Naging maingat si Ye Wan Wan sa lahat at umakto ayon sa mga utos ni Sun Bai Cao. Tiyak siyang walang magiging problema sa kalusugan ni Si Ye Han, pero bago lumabas ang resulta, walang makakaalm sa anong pwedeng mangyari...
Maari bang nabigo pa din ako sa pagbago ng takbo ng tadhana?
O may maling nangyari sa kung saan...
Kung may nangyari talaga kay Si Ye Han...
Gulong-gulo ang isip ni Ye Wan Wan.
Ang lalaking ito… ay paranoyd, bayolente, mapag-angkin, at sa sobrang nakakatakot ay halos pathological na ito...
Sinasabi ng lahat na wala siyang kabaitan...
Kinatatakutan siya ng lahat na parang salot...
Gayunpaman, sinubukan siyang intindihin ni Ye Wan Wan, napagtanto niya na hindi siya nababalot ng mga tinik at may kakaibang klase ng kalambutan...
Syempre isa siyang nakakatakot na maniniil, pero simple siyang lumagay sa malalambing na salita o yakap mula kay Ye Wan Wan...
Nang panget ang kasuotan niya at sa malubha niyang ugali, masuklam ang tingin ng lahat sa kanya, pero sinabi pa sin ni SI Ye Han siya ay "kasing sarap pa din"...
Nang kinwestyon ng lahat ang kanyang kakayahan, tinanong lang ni Si Ye Han kung gusto niyang pumunta...
Tahimik na naglahad ng magandang landang si Si Ye Han para sa kanya...
Dinala siya ni Si Ye Han sa nakakatakot na silid sa kanyang memorya, para lang ibigay sa kanyang ang pinakaimportanteng sagisag ni Si Ye Han...
Matapos nang mabuhay siyang muli, kakaibang Si Ye Han ang nakasalamuha niya.
Noon, malinaw na kinapopootan niya ito… sa sobrang galit niya dito… hindi na siya makapag-antay na mamatay ito.
Nakaupo siya dito ngayon, natatakot na baka mamatay si Si Ye Han...
…
Kinaumagahan, si Xu Yi at ang kanyang tatay, na si Xu Chang Kun, ay naglakad mula sa pinakamataas na palapag.
Tinignan ni Ye Wan Wan ang dalawang tao. "Ano ang sitwasyon?"
Nang makita na nandoon pa si Ye Wan Wan, mabilis na sinabi ni Xu Chang Kun, "Miss Wan Wan, gabi na. Bakit andito ka pa? Umuwi ka na at magpahinga!"
Nag-aalala si Xu Yi. "Oo, wala ng magagawa kung buong araw ka lang nandito - hindi kami doktor at kung nagkasakit ka, paano namin ipapaliwanag ito kay 9th master kapag nagising siya? Nahimatay na ang old madam; hindi ka pwedeng magkasakit…"
Kapag nagising siya...
Nang narinig ang mga sinabi ni Xu Yi, biglang nablangko si Ye Wan Wan.
Huminga siya ng malalim at tumango. "Sige, kuha ko. Kailangan ko kayong abalahin dalawa para alagaang maigi si lola. Kung may mga balita kayo, pakiusap, ipagpaalam niyo agad sa akin."
Xu Yi: "Makakaasa ka, Miss Ye!"
Matapos na pinilit siyang umalis ni Xu Yi at Xu Chang Kun, lumabas na si Ye Wan Wan sa ospital.
Isang bugso ng hangin ang umihip sa kanya, at nanginig siya.
"Hoy! Ye Wan Wan!"
Mag-isang naglalakad si Ye Wan Wan sa kalsada nang may isang itim na kotse, na mukhang matagakl na nag-aantay, ang tahimik na tumigil. Bumaba ang bintana, na nagpakita ng isang pamilyar na mukha.
Nagulat si Ye Wan Wan. "Si Xia…"
Itinigil ni Si Xia ang kotse at tinanguan siya. "Pumasok ka na sa kotse!"
Nang makita na hindi pa din gumagalaw si Ye Wan Wan, napakunot ang noo ni Si Xia. "May sasabihin ako sa 'yo. May kinalaman kay Si Ye Han."
Tumingin si Ye Wan Wan sa kanya at binuksan ang pintuan ng kotse.
Mahinahon ang takbo ng kotse sa kalsada. Pinikit ni Ye Wan Wan ang kanyang mga mata at hindi nagsalita, at hindi na nagtanong kung saan sila pupunta.
Tinignan siya ni Si Xia mula sa rearview mirror na may sali-salimuot na itsura...
Maya maya, umupo ang dalawa sa isang booth sa restaurant.
May nilabas na makapal na dokument si Si Xia mula sa kanyang likod at binigay sa kanya.
Nakita niya ang bagong ID, pasaporte, flight ticket at isang tseke...
Blangko siyang tinignan ni Ye Wan Wan. "Anong ibig sabihin nito?"
May kumislap na galit sa mga mata ni Si Xia. "Ye Wan Wan, nagpapanggap ka bang walang alam sa mga oras na ito? May ideya ka ba sa nangyayari o wala? Kapag namata si Si Ye Han, tingin mo ba hahayaan ka na lang ng mga taong iyon? O tingin mo ba na mapapanatili kang ligtas ni lola?"