Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 777 - Pumili ng paraan para mamatay

Chapter 777 - Pumili ng paraan para mamatay

"Ai ya ya, nakita nila tayo… anong gagawin natin… kasalanan mo itong lahat. Sinabi ko na sayo na ihinto mo ang sasakyan sa malayo… nasa tabi lang ng pabrika ang kotse - kahit sinong tao nakakarinig ng ingay."

Bukod sa grupo ng mercenary, mayroong isang bata, na sobrang cute at malambing na munting Lolita.

"Tinapakan ko ang preno, pero hindi pa din humihinto ang sasakyan, kaya anong dapat kong gawin, huh? Sinabi ko na na hindi ako marunong mag maneho, pero pinilit ninyo pa din ako. Sa totoo lang, gusto ko lang lamang na patumbahin silang lahat," isang kagiliw-giliw na mataba ang nagsalita na may malinaw na sama ng loob.

"Ay… hindi ka makapag maneho ng sasakyan at araw-araw kang humakain ng dami - napaka aksaya."

Isang napaka-gwapong lalaki na may mahabang buhok ay pinitas ang kanyang kuko at nang-asar, "nakita na nila tayo ng sandaling lumabas tayo sa sasakyan! Anong dapat nating gawin, anong dapat nating gawin?!"

Saka ang napaka gwapong lalaki ay kaagad na sinuntok ang mataba sa dibdib.

"Whoa, maaari mo bang wag gamitin ang iyong maliit na kamay upang suntukin ako sa dibdib?" ang sabi ng mataba, na hindi natutuwa.

"Baby, ano ngayon kung nakita nila tayo? Kung nandyan si Qiang-ge, anong dapat pang ikatakot!" nakatayo sa harapan ng mahabang buok na babae na isang malaki at balbas-saradong lalaki.

Nang marinig iyon, ang mahabang buhok na lalaki ay humiga sa balbas-saradong lalaki. "Qiang-ge, the best ka - mas magaling kaysa sa mga matatabang iyon! Kung nandyan si Qiang-ge, hindi ako matatakot!"

"Haha, baby, hindi mo na kailangan matakot. Nandito na si Qiang-ge. Kahit na bumagsak ang kisame, narito ako para pigilan ito para sayo!" ngumitI ang balbas-saradong lalaki.

"Oh, kailangan ninyo lalong mag-ingat dalawa - ito ay isang publikong lugar." mapanglait na tumingin ang mataba sa balbas-saradong lalaki.

Bago pa magsalita ang balbas-saradong lalaki, isang matandang lalaki ang dahan-dahang lumabas mula s grupo ng mercenary.

Mukhang malungkot ang matandang lalaki at ang kanyang mata ay babalot ng dilim. "Itigil na ninyo ang walang kabuluhang ito at alagaan muna ang mga asong iyan."

"Hayaan mong gawin ko ito… hayaan mong gawin ko ito!" ang munting Lolita at tumalon palabas at naglakad.

Sa sandaling ito, ang armadong lalaki ay binabantayan ang lugar at nagtinginan ng nakita nila ang isang cute at maamong mukha ng munting Lolita na naglalakad patungo sa kanila mula sa grupo ng mercenary.

"Aiya… kuya, ang panget ninyo talaga… pero lahat kayo ay pwedeng pumili ng isang napaka cute na paraan para mamatay… nilista ko na ang mga ito: ang malason, ang mabaril, ang isang granada, aatakihin or papatayin gamit ang isang kutsilyo… ano sa tingin ninyo - alin ang mas maganda?" tumingin ang munting Lolita sa mga armadong lalaki at tumawa.

"Naghahanap ng away, huh!" 

Sa isang iglap, nakatutok ang mga baril ng mga lalaki sa munting Lolita.

Gayunpaman, bago pa hilahin ng kanilang daliri ang gatilyo, mayroong kusmislap na isang malamig na ilaw sa hangin.

"POP!"

"POP! Tsk!"

Ang mga lalaking iyon ay hindi na saktong nakasigaw at isang kutsilyo ang tumusok sa lugar sa pagitan ng kanilang kilay.

Pinalakpak ng munting Lolita ang kanyang kamay at inosenteng ngumiti. "Sa tingin ko… ang mapatay ng isang kutsilyo ay ang napaka cute, oh!"

Kaagad na matapos magsalita ni Lolita, ang mga armadong lalaki ay bumagsak sa lapag.

"Anong satingin mo… galing, diba?! Matapos pangasiwaan ng munting Lolita ang grupo ng mga mercenary sa kanyang likuran. Siya ay lumiyad at nagpakita ng nakakatuwang mukha.

"Wow, sa tingin ko dapat lamang na hinimok ko sila ngayon!" naglakad ang mataba at tumawa.

"Tumigil ka!" sumenyas ang matandang lalaki. "Ngayon, kailangan nating makita ang bagay na iyon at patayin silang lahat ano mana ang mangyari!"

Saka dahan-dahang nagtungo sa pabrika ang grupo ng mercenary.