Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 168 - Hiniwalayan!

Chapter 168 - Hiniwalayan!

"Alas, ang makinang na dumi ay dumi pa din." Malakas na tawa at pang-iinsulto ni Ginang Chu kay Xinghe.

Tumawa rin si Tianxin. "May mga klase ng tao na alam tanggapin ang lugar nila sa buhay. Hindi dapat niya isipin na, dahil lang sa isang maswerteng insidente, na mas mataas siya sa iba sa buong buhay niya. Dapat niyang malaman na ang buhay sa ituktok ay hindi para sa lahat!"

Biglang nanuya si Xinghe. Matalim na tinitigan niya si Tianxin at nagtanong, "Sa madaling salita, naniniwala ka na ang buhay na iyon ay para sa iyo?"

"Oo naman! Kami ni Mubai ay childhood sweethearts; ako lamang ang gusto niya at ako lamang ang nababagay sa kanya. Malapit na kaming ikasal. Noong oras na umalis ka, agad siyang pumunta sa akin. Kung hindi sa kawalang-hiyaan mong mga paraan, ang ayaw mong paglayas sa Xi Family, matagal na sana kaming naikasal! Kung hindi sa nakaaawa mong kondisyon, iniwan ka na ng matagal ni Mubai!" Malupit na pag-atake ni Tianxin kay Xinghe.

Kung hindi pa nabawi ni Xinghe ang kanyang alaala, masasaktan ito sa mga salitang iyon.

Kahit na wala siyang pagmamahal kay Mubai, ito pa rin ang taong pinakamalapit sa kanya matapos niyang mawala ang kanyang mga alaala.

Pero ngayon, ni hindi siya nakaramdam kahit ng isang kurot.

Para sa bagong gising na Xia Xinghe, ang mga lalaki ay mga wala lang at mga kasangkapan lamang!

Ang magsayang ng luha para sa isang lalaki? Nakakatawa.

Nagkibit-balikat si Xinghe at nagsalita ng nakangiti, "Well, kung iyan ang kaso, umaasa ako na sana ay tahakin ninyong dalawa ang landas na ito hanggang sa huli. Gayunman, hindi ko gusto itong makita kaya tingnan mo ng maigi ang make-up mo kapag umiyak ka kapag hiniwalayan ka."

Tumawa si Tianxin. "Ikaw ang nahiwalayan, okay? Nangyari na iyon tatlong taon na ang nakakaraan!"

"Makinig ka sa akin, ako ang humingi ng diborsyo kaya ako ang humiwalay sa kanya. Sana ay masabi mo din ito!" Matapos iyon, tumalikod na si Xinghe para umalis.

Hindi na niya gusto pang mag-aksaya ng oras sa ganitong klase ng mga tao. Isa pa, ang palabas ay magsisimula na.

"Xia Xinghe, alam kong nagseselos ka! Hihiwalayan ako? Huwag mong lokohin ang sarili mo, ikakasal ako kay Mubai!" Sigaw ni Tianxin sa likuran niya pero naglakad lang si Xinghe ng hindi lumilingon.

"Bakit ba sinasayang mo pa ang hininga mo sa ganitong klase ng babae. Lumarga na tayo at huwag ng magsayang pa ng oras," maawtoridad na sabi ni Ginoong Chu.

Hinatak ni Ginang Chu ang braso ni Tianxin at sinabi, "Tianxin, tama ang ama mo. Magagalit ka lamang kapag patuloy kang nakipag-usap pa sa babaeng iyon. Halika na, huwag na nating paghintayin si Mubai at ang mga magulang niya."

Ang isipin na makikita niya si Mubai ang nagpasaya agad kay Tianxin.

Ang kaligayahan niya ay nahahaluan ng pagmamalaki.

Ako lamang ang titingnan niya at ako lamang ang nababagay sa kanya.

Talagang pinaniniwalaan niya ang mga salitang iyon na kanyang binitawan. Hindi tulad ni Xinghe, na siya niyang ikinukunsiderang nagkukunwari na nasa trono, nakikita niya ang sarili bilang ang nag-iisang karapat-dapat na nakaupo sa tabi ni Mubai!

Gayunman, napansin agad ni Tianxin at ng mga magulang niya na may kakaibang nangyayari.

Papunta si Xinghe sa lugar kung saan sila pupunta.

Habang nalilito pa din sila, itinulak ni Xinghe ang pintuan pabukas at pumasok sa silid.

"Bakit nandito din siya? Inimbitahan din ba siya ni Mubai?" Tanong ni Ginang Chu.

"Hindi ko alam…" naguguluhan din si Tianxin.

Sumimangot si Ginoong Chu at sinabi, "Pumasok na tayo imbes na manghula pa."

Silang apat ay pumasok sa silid ng sunud-sunod.

Nang makita nina Ginoo at Ginang Xi na pumasok si Xinghe, ang kanilang mga mukha ay puno ng katanungan. Ang hindi lamang naaapektuhan ay si Mubai, ang totoo ay nabuga siya ng buntung-hininga ng ginhawa, nag-aalala siya na baka hindi ito pumunta.

Ang presensya niya ay hindi mahalaga sa kanyang iaanunsyo pero salamat na lamang at naroroon siya dahil magagamit niya ang oportunidad na ibalik sa kanya ang hustiya na nararapat sa kanya.

"Mubai, bakit siya naririto?" Tanong ng kanyang ina na may halong inis.

Ang tanong na ito ay naglalaro sa isipan ng lahat.