Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 134 - Oras na Para Harapin ang Mag-Ina

Chapter 134 - Oras na Para Harapin ang Mag-Ina

Tinitigan siya nito ng nakanganga. Hindi niya maisip kung paano nito naimbestigahan ang ganoong detalye.

Walang dapat makaalam tungkol sa relasyon nila ni Wu Rong.

Kasi, nangyari naman iyon higit sa dalawampung taon na ang nakakaraan.

Paano niya nagawa ang bagay na iyon. . .?

Anong klaseng tao siya?

Biglang tumawa si Xia Zhi. "Kaya naman pala ganoon kawalang-hiyang tao si Xia Wushuang, namana pala niya ito mula sa pareho niyang magulang!"

"Huwag mong insultuhin ang anak ko!" Nagpupumiglas si Black Three sa kanyang pagkakatali. Sinugod niya si Xia Zhi gamit ang natitira pa niyang lakas.

Pinalipad siya ni Xia Zhi gamit ang isang sipa. "Kayong tatlo ay mga masasamang tao! Hindi magiging maganda ang katapusan ninyong magpapamilya!"

Bayolenteng tinitigan ni Black Three si Xia Zhi, na parang gusto niya itong hatiin sa maraming piraso.

Kinatok ni Xinghe ang mesa para makuha ang atensiyon ni Black Three. Nagtanong siya, "Black Three, nalaman ko na ang pinakatatago mong sikreto na pumipigil sa iyo. Ayaw mo pa ding umamin?"

Mabagal na lumingon sa kanya si Black Three. Sa isang nakakakilabot na tawa, sinabi niya, "Kahit na malaman mo pa ang lahat ng ito, ano naman ang magagawa mo sa impormasyon? Kusang loob ko ito ginawa para patayin kayong lahat. Hindi ko kayo matagalan, kaya ano naman ang kinalaman pa ng ibang tao? Nananaginip ka kung sa tingin mo ay makukuha mo akong mapaamin!"

"Talaga bang nararapat ito para sa isang babaeng nagsinungaling sa iyo at sa isang anak na hindi naman sa iyo?" Mabagal na tanong ni Xinghe.

Natigilan si Black Three. "Ano'ng sinabi mo?"

Kahit sina Xia Zhi at Xiao Mo ay nasorpresa sa gulat.

Anak ba niya o hindi si Xia Wushuang?

Gumuhit ang isang interesanteng ngiti sa labi ni Xinghe. "Ang impormasyong nakita ko ay maliwanag na nagsasabi na noong pumunta ka para sa parentage test, nasuhulan na ni Wu Rong ang doktor ng 1,000,000 RMB ng hindi mo nalalaman. Kailangan pa bang ispelengin ko ito sa iyo?"

"Imposible!" Galit na sigaw ni Black Three, "Isa itong panloloko mo para lamang mapaamin ako! Hindi ako naniniwala sa iyo!"

"Well, mayroong isang paraan para malaman natin. Tayo nang pumunta kay Wu Rong para makipag-kwentuhan, at malalaman natin kung sino ang nagsisinungaling sa iyo." Tumayo na si Wu Rong at nag-utos, "Isama ninyo siya, tayo ng bumisita kay Wu Rong!"

"Yay, isang road trip!" Sabik na bulalas ni Xia Zhi.

Sa Wakas, ito na ang oras para harapin ang mag-ina na ito!

Hindi umuwi si Wushuang. Nanatili siya sa bahay ni Wu Rong.

Wala ni isa sa kanila ang nakatulog. Nag-aalala silang naghihintay ng balita mula kay Black Three.

Kahit na malaki ang tiwala nila sa abilidad ni Black Three, hanggang hindi mismo naririnig ng kanilang mga tenga ang balita, hindi nila mapigilan ang hindi mag-alala.

Kaya naman, mas malaki ang kanilang tiwala kaysa sa pag-aalala na matatapos ni Black Three ang trabaho.

Hindi na sila makapaghintay na ipagdiwang ang kamatayan ni Xinghe.

Pagkatapos ngayong gabi, ang lahat ng pag-aari ng Xia Family ay mapapasakanila na!

"Mom, paano kung pumalya si Black Three?" Hindi maiwasan ni Wushuang na isatinig ang kanyang natatagong pag-aalala, "Sa tingin mo ba ay isusuplong niya tayo?"

Ngumisi si Wu Rong at kumpiyansang nagsalita, "Huwag kang mag-alala, mas gugustuhin pa niyang mamatay kaysa idamay tayo."

"Pero bakit?" Hindi maintindihan ni Wushuang. Bago pa makapagpaliwanag si Wu Rong, tumunog ang kanyang doorbell.

Ang biglang pagtunog ng doorbell ay nagpagulat sa kanila.

"Sino kaya iyon?" Pausisang tanong ni Wushuang. Sumimangot si Wu Rong at sinabi, "Titingnan ko…"

Maingat siyang lumapit sa pintuan. Napaatras siya ng ilang hakbang ng makita kung sino ang nasa kabilang ibayo pagsilip niya sa silipan.

Napansin ni Wushuang ang namumutlang mukha ng ina kaya lumapit siya at nagtanong, "Mom, ano ang problema? Sino ba iyon?"

Nanlaki ang mga mata ni Wu Rong kay Wushuang at sumagot sa nanginginig na boses, "Si… si Xia Xinghe…"

Related Books

Popular novel hashtag