Chapter 135 - Away Babae

"Ano?!" Hindi makapaniwala si Wushuang. Paano ito naging si Xia Xinghe?

Hindi ba't papunta na si Black Three para patayin siya, kaya paano siya naririto?

Nahintakutan si Wushuang, pero inipon niya ang kanyang tapang at sumilip sa silipan. Nakatayo nga si Xia Xinghe sa labas ng kanilang pintuan.

Malamig niyang tinitigan ang silipan na tila ba tinititigan niya ito ng tagusan.

Halos mapasigaw si Wushuang sa pagkagulat. Tila isang multo si Xinghe na bumalik para kuhanin ang buhay nila. Sa ilang kadahilanan, nanginig sa takot sina Wushuang at Wu Rong.

"Bakit siya nandito?" Nag-aalalang tanong ni Wushuang, "Hindi kaya pumalpak si Black Three?"

Namutla pang muli kung may ipuputla pa ang mukha ni Wu Rong. "Imposible iyan…"

"Kung hindi, bakit siya naririto?" Agad na naliwanagan ng realidad si Wushuang. Alalang-alala siya. "Mom, ano ang gagawin natin? Malamang ay inilaglag na tayo ni Black Three matapos niyang pumalpak kaya naririto siya para kumprontahin tayo!"

Nag-aalala din si Wu Rong pero napakalma niya agad ang sarili.

"Maghunus-dili ka. Baka hindi pa kumikilos si Black Three. Isa pa, kahit na pumalpak siya, hindi niya tayo isusuplong!"

Isa lamang tanga ang aakuin ang buong krimen at hindi sila idadamay.

Hinablot ni Wu Rong ang braso ni Wushuang ng mahigpit at sinabi sa mahinang tinig, "Dahil sa ang alam niya ay anak ka niya, kahit na hindi iyon totoo!"

"Ano…" nawalan ng sasabihin si Wushuang. Nahirapan siyang intindihin ang sinasabi ng kanyang ina ngayon lang.

"Kahit ano pa ang mangyari, para sa kapakanan mo, hindi niya tayo idadawit. Tingnan muna natin kung ano ang kailangan ni Xia Xinghe, huwag kang mataranta…"

"Okay…"tumango ng wala sa sarili si Wushuang.

Madaling kumalma ang mag-ina dahil sa suporta sa isa't isa.

Sa kasalukuyan, hindi tinigilan ni Xinghe ang pagpindot sa doorbell. Hindi niya ito pinipindot ng nagmamadali kundi sa paraang mabagal at may pare-parehong agwat ng oras. Ang bawat tunog ay tila musika na nagmumula sa hukay.

Hanggang sa bumukas na ang pintuan para ipakita ang maliit na siwang.

Masamang tinitigan ni Wu Rong si Xinghe mula sa likuran ng pinto, at nagtanong, "Xia Xinghe, ano ang ginagawa mo rito?"

Ibinalik ni Xinghe ang kanyang masamang tingin at malinaw na nagsalita, "Hindi mo talaga alam kung bakit ako naririto?"

Suminghal si Wu Rong. "Paano ko malalaman iyon? Kahit ano pa iyan, hindi ka namin malugod na tinatanggap dito! Umalis ka na o baka masaktan ka pa!"

"Sige, gawin natin ito sa paraang gusto mo," at sinipa na ni Xinghe ang pintuan, na nagpatumba kina Wu Rong at Wushuang. Natumba ang dalawa sa sahig na tulad ng pares ng mga domino.

"Xia Xinghe, ano ang ginagawa mo?!" Sabay na sigaw nila Wushuang at Wu Rong.

Hindi nila inaasahan na malakas ang loob ni Xinghe.

"Ano ang ginagawa ko?" Lumakad ng marahan si Xinghe papasok sa silid, tumingin sa kanilang dalawa at sinabi, "Narito ako para singilin ang mga may utang sa akin."

Panandaliang nanginig ang mga mata ni Wu Rong. "Anong utang? Binabalaan kita, kapag hindi ka umalis ngayon, ako na mismo ang magtataboy sa iyo!"

"Hindi ka ba sasang-ayon na matagal na tayong tapos sa ganitong punto? Saktan mo ako ng lahat ng mayroon ka, dahil ganoon din ang gagawin ko!"

Nagpakawalang muli ng isa pang sipa si Xinghe sa dibdib ni Wu Rong.

Sumigaw si Wu Rong sa sakit.

"Mom!" Tumayo si Wushuang at galit na sumugod kay Xinghe. "B*tch, papatayin kita!"

Umilag si Xinghe at sinipa ang mga tuhod ni Wushuang. Agad na sumalampak sa sahig si Wushuang.

"Wushuang. . . " agad na nagmadali si Wu Rong na lapitan ang anak para suriin ang kondisyon nito.

Ang totoo, walang masyadong pwersa sa likod ng mga atake ni Xinghe. Mas maraming pinsala ang mga mukha nila Wu Rong at Wushuang kaysa sa kanilang mga katawan.

Related Books

Popular novel hashtag