Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 133 - Ang Kanyang Anak ay si…

Chapter 133 - Ang Kanyang Anak ay si…

Sapat na ito para magbigay ng masasakit na pinsala.

Nagtiis si Black Three pero nang lumaon ay nagsimula na siyang umungol sa sakit.

Gayunman, hindi pa rin tumigil sa kanilang opensa sina Xiao Mo at Xia Zhi.

Dahil kaharap nila ang isang propesyunal na mamatay-tao; walang saysay na magpakita ng awa.

Hindi apektado si Xinghe sa mga ungol ni Black Three.

Mahinahon siyang nag-surf sa internet na tila ba ordinaryo at walang kakaibang nangyayari sa silid.

Sa wakas, binuksan na niya ang kanyang bibig at nagsalita, "Tama na iyan. Mayroon lang akong gustong itanong sa kanya."

Tumigil sina Xiao Mo at Xia Zhi na napahingal sa ginawa. Tulad ng natutunan ni Xia Zhi sa isang bodyguard, itinayo niya si Black Three at mapanganib na nagbabala, "Mabuti pang sagutin mo ang mga tanong ng ate ko kung hindi ay marami ka pang mararanasan."

Dinuraan siya ni Black Three sa mukha at tumawa, "Kahit pa sabihin ninyong papatayin ninyo ako, wala akong sasabihin! Gawin ninyo kung kaya ninyo!"

Sigurado siya na wala silang lakas ng loob na kuhanin ang buhay ng isang tao.

Galit na sumagot si Xia Zhi, "Huwag mong isiping hindi namin kaya!"

"Sige, lumapit ka pa sa akin!" Sigaw ni Black Three. Tumawa siya ng walang pakundangan, halatang inaasar sila.

Ipagpapatuloy na sana nina Xiao Mo at Xia Zhi ang pambubugbog ng kalmadong nagsalita si Xinghe, "Hindi na iyan kailangan."

Tumigin siya kay Black Three at misteryosong ngumiti, "Hindi na dapat pang magsayang ng enerhiya ang bawa't isa dito gamit ang mahihirap na paraan, sumasang-ayon ka ba?"

Galit na galit si Black Three.

Ang ibig mong sabihin nabugbog ako para lang sa wala?

"Ate, hindi pa din niya inaamin ang mga ginawa niya ng hindi tinuturuan ng leksyon!" Galit na sambit ni Xia Zhi.

"Nakuha ko na at narecord ang pag-amin niya kanina," komento ni Xinghe.

Napatawa si Black Three. "Sa tingin mo ang ganyang klaseng ebidensya ay magagamit sa korte? Kaya kong ipawalang bisa iyan dahil iligal mo iyang ini-record! Sumubok ka pa ulit, missy!"

"Ano kayang klase ng benepisyo ang ibinigay ni Wu Rong sa iyo kaya naman handa kang akuin ang kasalanan para sa kanya? Marami kaming testigo na handang magtestigo laban sa iyo, kaya ang krimen mo ay siguradong maipapataw. Bakit hindi mo pa isuplong si Wu Rong para mapagaan ang sentensya mo?" Usisa ni Xia Zhi.

Misteryoso lamang na ngumiti si Black Three imbes na sumagot.

Ngunit, ang mga mata niya ay maraming sinasabi.

Kahit na ano pa ang gawin ng grupo ni Xinghe sa kanya, hindi siya nagsisiwalat ng kahit ano. Kahit na bantaan pa siya ng kamatayan!

Nagkatitigan sina Xiao Mo at Xia Zhi sa kalituhan.

Bakit ba ipinagtatanggol nito si Wu Rong?

Bigla nilang narinig ang boses ni Xinghe na sumagot sa kanilang tanong, "Ang rason kung bakit hindi niya idadamay si Wu Rong ay dahil si Xia Wushuang ay ang kanyang anak."

Ano?!

Nanlaki ang mga mata nina Xiao Mo at Xia Zhi sa pagkagulat.

Maski si Black Three ay napamulagat din sa kanya.

Paano niya ito nalaman?

Maliban sa kanya at kay Wu Rong, wala nang iba pang nakakaalam na si Wushuang ay ang kanyang anak!

"Ate, ano ang sinasabi mo?" Tanong ni Xia Zhi.

Binuksan ni Xinghe ang kanyang laptop at binasa ang impormasyon sa screen ng malakas, "Zhao Long, alyas Black Three, ay- tulad ni Wu Rong – mula sa probinsya ng An ng City T. Dalawampu't limang taon na ang nakaraan, dati ay pareho silang nagtatrabaho sa isang pabrika. Ngunit, dalawang taon matapos niyon, umalis si Wu Rong sa Province An, habang si Zhao Long naman ay dumating sa City T sampung taon na ang nakalipas. Magmula noon, ang kanyang account ay magkakaroon ng malaking deposito bawat taon. Kahit na ang taong nagbibigay sa kanyang ng pera ng taunan ay maingat para pagtakpan ang money trail gamit ang cash remittance pero sa parehong oras, ang account ni Wu Rong ay mawawalan ng kaparehong halaga ng pera. Isa pa, sampung taon na ang nakakaraan, pumunta si Zhao Long sa ospital para sa isang parentage test. Tama ba ako?"

Kahit na hindi maintindihan ni Black Three ang mga impormasyon sa laptop screen pero ang bawat salitang sinabi ni Xinghe ay pawang katotohanan.