Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 167 - Umalis ka sa Daraanan Ko

Chapter 167 - Umalis ka sa Daraanan Ko

Nagsimula ng magbihis ng magara si Tianxin kinaumagahan ng maaga.

Normal na sa kanya ang gumugol ng dalawang oras kada umaga para ayusin ang kanyang panlabas na anyo, pero sa araw na iyon ay halos tatlong oras ang ginamit niya.

Dahil sa kanya, nahuli ang Chu Family sa Century Hotel.

Kung suswertihin ka nga naman, kararating lamang din ni Xinghe.

Ang dalawang partido ay sabay na tinawid ang mga umiikot na pintuan sa magkaparehong oras.

"Maligayang…" habang binabati sila ng magandang nakauniporme na serbidora, nakita ni Xinghe ang grupo ni Tianxin sa 'di kalayuan.

Nakita din siya ng grupo ni Tianxin!

Tumigil sa paglalakad si Tianxin. Ano ang ginagawa ni Xia Xinghe dito?

"Bakit siya nandito?" Nakasimangot si Ginang Chu ng may matinding pagkasuya sa oras na makita niya si Xinghe.

"Hayaan ninyo siya. Tara na, mahuhuli na tayo," sinulyapan ni Ginoong Chu si Xinghe at giniyahan silang umabante.

Gusto ni Tianxin na huwag pansinin si Xinghe pero naglalakad din sa kanilang pupuntahan si Xinghe.

Habang iniisip ang nangyari kahapon, mayroong nag-uudyok sa kalooban ni Tianxin na sampalin si Xinghe!

Umabante siya para harangan ang daraanan ni Xinghe at nagtanong ng may manipis na ngiti, "Ano ang ginagawa mo rito?" Mayroong matinding probokasyon at panunuya sa tono ng kanyang tanong.

Walang pakialam na tiningnan siya ni Xinghe, na tila ba isa siyang basura, at sumagot, "Ano naman ang kinalaman nito sa iyo?"

Tumawa ng nanunuya si Tianxin. "Xia Xinghe, sino ka ba sa tingin mo? Isa ka lamang kasuklam-suklam na babae na gumamit ng mga pandaraya para nakawin ang lahat mula kay Wushuang. Wala ka bang kahihiyan?"

Mula sa pananaw ni Tianxin, si Wushuang ay isang inosenteng biktima na nahulog sa mga masamang patibong ni Xinghe.

Kahit na mapera na si Xinghe ngayon, mababa pa rin ang tingin niya rito. Sa kanyang puso, si Xinghe ay habambuhay na mananatili na mababa sa kanya!

"Tapos ka na? Umalis ka sa daraanan ko." Hindi na gusto pang istimahin ni Xinghe ito.

Agad na nagalit si Ginang Chu. "Ikaw babae, pigilan mo ang tabas ng dila mo! Ang lakas ng loob mo na bastusin ang anak ko?@"

Naging masungit din ang tingin ni Ginoong Chu. Hindi din niya gusto ni Xinghe. Dahil para sa kanya, ninakaw nito ang kaligayahan ng kanyang anak.

"Mom, ganito magsalita ang mga taong nagmula sa sira-sirang pamilya. Huwag na ninyong pababain pa ang sarili ninyo sa antas niya, hindi siya nararapat doon," itinaas ni Tianxin ang kanyang ilong at patuya itong sinabi.

Nanlilibak na tumawa din si Ginang Chu, isang eksaktong kopya ng kung ano ang ginawa ni Tianxin ilang sandali na ang nakakaraan. "Tama ka, hindi ko dapat sayangin ang oras ko na turuan ang isang imoral na p*tang tulad niya."

Malamig silang tiningnan ni Xinghe, nagtataka kung gaano katagal pa nila itong gagawin.

Malamig niyang tinitigan si Tianxin, "Tapos ka na ba sa kahangalan mo? Ngayon umalis ka na sa daan!"

Naalala ni Tianxin ang mga insulto na ibinato sa kanya ni Xinghe kahapon, tungkol sa kung paano ang kanyang puwet ay nasa mukha niya…

Mababanaag ang galit sa kanyang mukha. "Xia Xinghe, mag-iingat ka sa mga sinasabi mo at matuto kang rumespeto! Sinasabi ko sa iyo, kahit gaano ka pa pumarada sa harap ni Mubai, hindi ka niya tatapunan kahit ng isang tingin! Ang mahal niya ay ako, hindi mo kami mapaghihiwalay!"

"Alam mo ba kung bakit tayo naririto ngayon?" Sinadyang lumapit ni Ginang Chu para magyabang, "Nagpareserba si Mubai ng isang mesa, at partikular na inimbitahan kami para mananghali."

Matagumpay ding dumagdag pa si Tianxin, "Tama iyon. Sa tingin mo ang pagsasabi sa kanya tungkol sa mga nangyari sa nakaraan ay mababago ang pagmamahal niya sa akin? Xia Xinghe, masyado kang tanga. Hindi nga galit sa akin si Mubai. Hindi lamang iyon, sinadya niyang ayusin ang tanghaliang ito para partikular na harapin ang mga magulang ko. Wala kang halaga sa kanya; wala siyang pakialam sa kung ano ang nararamdaman mo!"

"Syempre, hindi magiging interesado si Mubai sa isang mababang uri ng babae na tulad niya. Kung hindi lamang sa tatay niya na makapal ang mukha na nagpumilit na makasal sila, paano siya makakapasok sa pamilyang prestihiyoso tulad ng mga Xi?"