Totoo nga, ang pag sabi ng totoo ay bibigyan ka ng gaan ng loob.
Kinabukasan, pumasok ng magaan ang loob ni Ye Wan Wan sa klase.
Matapos siyang umupo, isang anino ang bumungad sa ulo niya. Nakatayo si Ling Dong sa harap niya at mukhang kalmado.
Pagkakita nito, tinignan ito ni Ye Wan Wan ng may hinala.
Lahat ng nasa klase ay tinignan sila, gutom sa tsismis.
Napatikom ng bibig si Ling Dong, at tinignan si Ye Wan Wan na seryoso ang mukha niya at sinabi, "Ye Wan Wan, hindi ko alam kung saan mo narinig 'yung tsismis pero pangako, hindi kita nililigawan dahil sa natalo ako sa pusta o niloloko kita, Seryoso ako! Maniwala ka sa 'kin!"
"Oh-- --" Sabay-sabay na naghiyawan ang lahat ng studyante.
Nagdilim pa ang mukha ni Ye Wan Wan. Nag-isip siya ng maigi kagabi para pag bulaanan ang tsismis pero sa huli, nasira ang lahat dahil sa lalaking ito.
Tingin palang sa nasaktan nitong itsura, tahimik na hinaplos ni Ye Wan Wan ang kanyang noo, "'Yung mga sinabi ko sa 'yo kahapon ay totoo din, hindi ka naniniwala sa akin?
Ano 'yung sinabi niya sa 'kin kagabi?
'Yung parteng sinabi niya sa 'kin na may boyfriend siya?
"Yeah right!" matapang sa sagot ni Ling Dong.
"Isasama kita mamaya para makilala mo siya." mahinhin na sagot ni Ye Wan Wan na sina Ling Dong at Si Xia lang na nasa tabi niya ang makakarinig.
Napagtanto ni Ling Dong kung sino ang "siya" at nangusap ang kanyang mukha ito ng pagkamangha pero madali din itong nabawi ang kanyang composure, "Sige!"
Sa wakas, natapos din ang klase.
Matapos ang hapunan, walang tao sa hardin ng kanilang eskwelahan. Tinawagan ni Ye Wan Wan si Ling Dong at sabay silang pumunta sa isang restaurant na hindi kalayuan sa eskwelahan.
Umupo si Ling Dong sa sofa na nasa tapat niya na may bakas na katiyakan ang kanyang mukha, na para bang nakita niya na ang mga binabalak ni Ye Wan Wan.
Baka siya'y sumuko nalang at sabihin na isa itong palabas lang, o baka maghahanap siya na pwedeng umarteng boyfriend niya. Mas malamang ang ikalawa maliban nalang kung bulag ang lalake at hindi niya nakita ang katawa-tawa nitong get-up.
Kahit ano pa man ito, hindi siya susuko!
Alam ni Ye Wan Wan ang nasa isip ni Ling Dong at hindi na nag-alok ng paliwanag. Tinignan niya ang oras sa kanyang telepono--dadating si Si Ye Han sa loob ng 20 minuto.
"Pwede ba akong magtanong?" biglang tanong ni Ling Dong
Tumango si Ye Wan Wan, "Ano?"
Tinignan ni Ling Dong ang mukha ni Ye Wan Wan na makapal ang pagkakapulbos at mahinang umubo, "Ikaw… Ang ganda ganda mo… Bakit mo 'to ginagawa sa sarili mo…?
Humigop si Ye Wan Wan sa kanyang juice at napakurap, "Kasi gusto ng boyfriend ko!"
Walang masabi si Ling Dong at para ba itong nabulunan sa pagkain ng aso.
"Wan Wan, 'di mo na kailangan magpanggap pa, mahirap ba na tanggapin ako? Kahit na hindi ako kagwapuhan tulad ni Si Xia, buong loob kong sasabihin na ako ganoon kahamak. Gayun pa man, pag magkasama tayo, hindi ko hahayaang i-bully ka ng mga tao at malaya kanang makakapaglakad sa buong eskwelahan!" Punong-puno ng kumpiyansa ang tono ni Ling Dong. Syempre, may abilidad siyang magawa ang mga iyon.
Ang pagiging sikat ni Ling Dong ay pumapangalawa lang kay Si Xia, kung hindi, ang nararamdaman nito ay hindi magiging sanhi para magalit ang lahat sa kanya.
Nagkalumba si Ye Wan Wan, "Mayroon lang akong feelings sa boyfriend ko~"
Tila bang kaawa-awa ang pagmumukha ni Ling Dong, at nangislap ng bahagya ang kanyang mata, "Sige, Wan Wan, tutal pinipilit mong hindi ako naniniwala sa 'yo, uumpisahan ko nang maniwala sa 'yo ngayon na maayos ang pagtrato ng boyfriend mo tulad ng sabi mo. Pero paano pag 'yong mga sinabi ay napatunayang mali at nagsisinungaling ka lang pala sa 'kin?"
Malaki ang pagkakakagat ni Ye Wan Wan sa kanyang caramel pudding at wala sa isip na sumagot, "Pag nagsisinungaling ako sa 'yo, edi papayag akong makasama ka!"
Matapos na marinig iyon ni Ling Dong, nagliwanag ang kanyang mukha, "Seryoso ka ba?"
Tumango ng may sinceridad si Ye Wan Wan, "Syempre naman!"