Hindi nakaligtas sa pinsala mula sa bungguan ang Maybach.
Ang parehong kotse ay nakatanggap ng malaking pinsala mula sa pagkakabunggo. Ang puting usok ay patuloy na lumalabas mula sa mga makina ng mga ito.
Nangyari ito sa labas ng istasyon ng pulis kaya maraming pulis ang lumabas ng presinto ng marinig ang kaguluhan.
Napasimangot si Xinghe habang pinipilit na maupo. Nakita niyang hinihila ng dalawang pulis ang isang malaking lalaki palabas ng nasirang Maybach.
Nanlaki ang mga mata ni Xinghe sa pagkabigla. Iyon ay si… Xi Mubai.
Nawalan na siya ng malay bago pa siya makapag-isip.
…
Nagtamo si Mubai ng mga malilit na sugat. Ang pinakaseryoso ay ang sugat sa kanyang balikat kung saan ito nagdurugo.
Si Xinghe ay puno ng sugat sa buong katawan at wala itong malay.
Ang dalawa ay dinala sa ospital kung saan naka-duty si Lu Qi. Narinig niya ang balita at nagmamadali itong pumunta sa sick bay para dalawin sila, "Ano ang nangyari? Narinig ko na mayroong bungguan."
"Tama ang narinig mo," magaang sagot ni Mubai, ang kanyang mga mata ay natuon kay Xinghe na nakahiga sa kama na katabi ng kanya, "Tumulong kang suriin siya."
"Doctor Lu, ang sitwasyon ng babae ay mas maganda kaysa sa hitsura nito. Nawalan lamang siya ng malay," ang doktor na sumusuri kay Xinghe ay itinaas ang kanyang ulo para ibalita ito.
Tumango si Lu QI. Kumilos siya upang bendahan si Mubai. "Dahil ayos naman siya, ikaw muna ang susuriin ko."
Itinaas ni Mubai ang kanyang kamay para pigilan siya. Sinabi nito sa parehong magaan na paraan, "Ladies first."
Kailan pa naging mapagbigay si Xi Mubai? Tanong sa isip ni Lu Qi.
Ngumiti siya at sinabi, "Sige, kung iyan ang sabi mo. Sundan mo ang mga kasamahan ko para magamot ang mga sugat mo. Nangangako ako na aalagaan ko siyang maigi."
Tumango si Mubai bago tumayo para sundang lumabas ang mga doktor at nars.
Matapos na umalis ang mga taong walang kaugnayan sa loob ng silid, sinimulan ng suriin ni Lu Qi ang mga sugat ni Xinghe.
Nailipat na si Mubai sa katabing silid kung saan tinatahi ng doktor ang sugat niya sa balikat. Sina Ginoo at Ginang Xi pati na si Tianxin na nakarinig ng balita ay mabilis na dumating sa ospital.
"Bakit ba hindi ka nag-iingat?" Tanong ng kanyang ina ng nag-aalala, habang nakikita ang sampung sentimetrong haba ng sugat sa kanyang balikat.
"Mubai, maayos na ba ang pakiramdam mo? Nasasaktan ka pa ba?" Tanong ni Tianxin ng may parehong pag-aalala.
Ang doktor na nasa silid ay inalo sila, "Huwag kayong mag-alala, mukhang seryoso lang ang sugat ni Mr. Xi pero hindi ito malala. Aalisin natin ang tahi matapos ang isang linggo at hindi na ninyo mapapansin ang pilat matapos ang isang buwan."
Hinarap ni Ginoong Xi ang mga pulis sa silid at nakasimangot na nagtanong, :Ano ang nangyari? Ano o sino ang may sanhi ng aksidente?"
Magalang na sumagot ang mga pulis, "Nangyari ang aksidente dahil gustong sagipin ni Mr. Xi si Miss Xia Xinghe."
"Ano?!" Gulat na tanong ni Ginang Xi. Gulat na naguguluhan naman si Tianxin na nakatingin sa kanila.
Nasaktan ni Mubai ang sarili niya dahil… gusto niyang sagipin si Xia Xinghe?
"Sabihin ninyo sa amin ang eksaktong nangyari," seryosong sambit ni Ginoong Xi.
"Wala itong kinalaman kay Xinghe. Nakita ko na may gustong pumatay sa kanya kaya sinubukan kong iligtas siya. Gagawin ko din ito para sa kahit na sino," sagot ni Mubai alang-alang sa mga pulis.
Agad na tumango ang mga pulis at sumang-ayon, "Tama, isang bayani si Mr. Xi! Kung hindi para kay Mr. Xi, malamang ay patay na si Miss Xia ngayon…"
Patuloy na inilarawan ng mga pulis ang sitwasyon.
Nagagalit na sina Ginang Xi at Tianxin.
Paanong inilagay ni Mubai ang sarili sa panganib para lamang iligtas si Xia Xinghe!
Paano kung may masamang mangyari sa kanya?
Galit na galit si Tianxin.
Bakit kailangan pang sagipin ni Mubai si Xia Xinghe? Hinayaan na sana niyang mamatay ang b*tch na ito!
Ang katotohanan na inilagay ni Mubai ang sarili sa alanganin para iligtas si Xinghe ang nagpaselos ng husto sa kanya.