a kwarto na kasing tahimik at kasing dilim ng sementryo, ang pagtunog nalang ng phone ay umaalingawngaw.
Hindi mahulaan ni Xu Yi kung ano ang nasa isip ni Si Ye Han at hindi malaman kung gusto ba nitong sagutin ang tawag o hindi. Nakatayo siya doon, tila ba parang yelo, nang nakaangat ang phone. Mayroon siyang kutob kung tungkol saan ang tawag na ito; umaasa siyang hindi ito papansinin ng master niya.
Unti-unti nagiging intolerable sa bawat tunog nito; para bang bomba ito sa bawat pagtunog.
Magutay-gutay ang loob ni Xu Yi, at dahil sa katarantahan nito, dumulas ang kanyang kamay at aksidenteng nasagot ang tawag.
Sa sumunod na segundo, ang nakakatakot na mukha ni Ye Wan Wan ay lumabas sa screen.
Damn! Katapusan na ito...
Sa kabilang dulo naman, matagal na nag-aantay si Ye Wan Wan at nakita na ang phone ay malapit nag awtomatikong tapusin ang tawag. Sa sandaling iyon, kumislap ang screen at nagkonek na sa wakas ang video call.
Pagkakita niya sa screen, lumiit ang mga mata ni Ye Wan Wan.
Nakita niya lang sa screen ang lalaking nakahiga sa sofa ng may isang kamay sa kanyang noo, ang kanyang dalawang butones na nakakalas at ang magulo nitong buhok. Ang mukha nito ay hindi karaniwang maputla.
Kahit na sa screen lang, ramdam na ang nakakatakot at delikadong awra nito sa katawan ng lalaki.
Dahil sa angulo ng screen, mukha ang phone hawak ng iba pang tao, na posibleng si Xu Yi.
Ang display sa phone ay nanginginig ng kaunti at napagpalagay niya na ito ay ang nanginginig na kamay ni Xi Yu.
Dahil sa bahagyang pagnginig niya, alam ni Ye Wan Wan ang katakut-takot na sitwasyon at 80% na sigurado na nalaman na ni Si Ye Han ang balita. Nahuli siya ng sandali.
Napa tikom ng mga labi si Ye Wan Wan at naduling ang kanyang mata, "Sorry, Naistorbo ko ba tulog mo…?"
Nakita ni Xu Yi na aksidente niyang napindot ang tawag at sinubukang mamagitan sa sitwasyon nang basang basa ng malamig na pawis, "Ms. Ye , hindi pa natutulog si 9th master. Bakit ka tumatawag ng gantong oras, may problema ba? Kung wala naman po mahalagang sasabihin..."
Hindi na hinintay ni Ye Wan Wan na tapusin ni Xu Yi ang kanyang sinasabi bago malakas itong tumango, "Meron, may mahalaga ako sasabihin!"
Xu Yi: "Oh…"
Madaling sinabi ni Ye Wan Wan, "May lalake sa eskwelahan na umamin sa akin at sabi niyang gusto niya ako…"
Muntik ng magsuka ng dugo si Xu Yi at nanginginig ang kanyang kaluluwa. Dapat talaga hindi siya sinagot ang tawag na ito!!!
Hindi niya napansin ang pabalik-balik na pag-ugoy ng phone pero umaasa siyang tumigil na magsalita si Ye Wan Wan.
Gayunman, patuloy na bumulong-bulong si Ye Wan Wan sa phone, "Pwede mo ba akong samahan makipagkita sa lalaking 'to?
Parang bang natamaan ng isang kidlat sa ulo si Xi Yu.
Tinanong niya talaga na samahan siya ni 9th master para kitain 'yung lalaki?
Sa sandaling iyon sa sofa, ang bahagyang nakamulat na mata ni Si Ye Han ay tuluyan nang namulat, na para bang isang mabangis na hayop na kagigising lang sa tulog.
Habang nauubusan ng pag-asa si Xu Yi, patuloy pa din ang pagdaloy ng boses ni Ye Wan Wan sa receiver, "Sabi ko sa lalaki na may boyfriend na ako at hindi siya naniwala. Mukha ba akong single?
Sa sobrang inis ko basta nalang ako pumayag na dadalhin ko 'yung boyfriend para makita niya. Hindi lang sa may boyfriend ako, pero 'yung boyfriend ko ay isang libo pang mas higit na gwapo sa hunk ng school."
"Erm…" Naninigas pading nakatayo si Xu Yi, gulat na gulat habang nakikinig siya kung isa ba itong panlilinlang.
Sumisipsip si Ye Wan Wan… at ang galing niya pa!
Kahit na ang mukhang pagod na pagod na lalaki at nanigas di sa gulat.
Nang matagal ng hindi makakuha ng sagot si Ye Wan Wan, napayuko nalang ito, na nalulunkot, "Pasensya na, Naistorbo ba kita? Kung hindi naman maayos sa 'yo, edi…"
"Time?" ang mababa at paos na boses ng lalaki ang sumabat sa kanya mula sa kabilang dulo ng tawag.
Nabigla ng sandali si Ye Wan Wan at nagning-ning ang kanyang mata, "Paano kung bukas ng gabi? Sa labas lang eskwelahan!"
"Sige."