"Ito ang dahilan kung bakit gusto mong makipagkita?" Tanong ni Mubai.
"Oo, umaasa ako na tutuparin mo ang kahilingan ko dahil si Lin Lin ang lahat-lahat sa akin," matapat na pakiusap ni Xinghe, "Maaari mong sabihin ang anumang presyo na gusto mo, basta ipapangako mo na ibibigay mo ang kustodiya ni Lin Lin sa akin."
"Kahit anong presyo?" Tanong muli ni Mubai.
Tumango si Xinghe. "Oo. Kaya kong gumawa ng marami pang software para sa kumpanya mo para tumaas pa ang kita mo."
"Xia Xinghe…" mabagal na sabi ni Mubai pero hindi siya galit, "Nasa tabi ko na si Lin Lin mula ng siya ay bata, hindi ba kalabisan para sa iyo na hingin mo na ilayo mo siya sa akin ng basta-basta?"
"Naiintindihan ko na ang hinihingi ko ay hindi makatwiran pero magkakaroon ka pa ng iba pang anak matapos mong pakasalan si Tianxin. Si Lin Lin ay ang aking isa at nag-iisang anak, at umaasa ako na siya rin ay makakakuha ng pagmamahal at atensiyon na walang kahati."
Patuyang sumagot si Mubai, "Kung ganoon mo pala siya kamahal, bakit mo pinili na makipagdiborsyo sa akin maraming taon na ang nakaraan?"
Dapat ay naisip na niya na mag-aasawa itong muli ng ginawa niya ang desisyong ito!
Hindi maipaliwanag na naiinis si Mubai. Noong taong iyon, wala siyang naramdaman ng maibigay sa kanya ang mga papel para sa diborsyo pero sa ilang kadahilanan, nakakaramdam siya ng umaapoy na galit sa ngayon.
"Dahil hindi mo ako mahal," ang biglang sagot ni Xinghe ang nagpagulat kay Mubai. Bago siya makabawi mula rito, nagpatuloy si Xinghe, "Hindi rin naman kita mahal. Ang ating kasal ay walang pagmamahalan. Dalawa tayong estranghero na pinagsama lamang ng iisang kontrata. Ang pananatiling magkasama ay makakasama lamang sa ating dalawa."
"…" nalungkot ang mukha ni Mubai.
Tama siya, pahirap ang naging kasal nila.
Dalawang estranghero na hindi naman kilala ang isa't isa ay pinilit na mapag-isa. Ang pakikipagkasundo ay hindi ayos para sa dalawa. At ang dalawang panig ay hindi rin masaya.
Ang sitwasyon ay mas malala kay Xinghe dahil siya, bilang babae, ay kinailangang ikasal sa Xi Family, ang lugar na wala tumatanggap sa kanya. Ang lahat ng bagay at mga tao ay hindi pamilyar sa kanya. Ang bawat minuto sa bahay na iyon ay pahirap sa kanya.
Isa pa, walang kaparehong interes o anu pa man sina Mubai at Xinghe. Palaging siyang abala sa trabaho halos araw-araw, para sa kanya ay hindi ito asawa, mas maituturing itong dekorasyon sa bahay.
Itinatakwil siya ng mga miyembro ng Xi Family at nagpapagaling pa mula sa head trauma niya mula sa isang aksidente…
Ang halos tatlong taong ginugol niya sa Xi Family ay mala-impyerno. Sa sobrang depresyon ay inisip din niya minsan na magpatiwakal.
Para maialis niya ang sarili, pinili niyang makipagdiborsyo. Kahit na ang buhay sa labas ng Xi Family ay hindi pisikal na komportable pero hindi naman siya magdudusa sa araw-araw na pagpapahirap sa kanyang isip.
Siyempre, hindi niya ibinunyag ang panig ng kanyang kwento kahit kanino.
Ngayon, para sa kapakanan ng kanyang anak, kailangan niyang sabihin ito kay Mubai.
"Ang totoo, ikaw at ako ay pareho ng klase ng tao. Gusto natin ng mainam na buhay ispiritwal, wala tayong masyadong pakialam sa mga relasyon at emosyon. Kaya naman wala kang pakialam kung sino ang papakasalan mo, at wala din akong pakialam kung sino ang pinakasalan ko. Gayunman, hindi ko pa nababawi ang memorya ko noon. Para akong isang puppet na walang kaluluwa noong wala pa ang alaala ko, at hindi ko kayang tagalan ang araw-araw na pahirap. Ikaw naman, sa kabilang banda, ay naiiba. Hindi ako nagdududa na hindi ka matitinag kung bumagsak man ang langit ngayon. Mayroon o wala mang bata, makakaya mong magpatuloy. Ngunit, kahit na nabawi ko na ang aking alaala, mayroon pa rin akong nararamdamang kakulangan sa puso ko. Tawagin mo na itong pakiramdam ng isang ina o kahit na ano pa ang gusto mo, pero hindi ko makita ang sarili ko na nabubuhay ng wala ang anak ko sa tabi ko… Mubai, hayaan mo na akong alagaan ang anak natin, kahit na limang taon lang. Nagmamakaawa ako sa iyo, pakiusap."
Matapat siyang tinitigan ni Xinghe para ipaalam sa kanya na ang bawat salitang sinasabi nito ay nagmumula sa kaibuturan ng puso nito.
Alam ni Mubai na hindi palaimik si Xinghe.
Pinilit nito ang sarili para ihayag ang mga nasasaloob nitong nararamdaman. Nakikita niya na gusto talaga nitong maibalik ang bata sa buhay nito.
Pero, may pagkakamali ka. Anak ko din si Lin Lin. Paano ko maipapagpatuloy ng parang walang nangyari ang buhay ko kung maski si Lin Lin ay mawawala sa akin?