Sumali na din si Ginang XI, "Xia Xinghe, wala namang ginawang talagang masama si Tianxin sa iyo, hindi ba? Ibinaba na niya ang sarili niya hanggang sa humingi na siya ng tawad, ganyan ka ba kakitid?"
Kahit na si Ginoong Xi ay pakiramdam na sumosobra na si Xinghe…
Kahit na, humingi na ng tawad si Tianxin, ganoon na ba siya kakitid ang utak?
Tanging si Mubai lamang ang sumasang-ayon sa ginawang pagkilos ni Xinghe.
Ang pagtanggap ng kapatawaran ay pasya na niya. Bakit kailangan niyang tanggapin ang patawad dahil lang si Tianxin ang humihingi ng kapatawaran?
Kung siya ang nasa posisyon nito, hindi rin niya tatanggapin ang paghingi nito ng tawad.
Sinulyapan niya ang mga taong nasa loob ng silid na nambibintang sa kanya at ngumiti, "Tama ka, makitid ang isip ko kaya huwag ka ng gumawa ng masama sa akin dahil tatandaan ko ito habambuhay."
"Kamumuhian mo ako ng habambuhay? Ano ang plano mong gawin sa akin?" Nahihintakutang tanong ni Tianxin. Marahil ay hindi pa siya nakakabawi sa naunang pagkabigla dahil ang kanyang pag-arte ay nasobrahan na.
Natawa si Xinghe sa nakakatawang pag-arte nito at ang intensiyong pumatay ay dumaluyong kay Tianxin.
Parang sa unang beses niyang tinatantiya ang sitwasyon, biglang napagtanto ni Tianxin kung gaano kababa ang hitsura niya kay Xinghe.
Sinubukan niyang bawiin ang kanyang sarili pero sa sandaling bumaba siya para magmakaawa kay Xinghe, ay natalo na siya.
"Wala akong gagawing kung ano man sa iyo dahil hindi ka karapat-dapat pag-aksayahan ng oras ko. Huwag masyadong mataas ang tingin mo sa iyong sarili," sambit ni Xinghe bago ito umalis.
Sinira ni Tianxin ang kasal niya kaya patas lamang para sa kanya na sirain ang kasunduan nito ng pagpapakasal, tit for tat gaya ng sabi nila.
At dahil nakamit na niya ang layunin niya sa araw na iyon, wala ng rason pa para kay Xinghe na manatili at tingnan ang mga nakakainis na pagmumukha doon.
Lumabas si Xinghe sa silid tulad ng pagmamay-ari niya ang mundo at kumilos si Mubai para sumunod.
"Mubai, tumayo ka lang diyan. Hindi pa tapos ang gulong ito; hindi kita pinapayagan na kanselahin ang kasunduan ninyong magpakasal ni Tianxin!" Tawag ni Ginang Xi sa kanya.
Hinarap ito ni Mubai at malamig na sinabi, "Hindi ako pinapayagan, mother? Gusto mo bang kumuha pa ako ng abogado dito? Subukan mo ako."
"Ikaw…" Nasorpresa ang kanyang ina, paano nito nagagawang sagutin siya ng ganoon?
Siya ay kanyang anak. Ang asawa na pinili niya para dito ay para sa kabutihan nito, bakit hindi niya ito makita?
Gayunpaman, alam niyang hindi niya ito maaaring pilitin sa kahit anumang desisyon na ayaw nitong gawin, kahit na siya pa ang ina nito…
Tumalikod na si Mubai at umalis.
Matapos ang ilang sandali, napagtanto ni Tianxin na dapat niyang habulin si Mubai pero tumigil siya sa pintuan dahil nilisan na nito ang gusali.
Habang pinapanood niya ang likod nito, ang kanyang mga mata ay punung-puno ng lason.
Xia Xinghe, sinira mo ang buhay ko, hindi kita mapapatawad!
…
Matapos lumabas si Xinghe sa hotel, tumayo siya sa entrada at hindi umalis.
Tulad ng kanyang hula, hindi nagtagal ay lumitaw si Mubai.
"Hinihintay mo ba ako?" Matiim siyang tinitigan nito.
"Oo," pag-amin ni Xinghe, "Gusto kong makita si Lin Lin."
Alam niyang ito ang sasabihin nitong kahiligan sa araw na iyon.
Doon niya napagtanto kung gaano nito kamahal ang anak nila sa mga pagkakataong nagkita ang mga ito kamakailan lamang.
Nakokonsensya siya dahil ang pamilya niya ang naging hadlang sa landas nito kapag gusto nitong bisitahin si Lin Lin. Naiintindihan na niya ang pagnanais nitong makasama si Lin Lin.
At sa parehong pagkakataon, hinahangaan ni Mubai si Xinghe.
Alam niyang magiging imposible para sa kanya na basta pumasok at makita si Lin Lin kaya nagpasya ito na palakasin muna ang mga suporta niya.
Matapos noon ay saka lamang pakikinggan ang kanyang hinihingi.
Sa kabila ng katotohanan na hindi pa rin sapat sa kanya para makuha ang kustodiya, hinahangaan niya ang matiyagang ugali nito.
Syempre, hindi din masama na ang iba pang personal na katangian ni Xinghe ay kahanga-hanga rin.
Hinahangaan ni Mubai ang mga namumukud-tanging indibidwal at napagtanto niya na ang dating asawa ay isa sa mga ito.
Hindi na niya itinago pa ang pagkagiliw kay Xinghe, "Tara na. Si Lin Lin ay nasa old family mansion, hindi ka nila papapasukin doon kapag wala ako."