Chapter 889 - Ibibigay ang kahilingan

Tiningnan ni Si Ye Han ang babaeng katabi niya na nahihiya at kinausap niya ito ng blangko ang kanyang ekspresyon, "Lola, wala akong planong magka-anak. Kukukop na lang tayo galing sa clan sa hinaharap."

Seryoso ang boses ni Si Ye Han at ayaw niya nang makipag-negosasyon pa.

Alam niya ni Si Ye Han na ayaw ni Ye Wan Wan ng mga bata at ayaw niya rin magkaroon ng anak.

Sumimangot si old madam. "Ang bata na ito ang magmamana ng yaman ng ating pamilya at ito na lamang ang choice natin. Ayaw mo bang magka-anak? Eh, si Wan Wan? Naisip mo na ba kung ano ang gusto ni Wan Wan?"

Yumuko lamang si Ye Wan Wan at hindi siya nakisawsaw.

Sa totoo lang, okay lang naman sa kanya na magkaroon o hindi magkaroon ng anak.

Sinabi ni Si Ye Han, "Gusto ni Wan Wan ng mga bata at gusto niya rin na magkaroon kami ng anak. Pero, binigo ko siya sa aspeto na ito at gagawin ko ang lahat para matulungan ko siya dito."

Nabigla si Ye Wan Wan sa sinabi ni Si Ye Han...

Huh?

Kailan ko pa sinabi iyon?

Sinabi ko sa kanya noon na ayaw ko ng mga bata, 'di ba?

Edi… sinasadya ni Si Ye Han na sabihin ang mga bagay na ito...

Sinabi niya na imposible sa kondisyon niya na magka-anak siya at sinabi niya rin na gusto kong magka-anak...

Naisip tuloy ni old madam na binigo ako ng Si family...

Ang totoo ay sinabi na ni Dr. Sun na ang katawan ni Si Ye Han ay gumagaling na at magiging normal na rin siya.

May naramdaman si Ye Wan Wan sa puso niya nang maisip niya iyon.

Habang pauwi sila.

Tahimik ang backseat ng kotse at walang nagsasalita sa kanila.

Kinamot ni Ye Wan Wan ang kanyang baba at tinitigan niya si Si Ye Han na halo-halo ang kanyang nararamdaman.

Sa totoo lang, siya ay naguguluhan rin. Hindi niya alam kung bakit pero ayaw niya talaga ng mga bata. Sa tingin niya kasi ay makulit ang mga ito at hindi kaaya-aya at tsaka natutuwa pa siya sa kanyang malaya at masayang buhay.

Ang gusto niyang buhay na kasama ang kanyang minamahal ay magiging kapana-panabik dahil iikutin nila ang buong mundo. Hindi ba't sisirain lang ng bata ang biyahe nila kapag dinala nila ito?

Masyadong mabigat na responsibilidad sa kanya ang pagkakaroon ng anak.

Gayunpaman, habang iniisip niya ito ngayon, kapag pinanganak niya ang magiging anak ni Si Ye Han...

Tinitignan ng maigi ni Ye Wan Wan si Si Ye Han. Napaharap sa kanya si Si Ye Han at nagtaka ito. "Ano ang gusto mong sabihin?"

Pinaglaruan ni Ye Wan Wan ang kwelyo ni Si Ye Han. "Darling, gusto mo ba ng mga bata?"

Si Ye Hab: "Ayaw ko."

Ang prangka...

Mababasag ang puso ng magiging anak nila kapag nalaman niya ang ugali na pinakita ng kanyang ama bago pa siya mapanganak...

Kapag nagkaroon tayo ng sanggol sa hinaharap...

Sinubukan ulit siyang tanungin ni Ye Wan Wan. "Paano kung gusto ko talaga ng mga bata at gusto ko nang magkaroon nito ngayon, huh!"

Si Ye Han: "Gusto mo talaga?"

Ye Wan Wan: "Ang ibig sabihin ko ay! Ay!"

Nag-isip muna si Si Ye Han bago siya agad sumagot, "Kaya kong ibigay ang kahilingan mo."

Biglang napatingin sa backseat si Xu Yi na nagmamaneho. "..."

Nagmamadali ka yata master - hindi mo talaga pinag isipan ang ekspresyon mo, huh...

Gabi na sa Imperial City at ang buong lugar ay punong-puno na ng ilaw. Trapik ang mga kalsada ang mga kotse ay bumabiyahe na.

Sa isang mataong overhead bridge:

May isang lalaki na nakasuot ng Asian outfit habang nakaupo siya sa lapag at kinamot niya ang kanyang paa, walang pakialam sa kanyang itsura.

May dalawa pang katabi ang lalaking ito nakadamit na parang isang Taoist priest. Ang isa ang nakahiga sa lapag na parang patay habang ang isa ay masahol ang damit, siya ay bumubuklat ng isang interesadong fashion magazine. Sumisigaw siya minsan kapag dumadaan ang mga tao.

Walang nakuhang pera ang tatlo ng buong gabi at walang laman ang bowl na nasa harap nila.

"Ay, kapitan, hindi na tayo pwedeng magtago na lamang parati…" bumuntong hininga si Spray of Flowers.

Kaawa-awang nagsalita ang deboto, "Akala ko ba nagkaroon na ng kasunduan si kapitan kay boss Ye na tutulungan niya tayo?"

Humarap sa kanya si Spray of Flowers na para bang bobo ang kausap niya. "Iyon na ang humling pagkakataon, okay? Masyadong matalino si Little Devil - hindi siya madaling maloloko ng kahit sinong tao…"

Nagdadaldalan silang dalawa nang biglang may narinig silang "clang." Bigla silang nakatanggap ng $100 euros...

Uy! Damn!

Saan nanggaling ang local tyrant na ito?