Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 150 - Ang Kamatayan ni Lin Lin!

Chapter 150 - Ang Kamatayan ni Lin Lin!

"Xia Xinghe, papatayin kita! Lahat kayo! Lahat kayo ay nararapat na mamatay! Isusumpa ko ang bawat isa sa inyo, kahit na maging multo ako babalik ako para gambalain kayo!"

Nabaliw na ng tuluyan si Wushuang.

Sumagad na ang kanyang pagkamuhi. Sisirain na niya ang mundo kapag nabigyan siya ng oportunidad.

Humarap sa kanya si Xinghe at napatalon sa sobrang pagkagulat.

Ang benda sa mukha ni Wushuang ay natanggal na para ipakita ang isang malalim na sugat na nagsisimula sa itaas ng kanyang kaliwang kilay patungo sa ibaba ng kanyang kanang pisngi.

Halos mahati ang kanyang mukha sa dalawa. Dumudugo ito at lalong lumalala gawa ng mga bayolenteng galaw ni Wushuang.

Idagdag pa ang katotohanan na kinakaladkad nito ang baldadong ibabang parte ng katawan sa sahig…

Para bang isa itong eksena sa gabi ng mga patay na buhay!

Si Xinghe ay isang malakas ang pag-iisip at espiritwal na pagkatao pero, sa ibang kadahilanan, ang nakakatakot na mukha ni Wushuang ay habambuhay ng natatak sa kanyang kaisipan.

"Diyos ko!" Napahiyaw sa takot si Xia Zhi, "Narinig ko na ang kanyang ibabang parte ay paralisado na ng tuluyan. Isa itong trahedya – kahit na para sa isang tulad niya."

Hindi na nagkomento si Xinghe pero napakunot-noo siya.

"Ate, ano'ng problema? Mukhang hindi ayos ang pakiramdam mo," nag-aalalang tanong ni Xia Zhi.

Ipinilig ni Xinghe ang kanyang ulo. "Ayos lang ako. Sa tingin ko ay hindi lang ako handa na makitang ganito si Wushuang sa huli."

"Ginusto niya iyon! Sigurado akong sinisipa niya ang sarili sa hindi pakikinig sa abiso mo."

Napabuntung-hininga si Xinghe. "Tama na ang tungkol sa kanya. Akayin mo ako papunta kay Xiao Mo."

"Okay."

Ang pinasala ni Xiao Mo ay hindi naman malala. Isang mahabang pahinga lamang at magiging ayos na siya.

Sinabihan siya ni Xinghe na magpokus sa pagpapagaling. Maaari na siyang bumalik sa trabaho kapag magaling na siya ng tuluyan.

Dahil kailangang magpahinga ng kanilang kumpanya para tuluyan na nilang makasuhan si Chui Ming at ang grupo nito.

Ang isipin kung paano nawakasan si Chui Ming ang pinakamainam na gamot para kay Xiao Mo.

Ang ngiti nito ay mas naging maliwanag at mapapansin na ang kalungkutang bumabalot sa kanya noon ay nawala na.

Masata si Xia Zhi pero mas masaya siya para sa kapakanan ni Xinghe dahil mababawi na nito ang lahat ng para sa kanya.

Gayunman, hindi maganda ang pakiramdam ni Xinghe.

Matapos ang engkwentro niya kay Wushuang sa ospital, ay palagi siyang binabangungot gabi-gabi.

At ang bangungot ay pareho palagi.

Palagi itong tungkol sa kamatayan.

At ang mga kamatayan ay partikular.

Napanaginipan niya ang sarili niyang kamatayan. Gumugol siya ng matagal na panahon sa ospital, habang mabagal na pinahihirapan ng karamdaman bago siya pumanaw.

Ang ibang panaginip niya ay tungkol sa kamatayan ng… kanyang anak, si Lin Lin!

Sa kanyang panaginip, matapos pakasalan ni Tianxin si Mubai, agad siyang nagdalantao para makagawa ng isa pang tagapagmana. Matapos noon, minahal ng buong pamilya ang bagong karagdagan sa pamilya.

Si Lin Lin, na pinabayaan nila, ay piniling lumayas sa bahay pero siya ay brutal na pinatay ng mga kaaway at karibal ng Xi Family.

Nagigising sa sobrang takot si Xinghe kapag napapanaginipan niya ang karumal-dumal na kamatayan ni Lin Lin.

Hindi niya ito pinansin noong una niyang nakaengkwentro ang bangungot na ito.

Nagsimula na siyang mag-alala noong nangyari ito ng ikalawang beses.

Pagkatapos ay naulit ng ikatlo at ikaapat. Pare-pareho na ang kanyang naging bangungot sa apat na magkakasunod na araw.

Kahit na isinumpa sila ni Wushuang, hindi na ito karaniwan.

Mayroon sigurong hindi tama!

Pero nahihirapan siyang isipin kung ano ito. Bigla kaya siyang nagkaroon ng abilidad na makita ang hinaharap?

Wala sa loob na lumabas ng kanyang silid si Xinghe. Bumaba siya sa hagdanan patungo sa sala at nakita si Xia Zhi na nanonood ng football match sa telebisyon. Alas kwatro iyon ng umaga.