Biglang sinigaw muli ng lima ang kanilang slogan nang matapos sa pananalita si Ye Wan Wan. "Si Boss Famous ay kasing ganda ng bulaklak, ganda ganda ganda, napakaganda ganda ganda!"
"KAYONG LAHAT!!!" Sumabog sa sobrang galit si Hou Maofeng.
Kanina, pinapakita pa lang ni Hou Maofeng na ayaw niya si Ye Wan Wan, galing nga naman kasi siya sa Si family. Handa pa rin siyang ibenta ang produkto niya dahil nanghingi sila ng tawad at inamin nila ang pagkakamali nila.
Pero hindi niya inasahan na ang babaeng ito ay isang hangal.
Halata naman na nagdidiwang si Huang Shi Xin dahil sa mga nangyayari. Mabilis siyang sumabad para manggulo. "Babae - alam mo ba na ang produkto ni boss Hou ay ang pinakatanyag at maganda sa buong Myanmar? Ngunit sinabi mo sa harap ng lahat na walang magandang laman ang mga produktong nireserba niya sa inyo? Ano ba ang gusto mong iparating, huh?"
Noong una, parang walang kwentang prinsipe si Ye Wan Wan habang sinusundan siya ng kanyang mga bodyguards. Tiningnan niya ang mga bato na nakalagay sa trailers at dali-ddali niyang sinabi, "Ang sinabi ko, ang mga produktong ito ay madaling masisira."
Sa kalakalan ng mga mamahaling bato, kapag pumusta ka na aangat ito, marami itong makukuhang pera at kapag pumusta ka na masisira ito, malulugi at wala itong matatanggap na pera. Naging tapat si Ye Wan Wan sa pinusta niya.
Galit na galit si Hou Maofeng. "Ikaw… ikaw… sige! Hindi lang ako ang iniinsulto mo dahil ang Hui Cui Workshop rin ang iniinsulto mo! Umalis na kayo, Mr. Xue. Kahit lumuhod pa kayong lahat sa harap ko at magmakaawa kayo para makuha ang produkto ko, hinding-hindi ko ibebenta ang mga produktong ito sa Si family! Huwag niyong hintayin na tawagin ko ang security para paalisin kayo dito!"
Sinusubukan pa lang na swertehin ni Huang Shi Xin at hindi niya inakala na magiging swerte pala talaga siya. Sa oras na ito, tumanggi sa pakikipag negosyohan ang Si family, pinadala nila ang walang kwentang batang babae na nakipag-usap sa kalakalan na naganap at hindi niya pa binigyan ng respeto si Hou Maofeng.
Mabilis na umabante si Huang Shi Xin para amuhin si Hou Maofeng, "Aiya, 'wag kang magalit, boss Hou, 'wag kang magalit. Walang ideya sa panghuhusga ng kaledad ng bato ang mga walang utak na mga ito, kaya huwag mong hayaan na abalahin ka pa nila. Kawalan niya 'yan, hindi niya alam kung ano ang nakabubuti sa kanya; wala rayong ginawang mali. Boss Hou, iniisip mo pa rin ba kung kanino mo ibebenta ang mga magandang produkto mo?"
Halata ang pinapahiwatig ni Huang Shi Xin.
Hindi man mataas ang estado ng Huang family kung ikukumpara sila sa Si family sa country Z, pero mas mataas ng 10% sa kabayaran ng Si family, ang nais nilang ibayad sa mga magandang produkto. Sila rin ang may pinakamalaking jewelry businesses sa Harbor City ng country Z.
Nag-isip isip muna si Hous Maofeng at mukhang nakapag desisyon na siya. Kaya malungkot siyang humarap kay Xue Li at sinabi, "Mr. Xue, sigurado ka ba na ayaw niyo nang bilhin ang magagandang mga produkto ko?"
Lumiwanag ang mga mata ni Xue Li. Alam niya na ito ang huling tsansa nita upang makuha pa ang mga bato.
Balisang-balisa ang grupo ng mga eksperto. Alam kasi nila na malaking kaparusahan ang dadanasin nila kapag hindi nila tinapos ang misyon.
Pinalibutan nilang tatlo si Ye Wan Wan at ginawa nila ang lahat upang kumbinsehin siya.
"Miss Ye, kahit na ayaw naming sinasabi na mga tanyag kami sa industriya ng precious stones, subukan mong magtanong sa labas at alam nilang lahat ang mga pangalan namin. Personal naming sinuri ang mga produktong ito - hindi kami nagkamali!"
"Miss Ye, hinulaan mo kung anong mga bato ang masisira kahit na ilang libro pa lamang ang nababasa mo? Walang kwenta ang panghuhula mo!"
"Huwag kang aasa sa pagmamahal ni 9th master para makipag lokohan ka sa mga tungkulin ng kumpanya, kahit na may mga opinyon ka kay Director Qin."
Kung handa lang silang makipagusap ng maayos kay Ye Wan Wan, okay lang sa kanya na sabihin sa kanila ang plano niya. Gayunpaman, hindi siya pinansin ng mga taong ito simula palang nung una at ang importante lamang sa kanila ay si Qin Ruo Xi.
Hindi kailangang respetuhin ni Ye Wan Wan ang grupong ito.
Ngumiti si Ye Wan Wan. "Oo, kakasimula ko palang na aralin ang mga ito, pero ano ngayon? Sa kalakalan ng mga mamahaling bato, 30% ang panghuhusga at 70% ang swerte. Para sa akin, alam kong swerte ako."