Ngumisi si Qin Feng, "Pinalaki ng mga lolo at lola niya si Ruo Xi. Meron siyang social etiquette, kaalaman sa business investments at mahusay siya sa apat na uri ng arts. Masasabi ko talaga na walang babae sa buong Imperial City ang maikukumpara sa kanya. Pinapahiya ni master ang buong Si family kung susundin niya ang kanyang kagustuhan at gagawin niyang mistress ng sambahayang Si ang mababang uri na babae na ito, hindi na niya pinansin ang engagement na napagkasunduan ng dalawang pamilya! Ito lamang ang masasabi ko!"
Tumalikod at umalis si Qin Feng pagkatapos niyang magsalita.
Makatwiran ang titulo ni Qin Ruo Xi na top young lady ng Imperial City na nanggaling sa maharlikang pamilya. Kung nalaman ng ibang mga impluwensyal na pamilya na hindi ikakasal sa Si family si Qin Ruo Xi, napakaraming tao ang pupunta sa kanyang pintuan upang gawin siyang asawa hanggang sa masira ang doorstep ng Qin family...
Maingat na nagsalita si Si Ming Rong, "Hipag, naiintindihan ko na mahal mo si master, pero kailangan mong maintindihan ang kagustuhan ng Si family. Walang pinapakinggan si master at ikaw lamang ang makakapaghikayat a kanya ngayon. Kapag nagkaroon ng kaguluhan sa pagitan ng pamilya natin at ng Qin family, alam ko na muli itong magdudulot ng gera at panganib sa Si family…"
Dahan-dahan na binukas ni old madam ang kanyang mga mata. "Gera? Lalo pa bang gugulo bago pa umuwi si Little 9th? Kung hindi dahil kay Little 9th, matagal na sigurong sira ang Si family. Kailangan niyong maliwanagan sa isang bagay - kailangan ng Si family si Little 9th at tayong lahat ay buong puso na nakadepende sa kanya!"
"Sa mga panahon na iyon, nasaan ang Qin family? Nakaupo lamang sila sa bundok habang pinapanood nila ang mga nag-aaway na tigre at hindi man lang sila tumulong sa atin. Gumawa pa sila ng excuse na bawal silang mangialam sa mga problema ng Si family!"
Napansin na lamang ng Qin family ang engagement ng dalawang pamilya noong nagkaroon ng kapangyarihan ai Little 9th. Nakatayo sila sa gilid at hinihintay nila na umangat sila gamit ang kasalan na pinagkasunduan ng dalawang pamilya.
Kung hindi lang sana sa kagustuhan ng "pamilya" na ito at kung hindi lang pinwersa ni old madam ang anak niya na magpakasal sa babaeng nais niya, hindu sana mangyayari ang kaguluhan na ito...
Upang protektahan ang pamilya, nawala na kaagad ang anak na lalaki ni old madam kaya mahirap ang buhay ni Little 9th noong bata pa lamang siya...
Ayaw na niyang pahintulutan na mangyari muli ang trahedyang ito.
Kahit sino man ang pipiliin ni Little 9th na makasama pang habang buhay, hanggat seryoso ang babae sa kanya, rerespetuhin ni old madam ito at susuportahan niya rin ang desisyon ni Si Ye Han.
Galing sa Si family si old madam, ngunit siya rin ang lola ni Little 9th...
…
Kinagabihan, magkasamang kumain ng hapunan sila old madam, Si Ye Han at Ye Wan Wan sa lumang residensya.
Tumayo si old madam at buong puso niyang pinasalamatan si Ye Wan Wan, "Wan Wan, pinapasalamat ko ang lahat ng ginawa mo. Inalagaan mo ng mabuti si Little 9th at kung hindi mo binigay ang buong effort mo sa pag-aalaga sa kanya, kinatatakot kong sabihin na baka…"
"Kung nagpa- organ transplant tayo, mahihirapan siguro si Little 9th sa lahat ng surgeries na matatamo niya, kahit na papahabain man nila ang buhay niya ng kaunti. Mabuti na lang ngayon at may pag-asa nang gumaling talaga si Si Ye Han."
Mabilis na tumayo si Ye Wan Wan papunta sa gilid ni old madam. "Lola, wala po ito. Ito naman po dapat ang dapat kong gawin."
Tiningnan ni old madam ang kanyang apo sabay humarap siya sa babaeng nakatayo sa harapan niya at mukhang nag-aalala siya. "Narinig ko na sinabi ni Dr. Sun, mukhang malabong magka-anak si Si Ye Han lalo na sa kanyang kondisyon, pero hindi ito imposible. At tsaka, gumagaling naman na siya kaya Wan Wan, magiging posible kung susubukan niyo talaga…"
May isa pang bagay na hindi niya sinabi ng malinaw. Mahihirapan si Ye Wan Wan na makapasok sa Si family dahil sa estado niya. Kapag nagkaroon sila ng anak ni Little 9th, magiging mas prestihiyoso siya kapag aangat pa ang posisyon ng kanyang anak - mas magiging mataas ang posisyon niya at makukuha niya rin ang puso ng mga miyembro ng Si family...
*Cough cough cough…* muntikan nang mabilaukan si Ye Wan Wan nang marinig niya iyon.
Kung susubukan ko talaga?
Lola, dapat bang sabihin mo ito sa iyong apo?
Hindi ba dapat ang lalaki mismo ang gagawa ng paraan upang gawin ang mga bagay na ito?
Siya nga talaga ang lola ni Little 9th - alam niya siguro na hindi komportable ang apo niya sa mga ganoong aspeto...