Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 122 - Kilalanin Siyang Muli

Chapter 122 - Kilalanin Siyang Muli

"…" Nawalan ng masasabi si Mubai. "Dapat ay tingnan mo na ito ngayon dahil kung may isyu, maaari natin itong pag-usapan ngayon. Isa pa, naniniwala ako na ikaw naman talaga ang nagpapatakbo ng kumpanya."

Napakurap si Xinghe. Tama naman siya.

Dahil nga may oras pa naman, pag-usapan na nga nila ito ngayon.

Naupong muli si Xinghe at nagsimula na basahin ng maigi ang dokumento.

Kinuha ni Mubai ang tasa ng tsaa at maingat na pinag-aralan si Xinghe habang tinatakpan siya ng tasa. Kumplikado ang kanyang nararamdaman ngayon.

Maihahalintulad ito sa nararamdaman ng mga pamilya ng mga superheroes nang malaman nila ang tunay na katauhan ng mga ito.

At nangyari ito sa dati niyang asawa… kahit sinong lalaki ay magugulat at hindi agad makakapaniwala kung sila ang napunta sa kalagayan niya.

Pero kahit na nagulat pa si Mubai, hindi siya nagsisisi na nagdiborsyo sila ni Xinghe dahil nagbigay ito ng panibagong pagkakataon sa kanya na kilalanin siyang muli…

Tungkol naman sa nakaraan, kapareho ng nararamdaman ni Xinghe, ay itinuring niya itong isang panaginip na hindi malilimutan.

Ngunit, mula sa pagkakataong ito, hindi na niya ipapagwalang-bahala pa ang babaeng ito.

Gusto na niyang kilalanin siyang muli.

Ibinaba ni Mubai ang kanyang tasa at masuyong nag-paalala, "Huwag kang magmadali, pupwede mo akong tanungin kung mayroong gumugulo sa iyo."

Agad na itinaas ni Xinghe ang kanyang ulo. "Ang benepisyo sa partnership na ito ay hahatin sa four-six?"

Tumango si Mubai. "Tama iyon. Kung sa tingin mo naman ay masyado itong maliit, pwede naman nating gawing five-five."

"Hindi, seven-three."

Napakurap na naguluhan si Mubai bago nagtanong, "Seven-three? Ikaw ang sa seven, sa akin ang three?"

Akala niya ay hindi nasisiyahan si Xinghe sa hatian ng kita. Sa kanyang pagkasurpresa, umiling ito at sinabi, "Hindi, sa akin ang three at sa iyo ang seven."

Naguluhan si Mubai. "Bakit?"

Ito ang unang beses na nakatagpo siya ng tao na gustong kuhanin ang mas mababang deal.

"Bilang pasasalamat sa tulong mo ngayon," paliwanag ni Xinghe sa mahinang tinig.

Kaya naman pala…

Matiim na tinitigan ni Mubai ang mga mata ni Xinghe, at sinabi, "Hindi mo kailangan na pasalamatan ako. Ikaw ang ina ni Lin Lin, nararapat lamang na tulungan kita."

"Hindi iyan totoo. Diborsyado na tayo. Wala na akong kinalaman pa sa iyo. Kaya naman wala ka nang obligasyon na tulungan pa ako."

Medyo nainis si Mubai sa narinig na ito.

Pero maingat siya na hindi ito ipinakita sa kanyang mukha. Nagpatuloy pa din siya tulad ng natural niya, "Kung gayon ay ikunsidera mo na itong kabayaran sa iyo. Dahil hindi mo naman tinanggap ang alimony."

"Kung ganoon, sundin na lamang natin ang four-six ratio. Bukas, pupunta si CEO Xiao at hahanapin ka para pirmahan ang kontrata. Mayroon pa akong ibang gagawin, salamat ng marami sa pag-uusap nating ito," pagtatapos ni Xinghe at tumayo na para umalis.

Nagtanong si Mubai, "Tapos mo nang basahin ang kontrata?"

"Oo." Sagot ni Xinghe ng hindi man lamang lumilingon habang patungo sa labasan. Ayaw na niyang mag-aksaya pa ng isang segundo doon.

Tila ba na tinatrato niya ang mga usapang negosyo na gaming missions, kumuha ng layunin, tapusin ang layunin, at kuhanin ang susunod na layunin.

Ang mga social etiquettes tulad ng mga post-meeting tea, mga kwentuhan o paglalaro ng golf ay hindi mahalaga sa kanya.

Hindi maiwasan ni Mubai na mag-isip kung alam ba ng babaeng ito ang mga pangunahing kaalaman sa pagnenegosyo sa Hwa Xia.

Pakiramdam ni Mubai ay nasasakal siya sa pakikipag-usap ng tungkol sa negosyo sa isang walang siglang babae.

Malinaw naman na iniisip ni Xinghe na walang mali sa paraan ng kanyang pakikipagnegosyo.

Hanggang ang dalawang panig ay nagkakasundo tungkol sa negosyo bakit kailangan pang mag-aksaya ng oras sa mga walang katuturang bagay?

Sa kanilang pag-uwi, namamanghang nakatitig sa kaniya sina Xia Zhi at Xiao Mo nang sinabi niya na ang partnership ay napag-usapan at naisarado na.

Related Books

Popular novel hashtag