Kinaumagahan.
Nasa labas ng Jin garden ang ilang mga matatanda at matataas ng opisyal dahil hinihintay nilang lumabas si Si Ye Han. Lahat sila ay nakasuot ng mga swerteng kulay at ang mga katulong nila ay may dalang mga regalo.
Dahil dumaan sila sa isang mahirap na sitwasyon na hindi mapanatag ang kanilang isip, gusto nilang ipakira ang kanilang katapatan kay Si Ye Han.
Nakaupo sa sofa sa salas si Si Ye Han habang tamad na nakaupo sa tabi niya si Ye Wan Wan.
Nagulat siya dahil ang mga bisitang ito ang umatake sa kanya noon...
"Miss Ye, ito ang regalo ng respeto ko sayo. Sana tanggapin mo ito!"
"Naghirap ka, Miss Ye. Ginawa mo ang lahat ng makakaya mo para alagaan si master, pero sinuspetyahan ka pa rin. Nakakahiya talaga iyon si Si Ming Li! Tanggapin mo sana ang mga tonics na ito para lumakas ang kalusugan mo!"
Tiningnan ni Ye Wan Wan si Si Ye Han.
Si Ye Han: "Tanggapin mo kung gusto mo."
Kaya sumagot si Ye Wan Wan, "Salamat."
Hindi siya sanay na nag-iba ang pakikitungo nila kay Ye Wan Wan kahit na inasahan na niyang mangyayari ito.
Noong nakaraan, kahit na sinusuportahan ni Si Ye Han si Ye Wan Wan, may magnanakaw pa rin ng pwesto ni Si Ye Han dahil malala ang sakit niya noon. At tsaka, walang may pakialam kay Ye Wan Wan sa buong Si family, lalo na't ganoon ang background nila.
Hindi nila inasahan na si Ye Wan wan ay mananatili sa tabi ni master ng napakatagal. Lalong naging sigurado ang estado niya ngayon sa Si family at siya rin ang tumulong na ibalik ang maayos na kalusugan ni master.
Wala nang masasabi sa kapangyarihan ng Qin family dahil sila ay kaibigan ng Si family. Simula pa noong sinaunang panahon, nagsanib na sa maraming kasalan ang dalawang pamilya na ito kaya mahirap at magulo talaga ang relasyon ng dalaqang pamilya. Lahat ng tao sa Qin family hanggang ngayon, gayundin si Qin Ruo Xi, ay pinalaki upang maging future mistresses ng Si family. Tinanggap ng lahat ang katotohanan na ito.
Maayos ang tingin ng halos lahat ng nasa Si family sa Qin family. Dahil nakita nila na hindi lamang isang simpleng tao si Ye Wan Wan, unti-unti silang nagtiwala sa kanya at hindi nila tinangka pang gumawa ng mga walang hiyang gawain kay Ye Wan Wan.
Hindi masisiguro kung kaninong kamay ang maninira ng kinabukasan ng usa...
Sa lumang residensya:
Nasa salas sila old madam, Qin Feng at si Si Ming Rong.
Dumating si Qin Feng upang pahirapan ang saloobin nila.
"Nakakadismaya ang pamamaraan ng pamamalakad ni master, old madam at tito Rong."
Bumuntong hininga si old madam at siya ay sumagot, "Qin Feng, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Mabait na bata si Ruo Xi - gustong gusto ko siya at maganda kung magsasama sila ni Little 9th."
"Pero, simula noong bumalik si Little 9th, pinaliwanag ko na sayo na si Little 9th na ang bahala kung sino ang papakasalan niya. Ito ang kondisyon niya noong sumangayon siya na maging pinuno ng sambahayang Si, kaya hindi ko pwedeng labagin ang pinangako ko sa kanya."
"At tsaka, gusto na ni Little 9th ang babaeng iyon. Noon, inaalala ko pa nga na baka saktan lang ng babaeng iyon su Little 9th, pero habang tumatagal pinakita niya na totoo ang pagmamahal niya kay Little 9th…"
Lubhang naging malungkot ang itsura ni Qi Feng habang pinapakinggan niya si old madam. Napakinggan na ni old madam ang mga bagay na ito noon, pero naniwala si Qi Feng na si Qin Ruo Xi ang pipiliin ni Si Ye Han sa huli kaya hindi niya sineryoso ng sinasabi ni Si Ye Han.
Sinong mag-aakala na bigla na lamang susulpot ang babaeng iyon… at gagawin pa siyang ni Si Ye Han na mistress ng sambahayang Si!
Ngumisi si Qi Feng, "Ang pinaparating ba ni old madam ay pahihintulutan niyang nakawin ng babaeng iyon ang posisyon ni Ruo Xi?"
Hindi siya makapaniwala na sinubukan talagang saktan nila Si Ming Rong at old madam ang damdamin ng buong Qin family!
Ilang mga paksyon kaya ng Si family ang sikretong tinatali ang sarili nila sa Qin family sa oras na ito, huh?
Masasabi na rin na kung sinong paksyon ang susuportahan ng Qi family ay siya rin ang makakamana ng yaman ng Si family. Kahit na si Si Ye Han ang pinuno ng Si family, maraming tao na nasa labas ng pamilya nila ang gustong makuha ang posisyon na ito.
Sinubukan ni Si Ming Rong na palamigin ang ulo ni Qin Feng nang marinig niya iyon. "Ang mabait kong pamangkin huwag ka nang mag-alala. Kailangang pagalingin ni Miss Ye ang kalusugan ni master. Kadalasan talaga na mahilig makipaglaro ng mga kabataan at kahit na hindi pa maayos ang kondisyon ni master, naniniwala ako na kapag lumipas ang panahon, mas magiging malinaw sa kanya ang lahat hanggang sa gawin niya ang tamang desisyon!"