Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 175 - Ang Paumanhin na Hindi Tinanggap

Chapter 175 - Ang Paumanhin na Hindi Tinanggap

Hindi kailanman ikinunsidera ni Mubai na isa siyang mabuting tao. Responsable siya para sa kanya at sa sarili niya. Hindi siya ang tao na may pakialam sa nararamdaman ng ibang tao.

Ang pagtrato niya sa Chu Family ng araw na iyon ay taliwas na sa gawain niya.

Kung hindi sa katotohanan na ang sarili niyang ina ay may kinalaman sa pakanang sirain ang nauna niyang kasal, ang paraan ng paghawak niya sa pagkakataong ito ay mas malala sana.

Inisip niya na magiging matalino ang mga ito na tanggapin ang hiwalayan ng walang reklamo, para isalba ang dangal nila.

Pero sila pa ang may lakas ng loob na ipahiya siya…

Iniisip ba ng mga taong ito na porke ipinagkasundo sila ni Tianxin, ay may utang na siya sa mga ito? Na magbibigay ito sa kanila ng moral high ground?

Nagkakamali sila.

Dahil gusto nilang gawin ito sa mahirap na paraan, wala nang rason para sa kanya na magpigil pa.

Ang katotohanan na kahit walang ginawang mali si Tianxin, ipapabawi pa din niya ang kasunduan.

Hindi niya gustong maikasal na naman sa ibang babae na hindi niya mahal.

Para sa nakakabagot na buhay niya, sa wakas ay natagpuan na niya ang isang bagay na nakapukaw ng interes niya kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng ibang oras sa mga kalokohan.

Wala na siyang pakialam kung nasira niya ang kapayapaan ng dalawang pamilya o ang nararamdaman ng sinuman.

Mabuti ng manakit siya ngayon kaysa magsisi siya sa buong buhay niya.

At saka, kung gusto niyang kumuha ng hustisya para kay Xinghe, walang makakahadlang sa kanyang landas.

Ramdam ni Tianxin at ng kanyang pamilya ang kanyang lupit ng buong lakas.

At sa sandaling iyon, doon napagtanto ni Tianxin na hindi siya pamilyar dito.

Sa kanyang isipan, si Mubai ay isang madaling pakiusapan pero mahirap malapitan na uri ng tao.

Pero ngayong nakita na niya ang tunay na Mubai, ang kanyang distansya na inakala niyang natural na paglalayo lamang ay bunga pala ng kalupitan!

Ang kanyang kalupitan, na kanyang napagtanto, ay maaaring maitutok sa kanya kahit na ipinagkasundo sila at magkakilala na ng maraming dekada.

Alam ni Tianxin na para sa kanyang mabuting interes ang tanggapin ang paghihiwalay nila ni Mubai habang binibigyan siya nito ng tsansa.

Pero, hindi niya kaya…

Hindi niya kaya na iwanan ang lahat na sinisimbolo ni Mubai: ang kapangyarihan, yaman, prestihiyoso, at hitsura. Ang bawat isang parte nito ay isang bagay na hindi niya maaaring bitawan.

Para kay Tianxin ang pagkawala nito ay katumbas ng pagkawala ng mundo.

Gayunpaman, mariin si Mubai na tapos na ang kasunduan, kaya paano niya masasagip ang sitwasyon?

Napunta ang mga mata ni Tianxin kay Xinghe at itinapon niya ang sarili sa awa ni Xinghe. "Xinghe, alam kong mali ang ginawa ko. Pwede mo bang patawarin mo na ako? Nagmamakaawa ako sa iyo pakiusap…"

Inisip niya na kapag pinatawad siya ni Xinghe, mapapatawad din siya ni Mubai.

Dahil ibinaba na niya ang antas niya kay Xinghe para magmakaawa dito, wala na dapat ibang rason ang b*tch na ito para hindi siya patawarin.

Mabagal na tumayo si Xinghe at naglakad ng nilampasan si Tianxin na tila hindi ito narinig. Sinabi niya kay Mubai, "Nagpapasalamat ako sa iyo sa pagbabalik sa akin ng hustiya na nararapat sa akin. Nasiyahan ako ng husto. Kung wala ng iba pang may intindihin sa akin, aalis na ako."

"Xia Xinghe, hindi mo ba ako narinig? Sinabi ko na ngang paumanhin, mapapatawad mo ba ako pakiusap?" Angil ni Tianxin sa pagitan ng kanyang mga ngipin. Kinakain ng pagkasuklam ang puso niya dahil kinakailangan niyang humingi ng tawad kay Xinghe.

Hindi na niya matagalan pa ang nakangiting mukha ng babaeng ito. Makakatikim ito sa kanya matapos siyang balikan ni Mubai!

Syempre, ang bastardong anak nito ay maghihirap din dahil sa kasalanan ng nanay nito!

Isang araw, darating din ito, aalisin niya ang pares ng mag-ina na ito na humahadlang sa kanya sa bawat pagkakataon.

Ang pagkasuklam sa mga mata ni Tianxin ay lantad na nakikita ni Xinghe.

Malamig lang siyang tiningnan ni Xinghe, at ang mga salitang ito ang nanulas sa kanyang mapupulang labi, "Ang paumanhin mo… ay hindi katanggap-tanggap!"

"Ikaw—" namumula ang mukha ni Tianxin sa galit.

Sumigaw sa galit si Ginang Chu. "Xia Xinghe, ang kapal ng mukha mo na maghangad pa ng malaki! Matapat ng humihingi ng patawad ang anak ko, ano pa ba ang gusto mo?"