Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 160 - Itapon Siya Palabas

Chapter 160 - Itapon Siya Palabas

May mga bagay na hindi dapat sinasabi ng malakas.

Sa mga nakalipas na taon, tinupad ni Xinghe ang kanyang pangako at hindi nanggulo.

Subalit, napagpasiyahan niya na kumprontahin ang mga ito ng araw na iyon.

Maraming ginawang hindi maganda si Ginang Xi kay Xinghe maraming taon na ang nakalipas pero hindi ibig ssabihin noon ay papayag na siyang isa-isahin ito ni Xinghe ng lantaran.

Mula sa kanyang pananaw, dapat ay alam ni Xinghe ang makakabuti sa kanya at hindi maging insensitibo sa kanyang mga salita.

Si Ginang Xi, na dati ay isang masiyahin at matapat na tao, ay nasira ang imahe matapos na magalit siya ni Xinghe.

Nanginginig sa galit, itinuro niya ang pintuan at malakas na sumigaw, "Xia Xinghe, tama ka, wala kang panama kung ikukumpara kay Tianxin at hindi ka nararapat pa sa aking anak. Ngayon, lumabas ka ng bahay ko, hindi ka namin tinatanggap dito!"

"Kung hindi dahil sa anak ko, hindi ako pupunta dito," malamig na tugon ni Xinghe.

Patuyang tumawa si Ginang Xi. "Gusto mo pa ding makita ang apo ko? Imposible! Habang nabubuhay ako, hindi kita hahayaan mapalapit sa apo ko. Wala ng kinalaman si Lin Lin dahil hindi ikaw ang kanyang ina!"

"Ano'ng sinabi mo?" Tumingin sa kanya si Xinghe at mabagal na diniinan ang mga salita nito.

"Ang apo ko ay wala ng kinalaman sa iyo dahil hindi ikaw ang ina niya! Magmula ngayon, ang nanay niya ay si Tianxin! Wala ka ng relasyon sa apo ko o sa anak ko!"

Bahagyang ngumiti si Xinghe. "Ginang Xi, sa wakas ay sinabi mo din ang nasa iyong isip."

"Tama iyon at naniniwala ako doon! Ngayon umalis ka na sa bahay ko; hindi ka na pupwedeng pumunta pa dito!" May awtoridad na utos ni Ginang Xi.

Patuyang ngumiti si Xinghe. "So, ganito pala tratuhin ng Xi Family ang kanilang bisita. Sinira na ninyo ang kasal ko at ngayon ninanakaw nyo naman ang anak ko palayo sa akin, napakahusay."

"Xia Xinghe, sino ang sumira ng kasal mo?" Hindi masayang balik ni Tianxin, "Hindi ka naman gusto ni Mubai simula pa lamang dahil ako ang mahal niya. Kung hindi ka lumitaw, matagal na kaming ikinasal. Ikaw ang naglayo sa aming dalawa!"

Ako ang naglayo sa kanilang dalawa?

Wala na halos lakas si Xinghe para harapin ito. Sinabi niya ng deretso, "Chu Tianxin, magaling ka talagang maghabi. Ikaw ang gumawa ng bagay para masira ang kasal ko at ikaw pa ang may lakas ng loob na sabihin na ako ang naghiwalay sa inyo ni Mubai? Nasa mukha mo ba ang pwet mo dahil panay ang utot mo sa lugar na ito!"

"Ikaw…" namumula na sa galit si Tianxin.

Nagawa akong ipahiya ng b*tch na ito.

Naubos na din ang pasensiya ni Ginang Xi. Nag-utos ito, "Security, itapon ang walang hiyang babae na ito palabas ng bahay! Itapon na siya palabas ngayon na!"

Lumapit ang mga lalaki para itaboy si Xinghe palabas pero biglang pumasok si Mubai sa pintuan.

"Back off!" Malakas niyang utos at natigilan ang mga lalaki ng marinig siya.

Nagbago ang mga mukha nila Ginang Xi at Tianxin.

Hindi nila inaasahan na babalik ito agad-agad.

May nag-iisang katanungan ang nasa kanilang isip; gaano karami ang narinig niya?

Takot at pangamba ang pumuno sa puso ni Tianxin. Natatakot siya na baka narinig ni Mubai ang lahat.

Natataranta na din si Ginang Xi pero si Mubai ang anak niya kaya hindi siya natatakot tulad ni Tianxin. Kinalma niya ang sarili niya agad at mapayapa niyang sinabi, "Mubai, mabuti naman at nakauwi ka na. Si Xia Xinghe ay naririto para manggulo, bilisan mong utusan ang security para mapaalis na siya."

"Mubai, wala kang ideya kung gaano kawalang hiya na trinato ni Xinghe si Auntie. Wala siyang respeto sa aming dalawa; halos himatayin si Auntie sa galit!" Reklamo ng naagrabyadong si Tianxin.

Tahimik na nakatayo lamang si Xinghe. Hindi na siya nagpaliwanag dahil pakiramdam niya ay kababaan iyon para sa kanya.

Related Books

Popular novel hashtag