Chapter 804 - Nandito ka sa tabi ko

Ngumiti si Ye Wan Wan. "Ge, ibigay mo sa akin 'yan."

Sumimangot si Ye Mu Fan. "Para saan mo gagamitin ito?"

Ye Wan Wan: "Iinomin ko!"

Nagulat si Ye Mu Fan at timitigan niyang maigi si Ye Wan Wan. "YE WAN WAN! 'wag mo akong lokohin! Pinaplano mo bang lasingin ang isang masahol na tao para mas madali siyang atakihin?!"

Ye Wanwan: "…"

Ge, masyado mo itong iniisip...

Mukha ba akong halimaw?

Kinuha pa rin ni Ye Wan Wan ang bote ng red wine kay Ye Mu Fan at masaya siyang nag-hum habang pauwi ng Jin garden.

"Baby, nakauwi na po ako!"

Nakaupo si Si Ye Han sa may sofa sa salas at nakalatag sa harap niya ang chess board na nakalagay sa coffee table. Nilapag niya ang chess piece at dahan dahan niyang tiningnan si Ye Wan Wan nang marinig niya ito.

Pinalitan si Ye Wan Wan ang kanyang shoes habang masaya niyang sinabi, "Hehe, darling, may sasabihin ako sayo - umarte ako na parang little white flower na may mapait na kapalaran at ginalit ko si Liang Mei Xuan at Ye Yiyi itong gabing ito. Dapat bigyan ako ng Oscars ng gintong lalaki…"

Nagmadali siyang lumayo nang masulyapan ni Si Ye Han ang hawak niya. "Ano ang hawak mo?"

Biglang nagsisi si Ye Wan Wan. "Uh… wine ito…"

Napakunot si Si Ye Han dahil siyempre alam niyang wine 'yon.

Tumalon si Ye Wan Wan papunta kay Si Ye Han, "Huwag ka nang sumimangot - nagawa ko ng maayos ang unang trabaho ko sa kumpanya. Pwede naman tayong uminom bilang selebrasyon, 'di ba?"

Manhid si Si Ye Han. Ayaw na niyang makipag-negosasyon nang sinabi niya, "Ang kontrata."

Sumagot si Ye Wan Wan, "Sige na, sige na, alam ko na sinabi ng kontrata na bawal akong uminom, pero kasi masaya ako ngayon at gusto ko talagang uminom ng kahit kaunti lang. Pramis! Konti lang talaga iinumin ko!"

Hindi nagbago ang isip ni Si Ye Han. "Hindi pwede."

Lumapit at umupo sa tabi niya si Ye Wan Wan. "Ah-Jiu, ayaw mo akong uminom kasi madali akong nalalasing o dahil hindi ako magiging ligtas pagkatapos kong malasing? Kung ano man ang rason mo, kasama mo ako ngayon at alam ko na nandito ka lang sa tabi ko! Anong mangyayari kung iinom ako ng katiting lamang?"

Si Ye Han: "...konti lang."

Ye WanWan: "Ikaw talaga ang pinakamamahal ko!!!"

Napakunot si Si Ye Han, siguro dahil hindi sinusunod ni Ye Wan Wan ang kasunduan nila. Mukhang naiinis na siya.

"Saglit…"

Kinuha ni Si Ye Han ang kanyang phone at tinawagan niya si Xu Yi.

Nang marinig niya ang tawag sa kanya ng kanyang master, nagmadali si Xu Yi at sinabi, "9th master, ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?"

Sinabihan siya ni Si Ye Han, "Ngayong gabi, siguraduhin mo na ang mga katulong, security guards at ang Dark Team guards sa Jin garden ay hindi maglalakad-lakad sa lugar na ito, gayundin ikaw."

Biglang naging guwardiyado sk Xu Yi nang makita niya na seryoso si Si Ye Han. "May nangyari ba, 9th master?"

Si Ye Han: "..." Paano ko ipapaliwanag ito?"

Bago pa sumagot si Si Ye Han, bigla na lang umangal si Ye Wan Wan, "Kaunti lang naman ang iinumin ko. Bakit mo mo ipinagbabawal ang lahat na maglakad-lakad sa lugar na ito?"

May kinalaman ba ang dalawang bagay?

Nagulat at naging kulay berde ang mukha ni Xu Yi nang marinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan. "A-ano… Miss Wan Wan, iinom ka?!"

Nagtaka si Ye Wan Wan sa naging reaksyon ni Xu Yi. "Oo, iinom ako ng konting wine sa bahay upang magdiwang. Anong problema doon…"

Bakit ganyan ang naging reaksyon niya?

"9th master, gagawin ko po agad ang inuutos niyo!" Mabilis na naglaho si Xu Yi at wala siyang iniwan na bakas nang paglaho niya.

Pinagtatawag ni Xu Yi ang lahat nang department noong pagka-alis niya. "Hello, hello, hello, kapitan Feng, Eleven, pakisabi sa lahat ng tauhan na bawal silang pumabas ngayong gabi. Wala wala walang nangyari sa Jin garden; ito ay para lang sa seguridad ng lahat…"