaalok ni Xinghe, si Lolo Xi ay parehong nasorpresa at may kaunting hinala, "Tiwala ka bang magagawa mo ito?"

"Mayroong 70 hanggang 80 porsiyentong tiwala na magagawa ko ito ng matagumpay," matapat na sagot ni Xinghe pero ang dating nito sa pandinig ni Lolo Xi ay pagyayabang.

Tinitigan siya nito ng masama at paismid na sumagot, "Young lady, maaari ko bang ipaalala sa iyo na talk is cheap?"