"Ano ang ibig mong sabihin diyan?" Napasimangot si Ginang Xi.
Nakita ni Tianxin ang pagkakataon niyang sumabat. Agad siyang nagtanong, "Xinghe, ano ang ibig mong sabihin dito? Sinisisi mo ba si Auntie? Ang ibig mo bang sabihin ay kasalanan ni Aunti kung kaya hindi mo binibisita si Lin Lin sa mga nakalipas na tatlong taon?"
Syempre, si Ginang Xi, ang taong ni minsan ay hindi nagalitan sa kanyang buong buhay, ay nainis sa mahusay na pagbabaluktot ni Tianxin sa mga salita ni Xinghe.
Tumayo siya, dinuro si Xinghe at sinabi, "Xia Xinghe, linawin mo ang mga sinabi mo. Ano ang eksaktong pakahulugan mo?"
"Gusto talaga ni Ginang Xi na sabihin ko ito?" Mahinahong sagot ni Xinghe.
Sa parehong oras na iyon, narinig niya ang mga yabag ng kung sino sa pintuan na nasa kanyang likuran.
Ang mga yabag ay mahina pero alam niyang kay Mubai ito.
Sa ibang kadahilanan, kahit na maraming taon na ang nakaraan, madali pa rin para sa kanya na matukoy ang mga yabag nito.
Alam niyang siya na ito sa sandaling narinig niya ito.
Ngunit, masyadong malayo sina Ginang Xi at Tianxin sa pinto para marinig siya. Isa pa, masyadong natuon ang kanilang atensiyon kay Xinghe.
"Sabihin mo na ang lahat! Hindi ka aalis kapag hindi mo ipinaliwanag ng maigi ang sarili mo!" Ang boses ni Ginang Xi ay tumaas ng ilang oktaba, ang kumpletong kabaliktaran ng karaniwang eleganteng anyo niya.
Si Mubai na nasa pintuan ay narinig ang kanyang boses ay tumigil sa kanyang paglakad. Napasimangot siya.
Pasulyap na tumingin si Xinghe sa pintuan at napansin niya ang anino sa ilalim niyon. Nagpatuloy siya sa malinaw na boses, "Kung gusto ni Ginang Xi na sabihin ko ay umaasam ako na patawarin ako ni Ginang Xi sa pagkakasala ko. Ginang Xi, alam naman nating dalawa kung bakit pinili ko ang diborsyo maraming taon na ang nakakaraan. Ito naman ang talagang plano mo simula pa lamang, hindi ba? Ang pilitin mong mapaalis ako sa pamilya mo para maputol mo na ang ugnayan ko sa pamilya at sa anak ko ng malinis. Tama ba ako?"
Nahulog ang mukha ni Ginang Xi. Hindi niya inaasahan na susundin ni Xinghe ang kanyang payo at sabihin talaga ang lahat ng diretso.
Para bang hinahamon siya ng babaeng ito ng hayagan!
Gayunman, ang lahat ng sinabi niya ang katotohanan kaya nahirapan si Ginang Xi na pabulaanan siya.
Mabuti na lamang, naroon si Tianxin para sagipin siya. Agad nitong kinontra si Xinghe, "Xinghe, paano mo nasasabi ang mga bagay na ganyan? Paano kang pipilitin ni Auntie na makipagdiborsyo at ilayo ka sa anak mo? Hindi ganoong klase ng tao si Auntie kung kaya huwag mong dungisan ang dangal ni Auntie ng ganyan!"
"Napapahanga mo ako sa galing mong magsinungaling ng hindi man lamang kumukurap." Malamig na tinitigan ni Xinghe si Tianxin. "May malaking parte ka din sa diborsyo ko o baka nakakalimutan mo na ang tungkol doon?"
"Ano ang sinasabi mo diyan?" Bulalas ni Tianxin na tila ba inaakusahan ito ng pagpatay, ang mga mata nito ay agad na namula, "Xinghe, sinabi mo ang mga kasinungalingang iyon tungkol kay Auntie at ngayon idinadamay mo ako? Gaano ka ba kamalisyoso?"
"Ako ang malisyoso?" Hindi makapaniwalang sabi ni Xinghe, tumalim ang tingin nito at sumagot, "Hindi ba't ang katotohanan ay kayong dalawa ang pumilit sa akin sa diborsyo?! Ginang Xi, kinamuhian mo na ako sa oras na pumasok ako sa Xi Family. Ang totoo nga, naaalala ko pa na sa marami nating pribadong usapan, sinabi mo sa akin ng personal na hindi mo ako matatanggap na maging manugang ng Xi Family. Inutusan mo pa nga ako na iempake ko ang sarili ko, na humingi ng diborsyo dahil si Tianxin ang gusto mong maging manugang at wala akong panama sa kanya. Maliban sa mga masasakit na salita, nakalimutan na ba ninyong dalawa ang pinagkakutsabahan ninyong gawin, o magkukunwari na lamang tayo na hindi ito nangyari?"
Nabasag ang mga mukha nila Tianxin at Ginang Xi.
Hindi nila inakala na uungkatin pa ito ni Xinghe.
Tapos na si Xinghe sa pagiging magalang. No more Miss Nice Girl. Gagawin na niya ang isang magarbong paglalantad!