Chapter 776 - Tumayo ka ngayon din

Matapos ang ilang oras, sinuot ni Nameless Nie ang pilak na maskara at windbreaker. Mukha siyang ganap na lehitimo at halos kahawig ng Rosas ng Kamatayan na nasa isip ni Ye Wan Wan.

"Ano pang hinihintay ninyo?" tumingin si Nameless Nie kay Spray of Flowers at deboto.

Nang marinig ang kanyang utos, tinango ng deboto ang kanyang ulo. "Kapitan, natatakot ka makilala pero hindi tayo… kaya hindi na natin kailangan magpanggap, diba?"

Hindi lang sila ang gumawa ng manuscript.

Ata saka, ang damit na ito… ay talagang nakakahiya…

Bago pa mag salita si Nameless Nie ng kahit ano, tumintgin si Ye Wan Wan sa deboto. "Kayo kailangan ninyo din magsuot. Kung hindi, paano kayo magpa-panggap bilang Rosas ng Kamatayan? Hindi ba sabi ninyo na ito ang mas importante sa pamilya ang magkasama?"

Kasama si Nameless Nie at Ye Wan Wan na pinipilit siya, si Spray Flowers, dayuahan na taga-buhat ng mga brick, at ang deboto at walang nagawa ng sila ay magpalit sa kanilang pagpapanggap na Rosas ng Kamatayan.

"Kapitan, nang isulat mo ang tungkol dito sa organisasyon ng Rosas ng Kamatayan, bakit mo ginawa mong nakasuot sila ng maskara at kapa? Sa tingin ko… sa tingin ko… ang miyembro ng Rosas ng Kamatayan ay kailangan lahat mag cross-dress - saka lang sila magiging karapatdapat para sa pangalang ito." Tumingin si Spray of Flowers sa winbreaker na kanyang suot at tila mukhang hindi masaya.

Ye Wan Wan: "..." Mabuti, hindi si Spray of Flowers ang nagsulat ng manuscript.

"Nagsusulat ako tungkol sa isang sikretong organisasyon, hindi mga masasamang organisasyon." tinignang ng masama ni Nameless Nie si Spray of Flowers.

"Gwapo pa din ang kapitan kahit na galit… ang dalaga kong puso ay sasabog!" hindi mapigilan ni Spray of Flowers at susunggab na sana sa kanya, ngunit tinitigan siya ni Nameless Nie.

"Kapitan, huwag mo ng pansin ang manyak na iyan! Mayroon pa din tayong kasama na hindi nagpapalit ng kanyang damit eh!" tinuro ng deboto ang taong yelo na nakahiga sa lapag.

Nang marinig ang sinabi ng deboto, si Nameless Nie, Ye Wan Wan at ang iba pa ay kaagad na tumingin sa lapag.

Tulad ng inaasahan, inayos ng taong yelo ang kanyang sarili sa isang komportableng posisyon at nahiga sa lapag.

Taong yelo: "?"

"Tumayo ka ngayon din!" matatag na sinabi ni Nameless Nie.

Taong yelo: "…"

"Ang iyong ama (l) ay naglakabay ng maraming taon. Nakita ko na lahat ng klase ng matinding bagyo at hangin, ngunit ito ang pinaka unang beses na makakilala ng taong tamad katulad mo," ang sabi ng deboto.

Dayuhan na taga-buhat ng mga brick: "Kahanga-hanga!"

Taong yelo: "…!"

"Spary of Flowers, tulungan mo siyang magpalit!" ang utos ni Nameless Nie.

"Napakabait ni kapitan… tutulungan ko magpalit ang aking hubby ng kanyang damit!"

Sa isang iglap tumayo ang taong yelo. Hindi masayang kinuha niya ang maskara at windbreaker at napilitang magpalit.

"Hubby, anong ibig sabihin mo dito… handa ako na tulungan kang magbihis, ngunit wala ka lang pakialam. Hmph…" ngumuso si Spray of Flowers. 

"Umalis ka." bihira na magsalita itong taong yelo na iyon. Talagang hindi niya siya gusto.

Bago pa magpatuloy si Spray of Flowers, bilang tahimik na kumilos si Ye Wan Wan.

Hindi nagtagal, nakatingin si Nameless Nie at ang iba sa direksyon ng tingin ni Ye Wan Wan.

Ilang armadong lalaki ang lumabas mula sa pabrika.

Ang mga armadong lalaking iyon ay binabantayan ang labas ng pabrika ay minamatyagan sila.

"Tignan ninyo."

Matapos ang ilang sandali, tinuro ni Ye Wan Wan sa babang kaliwa.

Isang pares ng off-road na sasakyan ang dahan-dahang huminto sa likuran ng pabrika at halos isang dosenang tao ang lumabas mula sa kanila.

Ang mga taong ito ay nakasuot lahat ng comouflage gear at marahil ang mga mercenary na naririnig ni Ye Wan Wan.

Sa sandaling ito, ang mga taong ito ay gumagapang patungo sa pabrika.

"HAWAKAN MO ITO!"

Ang armadong lalaki na nag babantay sa pabrika ay nakita ang mga mercenary.

Related Books

Popular novel hashtag