Ang bata ay parte ng pamilya ng Xi Family ng magpakailanman; imposible ang kanyang hiling.
Sa madaling salita, hindi niya mapagbibigyan ang mga kahilingan nito.
"Kahit anong mangyari, hindi ko maibibigay sa iyo si Lin Lin," mariing tanggi ni Mubai.
Sumimangot si Xinghe. "Hindi na ba pwedeng pag-usapan ito?"
"Wala na…" pwera na lang kung asawa pa kita.
Biglang naisip ito ni Mubai at nangatog siya..
Nabahiran ng kalamigan ang boses ni Xinghe, "Ako ang ina ni Lin Lin. Hindi ko ba siya pwedeng alagaan ng ilang taon?"
"Maaari mo siyang bisitahin anumang oras mo gusto."
"Pero gusto ko na palaging maging parte ng buhay niya, na maibigay sa kanya ang lahat ng nararapat sa kanya…"
"Ang aking Xi Family ay kayang ibigay sa kanya ang lahat, mas maigi pa sa kaya mong ibigay," putol ni Mubai sa kanya. Natahimik si Xinghe dito.
Tama siya, kayang ibigay ng Xi Family kay Lin Lin ang lahat ng pangangailangan niya at higit pa.
Kung hindi dahil sa paulit-ulit niyang panaginip, hindi lalapit si Xinghe kay Mubai para makiusap ng ganito kaaga. Ang kanyang katayuan ay mas mababa pa kaysa sa Xi Family.
Gayunman, ang panaginip ay nagbago ng kanyang mga plano. Kailangan niyang ipaglaban si Lin Lin ngayon kung hindi ay magkakatotoo ang panaginip niya at susunod na mamamatay ito matapos niyang mamatay.
Kailangan niyang baguhin ang kapalaran ng bata habang buhay pa siya.
Ngunit, ang Xi Family ay isang malaking balakid na sagabal sa kanyang landas.
Hindi niya maaaring gamitin ang kamatayan niya bilang argumento dahil hindi niya alam kung kailan siya mamamatay, pero ang pinakaimportante, ay kung papayag ba ang Xi Family na ipagkaloob si Lin Lin sa isang babaeng mamamatay na.
Tulad nga ng sinabi ni Mubai. Mabibisita niya si Lin Lin anumang oras niya gustuhin pero hindi niya ito makukuha.
"Paano kung umapela ako sa korte…" simula ni Xinghe pero pinutol siyang muli ni Mubai.
"Mas malabo ang tsansa mo sa paraang iyon."
"…"
"Kaya naman, kahit na ano ang mangyari, hindi mo ibibigay sa kustodiya ko si Lin Lin?" Walang siglang tanong ni Xinghe.
Mariing tumango si Mubai.
Kahit na, sa anumang paraan, na mahikayat niya ito na ibigay si Lin Lin, hindi papayag ang mga magulang nito, wala sa miyembro ng Xi Family ang papayag dito.
Hindi talaga kaya ni Xinghe ang buong Xi Family.
Alam ni Xinghe na wala ng saysay pa na ipagpatuloy ang usapan.
Tumayo na siya at sinabi, "Hindi ako susuko sa aking anak."
Matapos noon, tumalikod na siya para umalis. Naupo sa kanyang silya si Mubai, walang emosyong tinitigan ang kanyang likuran.
…
Umuwi na si Xinghe matapos niyang lisanin ang café.
Maluwag na ang iskedyul ni Xia Zhi ngayong tapos na nilang harapin sina Chui Ming, Wushuang, at Wu Rong, kaya ang inaatupag niya ngayon ay ang panonood ng telebisyon at paglalaro.
Nang dumating si Xinghe, naglalaro siya sa console game, at napapaligiran ng sari-saring inumin at mga memeryendahin.
Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo at tumakbo patungo kay Xinghe nang makita niya itong pumasok. "Ate, may maganda akong balita na sasabihin sa iyo! Sigurado akong matutuwa ka na malaman ito!"
"Anong magandang balita?" Tanong ni Xinghe ng walang ngiti, hindi man lamang naintriga sa proklamasyon ni Xia Zhi.
Tuwang sinabi ni Xia Zhi, "Kakatawag lamang ng mga pulis. Ang pamana ay sa iyo ng lahat! Mayroong isang bilyong salapi at ilang daang milyon na ari-arian! Lahat ay sa iyo na! Ate, bilyonarya ka na ngayon!"
Ang orihinal na ari-arian ni Chengwen ay hindi ganoon ang halaga pero magaling sa negosyo si Wu Rong. Napalago niya ang kayamanan ng Xia Family ng lumipas na mga taon. Ngayon, lahat ng ito ay pag-aari na ni Xinghe.
Wala na siyang mapagpipilian, isa itong kabayaran ng nawala.
Inisip ni Xia Zhi na magpapakita ng kaunting kasiyahan si Xinghe na malaman na ang isang bilyon ay malapit ng mapunta sa kanyang account, pero ang mukha nito ay kasinglamig ng bato.