Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 142 - Pinalakas ng Sobrang Galit

Chapter 142 - Pinalakas ng Sobrang Galit

Matapos ang malakas na suntok pa, nararamdaman na ni Chui Ming na nanginginig na ang mga ngipin niya.

Ngunit hindi pa rin tumigil si Xiao Mo. Ang totoo, mas bumibilis pa ang mga pag-atake nito.

Dinaganan niya ng mariin si Chui Ming, hindi ito binibigyan ng pagkakataon na makatakas o makaganti. Handa siyang suntukin si Chui Ming hanggang sa maging duguan ito.

Ang mga naunang pagpupumiglas ni Chui Ming ay huminto na at isinuko na niya ang sarili sa nauulol na si Xiao Mo.

Kahit na nabaril ang balikat ni Xiao Mo, hindi ito tumigil.

Pinalalakas siya ng sobrang galit.

Ang galit na naipon ng mga nakaraang taon ay inilabas niya ng biglaang buhos. Paanong hindi mababaliw sa bloodlust si Xiao Mo?

Ginagabayan siya ng isang udyok, at iyon ay bugbugin si Chui Ming hanggang mamatay!

Ito ang nag-iisang kaisipan na nanatili sa pag-iisip ni Xiao Mo at wala ng natira pang iba, maski ang katinuan niya.

Tulad ng isang lalaking sinasaniban, wala na siyang nakikita kundi dugo sa kanyang harapan.

Kaya hindi na niya napansin na matagal ng tumigil sa pagpupumiglas si Chui Ming. Ang totoo, nakakakilabot na hindi na ito gumagalaw.

Nakita ng dalawang bodyguards ang masamang sitwasyon at nagmadali na sila para hilahin si Xiao Mo kung hindi ay baka talagang mabasag na ni Xiao Mo ang mukha at ulo ni Chui Ming.

Sa pagkakataong iyon, ang dugo ay kumalat na kay Chui Ming at ang mukha nito ay hindi na makilala sa pagkakabugbog…

Pero hindi pa din nito magawa na mawala ang poot kay Xiao Mo. Habang hinihila siya palayo sa katawan, hindi niya pinalampas ang pagkakataon na sipain ng malakas si Chui Ming.

"Mr. Xiao, tama na. Mapapatay mo na siya!"

"Ang mga pulis ay malapit na pumarito," paalala ng dalawang bodyguard sa kanya.

"Wala akong pakialam! Hindi ako natatakot makulong, gusto ko siyang patayin! Gusto ko siyang patayin—"

Nagpupumiglas si Xiao Mo mula sa pagkakahawak ng mga bodyguard at sumugod sa katawan ni Chui Ming.

Pero, matapos ang ilang hakbang, nawalan siya ng malay. Maraming dugo na ang nawala sa kanya…

"Ate, may masamang nangyari kay Brother Xiao!" Naghihintay sina Xia Zhi at Xinghe sa isang café na katapat ng istasyon ng pulis. Naghihintay sila kay Xiao Mo na dalhin si Chui Ming doon.

Napakunut-noo si Xinghe. "Ano'ng nangyari?"

Agad na ikinuwento ni Xia Zhi kay Xinghe ang mga sinabi sa kanya ng mga bodyguard.

"Ngayon, pareho sila ni Chui Ming na dinala sa ospital. Hindi maganda ang naging pagsusuri sa kanila. Nawala na ba sa sarili si Brother Xiao? Ang pisikal na kumprontasyon ay hindi makakabuti sa parehong partido." Naguguluhan si Xia Zhi.

Sinabi ni Xinghe sa mahinang boses, "Nabulagan na siya ng sobrang galit. Magligpit ka na, pupunta na tayo sa ospital ngayon."

"Okay!"

Nagmamadali silang umalis sa café. Habang papatawid na sila ng kalsada para makarating sa nakaparadang sasakyan, isang kotse ang mabilis na lumiko at patungo sa kanila.

Ilang beses nang nasangkot sa aksidente si Xinghe kaya naman maingat na maingat siya bago tumatawid ng kalsada.

Kaya naman, agad niyang nakita ang paparating na panganib!

"Ingat—" sigaw ni Xinghe habang mabilis niyang itinutulak papalayo sa kalsada si Xia Zhi. Mabilis na binunggo ng kotse si Xinghe. Lumipad ito ng malayo bago malakas na bumagsak.

"Ate!" Si Xia Zhi na napahiga sa kalsada ay sumigaw habang pinanonood ang bangungot na kanyang nakikita.

Ngunit, hindi tumigil doon ang kotse. Umikot pa ito at mabilis na tinungo ang sugatang katawan ni Xinghe.

Ilang minuto bago marating ng kotse si Xinghe, isang Maybach ang mabilis na lumabas sa trapiko at binangga ito.

Bang!

Ang tunog ng banggaan ay nagpayanig sa lupa at ang kotse na binunggo ay napataob sa ere at bumagsak sa lupa na tila mga tira-tirang bakal.