Matapos ang isang saglit, tahimik ang buong Jin garden at walang kahit anong tunog ang maririnig.
Naisip ni Ye Wan Wan na baka gusto ni Si Ye Han na mapag-isa silang dalawa at ayaw niyang gambalain sila ng ninoman, kaya hindi na niya ito masyadong inisip at masaya niyang dinala ang dalawang glasses ng red wine.
Ang glass na binigay niya kay Si Ye Han ay pinuno niya ng gatas habang ang glass niya ang pinuno niya ng red wine.
Inangat niya ang kanyang glass at sinabi, "Cheers!"
Nabagot si Si Ye Han nang makita niya na puno ng gatas ang inumin niya: "..."
Binalaan siya ni Ye Wan Wan, "Sinabi ni Dr. Sun na hindi ka raw pwedeng uminom ng wine, kaya gatas lang ang pwede mong inumin - mas maganda 'yan sa kalusugan mo!"
Kung hindi lang dahil sa kalusugan ni Si Ye Han, gugustohin niya talagang… lasingin ang lalaking ito...
Masyadong pormal ang lalaking ito kaya hindi niya alam kung anong iniisip niya - gusto niyang malaman kung ano si Si Ye Han kapag na-lasing.
Sumipsip si Si Ye Han sa kanyang gatas at binigyan niya ng isang hiwa ng bacon si Ye Wan Wan.
Naghanda na ng magara at masarap na pagkain ang mga tauhan sa kusina at dahil matagal na panahon na noong huling kumain sa lumang residensya si Ye Wan Wan, nilasap niya ang kada-higop ng wine at masaya niyang kinain ang mga masarap na pagkain habang katabi niya ang gwapo niyang kasama sa gabing iyon - naramdaman niya na napakaganda pala ng buhay.
Bakit ko hinayaan na magdusa ako sa una kong buhay?
Malaya at walang pigil siyang nabubuhay sa pangalawa niyang buhay kahit na may pinagdadaanan pa rin siyang mga krisis. Kuntentong-kuntento siya sa buhay niya ngayon.
Hinapols ni Ye Wan Wan ang kanyang baba at inikot niya ang baso niya ng wine. "Ah-Jiu, pwede ba kitang tanungin?"
Si Ye Han: "Ano 'yon?"
Ye Wan Wan: "Gusto ko sanang malaman…"
Gusto ko sanang malaman kung bakit mo ako kinulong - dahil ba nagrebelde at tumakas ako sayo?
Nang matandaan niya ang nangyari sa una niyang buhay at ang pagpapapatay, napagtanto niya na baka kinulong siya ni Si Ye Han upang iligtas lamang siya?
"Wala, wala, wala yun."
Hindi na lang nagtanong si Ye Wan Wan.
Ito na ang buhay niya ngayon at hindi na siya namumuhay sa nakaraan - nagbago na ang lahat.
Hindi na siya muling kinulong ni Si Ye Han at hindi na siya isang karne na nasa sangkalan na naghihintay na katayin.
Po-protektahan niya ang mga taong nakapaligid sa kanya at ang sarili niya.
"Tamasahin mo ang lahat ng maibibigay sayo ng buhay; kailangang mapuno ng wine ang gintong baso kalakip ang sinag ng buwan…"
Hinawakan ni Si Ye Han ang kamay ni Ye Wan Wan nang makita niya na paubos na ang iniinom na alak ni Ye Wan Wan. "Masyadong marami ang iniinom mo."
Niyakap ni Ye Wan Wan ang bote ng wine at hindi niya ito pinakawalan. "Oh, talaga? Tatlong baso palang ang naiinom ko, okay?! Wag kang maramot diyan!"
Tila nagsisi si Si Ye Han na pinayagan niya si Ye Wan Wan, ngunit mag bigla siyang natandaan at para bang nagdalawang isip siya.
Habang nagda-dalawang isip si Si Ye Han, kinuha ni Ye Wan Wan ang tsansang ito para buhusan ng red wine ang baso niya.
Lumapit si Ye Wan Wan kay Si Ye Han habang nakapatong ang katawan niya sa lamesa at kumikislap-kislap pa ang mga mata niya, "Ah-Jiu, Ah-Jiu, gusto ko ng pinakulong shelled peanuts! Ito ang masarap na kasamang snack ng wine!"
Tumayo si Si Ye Han at papunta na sana siya ng kusina para ihanda anv mga mani nang bigla siyang nag-alala at humarap siya kay Ye Wan Wan. "Huwag ka masyadong uminom."
Ilang beses na tumango si Ye Wan Wan. "Eh eh, naintindihan ko!"
Nang umalis si Si Ye Han, biglang inubos ni Ye Wan Wan ang ilang mga baso ng wine.
Damn, hindi talaga madaling uminom ng alak dito...
Matapos ang isang saglit, malapit nang maubos ni Ye Wan Wan ang isang bote. Ngunit sumipa ang alak sa kanya kaya bigla siyang nahilo.
Pagkatapos niyang maghintay ng ilang panahon, hindi pa rin bumabalik si Si Ye Han, kaya bumaba siya ng hagdan upang hanapin si Si Ye Han habang siya ay lasing.
"Ay ay ay… saan yung pintuan? Saan na yung pintuan, huh…"
Lasing si Ye Wan Wan habang hinahanap niya ang pintuan, ngunit hindi niya ito nakita at napunta siya sa kabilang direksyon na kung saan ay nasa harap niya ang bintana.
Tinulak at binuksan ni Ye Wan Wan ang bintana at tumingin siya sa ibaba. "Oh, ang ganda pala dito! Bakit ang taas ng… doorstep na ito…"
Matapos ang isang segundo, tumalon si Ye Wan Wan palabas ng bintana ng pangalawang palapag habang lasing siya.