Nang makita ni Xia Zhi na gising na siya ng ganoon kaaga, gulat siyang napatanong, "Ate, bakit ang aga mo'ng gumising? Hindi ba maganda ang pakiramdam mo?"
Ibiniling ni Xinghe ang kanyang ulo. "Ayos lang ako, pupunta lang ako sa kusina para kumuha ng isang baso ng tubig."
"Okay." At bumalik na si Xia Zhi sa panonood ng football match.
Nagsalin si Xinghe ng isang baso ng tubig para sa sarili at sumali kay Xia Zhi na maupo sa sofa. Dalawang beses siyang mabagal na sumipsip ng tubig at kaswal na sinabi, "Ang totoo, hindi ako makatulog…"
Nag-uusisang bumaling sa kanya si Xia Zhi. "Kung ganoon ay ano ang ginagawa mo? Malakas ba ang tunog ng TV?"
"Hindi, ayos lang. Gising ako at nagbabasa ng nobela."
"Anong nobela ba ang napakainteresante na nagpapakapuyat ka buong magdamag?"
"Hindi, dahil ito sa hindi ako makatulog kaya dumampot na lang ako ng kung anong nobela para basahin, hindi yung kabaliktaran. Isa itong kakaibang istorya na nagsisimula sa pangunahing bida na mayroong paulit-ulit na panaginip. Hindi ko ito maintindihan kung kaya itinabi ko na ito."
Napataas si Xia Zhi sa interes. "Ate, baka naman reincarnation novel iyan!"
"Reincarnation?" Ulit ni Xinghe sa hindi pamilyar na salita.
"Yup, sa simula ang bida ay nakakabalik sa nakaraan pero hindi nila agad na napapagtanto na nareincarnate sila. Bilang ebidensiya, ang mga alaala ay bumabalik sa kanya sa pamamagitan ng mga paulit-ulit na panaginip, na nagpapaalala sa kanya na siya nga ay nareincarnate na. Sa madaling salita, ang mga pangyayari sa kanyang panaginip, na dati ay mga trahedya, ay mga bagay na mangyayari sa hinaharap. Ang bida ay ibinalik sa nakaraan para ayusin ang ilang mga bagay, at para makagawa siya ng mga tamang pagpipilian para mapigilang mangyari ang mga trahedya.
Natigilan si Xinghe. "Nangyayari ang mga ganitong bagay sa tunay na buhay?"
"Syempre hindi, kathang-isip lamang ito. Pero masasabi kong lubos itong interesante. Ate, paanong hindi mo narinig ang tungkol sa kategoryang ito na kasing-tanyag ng reincarnation? Dapat ay tingnan mo ang mga webnovels na ito. Mayroon dito hindi lamang reincarnation novels pero may mga nagbabalik sa oras din, at ang paborito kong kategorya na basahin, ang mga transmigrasyon…"
Tuluy-tuloy si Xia Zhi pero hindi na siya binigyan pa ng atensiyon ni Xinghe.
Natigil ang kanyang isip sa salitang 'reincarnation'.
Hindi kaya nareincarnate din siya?
Nareincarnate siya para pigilan ang kahindik-hindik na kamatayan na kahihinatnan nila Xinghe at Lin Lin ng kinabukasan?
Bumalik si Xinghe sa kanyang silid at nagsimulang magsaliksik sa kahulugan ng 'reincarnation'. Wala sa mga depinisyon ang nagtugma sa ideya na nasa kanyang isipan.
Kung isasantabi ang relihiyosong aspeto, ang 'reincarnation' na sinasabi ni Xia Zhi ay tungkol sa mga bida na tipikal na naaalala ang kanilang mga buhay o mga bagay na nangyari sa kanila sa hinaharap bago pa man ang kanilang reincarnation.
Subalit, ang napapanaginipan lamang ni Xinghe ay mga imahe ng kamatayan niya at ng anak niya.
Maituturing pa bang reincarnation ang kanyang kaso? O baka naman ibang aspeto na ito?
Hindi pa din makaisip ng kasagutan si Xinghe pero sa ibang kadahilanan, hindi niya maialis ang nararamdaman na ito ay isang bagay na kailangan niyang harapin ng buong pag-iingat.
Hindi siya makapapayag na ipusta ang buhay ng anak ng basta-basta.
Si Lin Lin ay ang lahat para sa kanya. Marami na siyang nagawang pagkakamali sa kanya, kaya hindi na niya matatanggap pa ang anumang darating na panganib patungkol rito.
Natatakot siya na baka magkatotoo ang kanyang mga panaginip.
Kaya naman, para masigurado na hindi magkakatotoo ang kanyang panaginip, kinakailangan niyang magtungo sa ospital para magpasuri ng kanyang buong katawan.
Sa kanyang panaginip, namatay siya sa karamdaman. Bata pa siya noong siya ay namatay, matagal na bago pa dumating ang kamatayan ni Lin Lin.
Kung tama ang kanyang panaginip, marahil ay may mali sa kanyang katawan.
Sa madaling salita, ang katotohanan ay malalantad matapos ang pagbisita sa ospital.
Bago pa sumikat ang araw, umalis na si Xinghe patungo sa ospital. Noong siya ay dumating, mayroon ng mahabang pila ng mga pasyente.
Pinunan na ni Xinghe ang mga kinakailangang papel, at dumalo sa pagsusuri.
Sa wakas, dumating na din ang report sa kanya…