Para makapagpokus si Sun Bai Cao sa diyagnosis, umalis ang lahat na nasa silid bukod sa old madam at Si Ming Rong.
Sa labas, isang grupo ng mga tao ang kabang nag-aantay sa mga resulta.
Dahan-dahang tumakbo ang oras at balisang palakad-lakad ang mg amatatanda.
Walang sinabi si Ye Wan Wan at sumandal sa malamig na dingding.
Namumula si Si Ming Li sa sandaling ito. Nanuya siya at tinignan si Ye Wan Wan, "Nasa lagay na ganito si master ngayon dahil sa katangahan at kamangmangan mo - masaya ka na ba?"
May pag-uuyam sa mukha ni Feng Yi Ping. "Sayang dahil mahina si master at malambot ang puso ng old madam; kung naniwala si master kay Qin Ruo Xi edi, hindi ito mangyayari… minamalas nga naman…"
"Sinabi ko na noon na kapag naging mistress ng babaeng ito ng bahay, magkakaroon tayo ng malaking krisis balang araw! Tignan niyo ang nangyari ngayon - hindi niya pa nakukuha ang titulo pero gumawa na siya ng malaking gulo sa mga Si!"
Natataranta ang ibang matatanda, "Ay, anong dapat nating gawin ngayon?! Walang pwedeng mangyari sa pinuno ng pamilya!"
Nangutya si Si Ming Li, "Paanong walang pwedeng mangyari? Para bang bomba ang dating sakit at sirang bahagi sa loob nng master; pwedeng sumabog anumang oras at kapag nangyari iyon, malaking banta iyon sa buhay. Kapag nangyari 'yon, mahuhuli na ang lahat. Tingin ko sa ngayon, masama ang lahat para sa master…"
Dahil sa mga sinabi ni Si Ming Li at Feng Yi Ping, sumama ang tingin ng mga matatanda kay Ye Wan Wan. "Kapag may nangyaring masama sa master, 'wag ka ng umasa na makakaalis sa mga Si nang buhay!"
"Iniisip ko kung anong mga motibo ang meron ang babaeng ito! Kailangan masusi tayong mag-imbestiga!"
"Tama!"
…
Minasahe ni Ye Wan Wan ang kanyang namamaga at masakit na sentido. Pumasada sa lahat ang malalamig niyang tingin at sabi, "Manahimik kayo."
Para bang tinitignan niya ng masama ang mga patay, na nagdulot ng ginaw sa likod ng isang tao.
Saglit na nanahimik ang mga matatanda at sumigaw sa galit, "Hindi tutulo ng luha ang babaeng ito hangga't makita niya ang kabaong, huh! Paano niya pa nagagawang maging arogante?!"
"Sobra na ito!"
"Squeak—" bumukas ang pinto at lumabas na din sa wakas si Sun Bai Cao mula sa silid.
"Dr. Sun, kamusta ang mga bagay?"
"Kamusta ang pinuno ng pamilya - nasa panganib ba siya?"
Lumapit ang lahat ng matatanda kay Dr. Sun at tumingin din si Ye Wan Wan kay Sun Bai Cao.
Mabigat na sinabi ni Sun Bai Cao, "Hindi ko makukumpira ang sanhi nito ngayon; kailangan natin siyang ilipat sa ospital ngayon din para masinsinan siyang masuri. Kumalma muna kayo ngayon."
Marahas na sinabi ni Si Ming Li, "Ate, anong gagawin natin sa babaeng ito? Kung hindi dahil sa kanya, wala sana ang master sa lagay na ito ngayon! May dahilan ako para paghinalaan na may mga lihim siyang motibo at baka pinaplano na ang kamatayan ng master!"
Nanliit ang mata ng old madam. Mukha siyang pagod ang nanginig habang nagsalita, "Hintayin nating magising si Ah-jiu at pag-usapan natin…"
Tanging apo lang niya ang iniisip ng old madam ngayon; wala siya sa lagay para magkaroon ng pake sa iba pang bagay.
Nainis si Si Ming Li sa narinig at tinignan ng masama si Ye Wan Wan.
Hng, hintayin hanggang sa magising siya?
Tingin ko hindi na siya magigising pang muli!
Ngayon, sisiguraduhin kong mamamatay sa isang trahedya ang babaeng ito!
At mapapasa-akin ang buong Si balang araw...
Maya-maya, nadala si Si Ye Han sa isang pribadong ospital sa danay ng Beijing.
Matapos na madala doon si Si Ye Han, napatawan ang batas militar at walang pwedeng makalapit sa kanya. Pati si Ye Wan Wan ay hindi pwedeng pumasok sa ward at nagawa na lang mag-antay sa pasilyo.
Tahimik na naka-upo si Ye Wan Wan sa malaki at tahimik na pasilyo at isang iglap, madaling araw na.
Malamig ang itsura ni Ye Wan Wan habang sinusubukan niyang isaayos ang mga detalye sa kasalukuyang kondisyon ni Si Ye Han sa kanyang isip...