Chapter 941 - Master, tulong!

"Uh, ano ang Scarlet Flames Academy?" tinignan ni Jiaojiao ang ginituang salita sa harap ng buklet at nalilitong bumulong.

Seryoso ang mukha ni Old Jiang at bumulong, "Jiaojiao, bata ka pa at hindi pa alam ang tungkol dito. Kung tama ang pagkakaalala ko, ang Scarlet Flames Academy ay isa sa mga top three mercenary academies sa buong mundo at galing doon si Tang Long. Tanging ang A-rank mercenaries at nakatataas ang nakalagpas sa halimaw na training doon…"

Napalunok si SOng Qiang. "Nagbibiro… nagbibiro ka, 'di ba?! Tatlong buwan… paano namin magagawa iyon…"

Sa may sofa, walang bahalang sinabi ni Nie Tangxiao, "Beginner level lang ito. Wala pa sa expert level."

Nabalot ng takot ang mukha ni Tang Bin. "Beginner… beginner level, nakakatakot din 'yun, pwede ba…"

Sa pamantayan nila, baka hindi sila makapasa sa entrance test.

Para makamit ang ganitong pamantayan sa loob ng tatlong buwan ay parang hinihingi na nila ang kanilang buhay!

Sa sandaling iyon, isang pares ng yapak ang lumitaw sa may pinto.

"Nandito na 'ko! Pakitulungan naman ako sa mga gamit!"

Nang makita nila na nakabalik na si Ye Wan Wan, para ba silang nakakita ng anghel habang masaya silang lumapit sa kanilang master na parang mga ibon at mabilis na tinulungan siyang bitbitin ang kanyang mga gamit. May nagdala ng tsinelas sa kanya habang ang ilan ay nagdala ng mga prutas.

"Master, nakabalik ka na!"

"Master, nahirapan ka siguro!"

"Master, maligayang pagbabalik!"

Nalilito si Ye Wan Wan. Bakit ang sigla nila ngayon?

Hindi na masyado itong inisip ni Ye Wan Wan at agad na nagtanong tungkol kay Nie Tangxiao. "Maayos lang ba si Tangtang ngayon? Natatakot ba siya o balisa dahil mag-isa lang siya?"

Natahimik ang lima ng tatlong segundo at sabay-sabay na umiling. "Hindi… hindi…"

"Talaga?" hindi mapakali si Ye Wan Wan at nagtanong ulit.

Tumango ang lima. "Talaga! Sigurado kami!"

Sila mismo ang… takot at balisa okay…

Nagpalit si Ye Wan Wan sa kanyang tsinelas at pumasok sa sala.

"Tangtang, nandito na ako!"

Agad na binaba ng bata ang mga gamit na hawak at lumapit kay Ye Wan Wan. Tumayo ito sa harap ni Ye Wan Wan at inangat ang kanyang maliit na ulo at tinignan si Ye Wan Wan na may pagkinang na mga mata. "Mommy!"

Agad na na lumiliglig ang puso ni Ye Wan Wan sa mga tingin ng batang lalaki. Marahan niyang ginulo ang buhok nito. "Tangtang, naging mabait na bata ka ba sa bahay ngayon?"

Umakto ang maliit na bata na parang malambot na hayop. Dumiling ang kanyang mga mata at hinaplos ang kanyang ulo sa mainit na mga kamay ng kanyang nanay at maigting tumango. "En!"

Nanlambot ang puso ni Ye Wan Wan nang makita kung gaano kalapit ang bata sa kanya ngayon kumpara kahapon, noong hindi pa ito sanay sa kanya.

Baka nga siguro ang lukso ng dugo ito...

Ah, hindi!

Paano ko nakalimutan na hindi ako ang tunay niyang nanay ulit, huh!

Sa may pinto, pinanood ng lima ang masunuring maliit na kuneho sa harap ni Ye Wan Wan. "..."

"Pasensya na at nahuli si mommy!"

Nagsalita si Ye Wan Wan nang makita ang itim na buklet sa may mesa na may salitang "Scarlet Flames Academy". "Ano ito?"

Sagot ng batang lalaki: "Takdang aralin."

Tumango si Ye Wan Wan. "Oh takdang aralin! Tangtang, napakasipag mo naman! Kailangan mo ba ng tulong ni mommy?"

Sumulyap ang bata sa limang tao na nasa pinto at sabi, "Hindi na, mommy. Baka pagod ka po sa trabaho. Tuturuan ako ni Ge ge at jie jie!"

Nadala si Ye Wan Wan sa narinig. "Sige, ang bait naman ni Tangtang!"

Ang nahihirapang grupo ng limang tao: "..."

Master, sagipin niyo kami...

Takdang aralin nga ito! Pero takdang aralin para sa aming lima!

Sayang hindi naririnig ng master ang ating saklolo at dinala pa ang maliit na puting kuneho sa taas.

"Tangtang, halika. Bumili ako ng cute na mga pajamas! Tutulungan ka ni mommy na isukat. Tignan mo kung gusto mo!"

"Sige, mommy!"