Chapter 942 - Ilabas mo lahat

Madaming nakita na mga cute na pajamas si Ye Wan Wan na pambata at hindi na mapigilang bumili nang magsimula siya, kaya sa huli, madami siyang mga set na nabili.

Isa-isang nilabas ni Ye Wan Wan ang mga set ng pajamas at nilagay ito sa ibabaw ng kama.

May isang asul na may Doraemon natatak, isa na kulay rosas na pusa ang tatak at isa na may teddy bear na tatak - bawat piraso ay maganda kaysa sa huli.

Nang maisip ni Ye Wan Wan kung gaanokaibig-ibig tignan si Tangtang kapag sinuot niya ito, halos mailipat niya na ang shopping center sa kanilang bahay.

Masyadong siyang cute na bata, pero laging suit ang suot niya - hindi naayon sa kanyang edad.

"Ang ganda nito. Oh, ito din cute, Alin dito ang gusto mong subukan, huh?" hindi makapili si Ye Wan Wan.

Sabi ng maliit na bata, "Pwede akong magsuot ng iba't ibang set araw-araw."

Sa una, nag-aalalas si Ye Wan Wan na baka sumobra siya at hindi magugustuhan ng bata ang mga damit.

Sa huli, pinili ni Ye Wan Wan ang one-piece na velvet na puting tigre at may tatak na "king" sa may hood. May pares pa ito ng mga tenga. Sobrang kaibig-ibig.

"Subukan mo muna 'to!"

"Okay."

"Gusto mo bang paliguan ka ni mommy?" tanong ni Ye Wan Wan.

Hawak ng bata ang pajamas at namula. "Kaya ko na po sarili ko."

Ngumiti si Ye Wan Wan. "Sige!"

Matapos na maligo ni Ye Wan Wan, lumabas na si Ye Wan Wan at sinara ang pintuan ng kwarto, planong bumalik sa kanyang kwarto at alisin ang kanyang makeup.

Sa sandaling lumabas siya, may WeChat notification ang lumabas sa kanyang telepono.

Pinidot ito ni Ye Wan Wan at nang makita niya kung sino ito, napaangat ang mga kilay niya sa gulat.

[Nameless Nie: Famous Ye! Emegrgency call emergency call!]

Hindi niya inaasahan na si Nameless Nie, ang umalis sa grupo at nagpanggap na patay ay ang magkukusang kontakin siya.

Tinignan niya ang mensahe at tahimik na pinindot ang kanyang telepono.

Samantala, sa isang sulok sa may bakuran sa baba.

Deboto: "Sumagot na ba si boss Famous? Sumagot na?"

Spray of Flowers: "Bakit hindi pa siya sumasagot!"

Little Sweetie: "Baka hindi niya nakita?"

Nameless Nie: "Padalhan ko pa siya ng isang mensahe!"

May limang ulo ang umaaligid sa telepono ni Nameless Nie habang nagpadala ulit ito ng mensahe.

Nakita ng lima na may pulang tandang padamdam sa harap ng pangalawang mensaheng pinadala nila. May mensaheng lumabas mula sistema:

[The other party has enabled Friend Confirmation, you are not his/her friend yet. Please send a friend request and you may chat once the other party has accepted your request.]

Nameless Nie: "…"

Nanghimutok si Spray of Flowers. "Uh… captain… mukhang na-blacklisted ka…"

Umirap si Nameless Nie. "Manahimik ka! Hindi ka pinagsasalita ng papa mo!"

Nang makita na galit ang kanilang captain, agad na naghanap ng taong sisisihin ang debot o. "Captain, kasalanan 'tong lahat ng iceberg. Kung hindi niya tinanggap ang pulang pakete ni Famous Ye bago umalis sa grupo, hindi sana galit si Famous Ye ngayon!"

Nakausli na ang mga ugat ni Nameless Nie sa noo. "Lahat kayo! Ilabas niyo lahat ng perang mayroon kayo!"

Sabay na sumagot si Spray of Flowers at ang deboto: "Captain, wala naa kong pera!"

Nangutya si Nameless Nie, "Huwag kayong magkunwari! Binenta niyo ako tapos sasabihin niyo na wala kayong pera? Ilabas niyo na ngayon na! Magpadala kayo ng pulang pakete kay Famous Ye! Dali na! Magbibilang ako ng tatlo at kung sinuman ang hindi nagabas ng pera ay sasama sa akin sa gubat para mag-train!"

"Uh… ayokong pumunta…"

Dahil sa pagbabanta ng kanilang captain, walang magawa ang tatlong tatlo at mabigat sa loob nilang pinadalhan ng pulang pakete.

Direktang kinuha ni Nameless Nie ang telepono ng lalaking iceberg...