Chapter 755 - Ang short skit ng lima

Binalot ng kasamaan ang mga mata ni Hou Maofeng at umalma sita, "Haha, mukhang wala nang kailangang pag-usapan pa! Ah Cai, pakihatid sila sa labas!"

Ano naman kung pinadala siya ng Si family? Inaasam niya talagang mamatay at tsaka, kasintahan lamang sita ng master ng Si family. Hindi hahayaan irespeto ni Maofeng ang tulad niya.

Hindi niya masisisi na hindi siya nirerespeto ni Ye Wan Wan dahil ayaw niya naman talaga.

Dali-daling sinenyasan ng shop assistant ang grupo ng malalakas at malalaking lalaki kaya naglakad sila patungo kay Ye Wan Wan.

Sa kalakalan ng mamahaling mga bato na may 10 hanggang 100 milyong dolyar ang umiikot na pera, halos lahat ng mga pamilihan ay may sariling sektor ng seguridad. Paano pa kaya ang malaking Hui Cui Workshop?

Bago pa gumalaw si Eleven, mabilis na pinalibutan ni Nameless Nie at ng grupo niya si Ye Wan Wan at para bang handa silang makipaglaban sa mga malalaking lalaki na mahusay ang kakayahan sa pakikipaglaban.

Tumaas ang mga kilay ni Nameless Nie. "Tsk, tingnan natin kung sinong magtatangkang humawak sa boss natin."

Deboto: "Ano ka! Mananatili dito si boss sa tagal na gusto niya!"

Spray of Flowers: "Nakakagalit kayo! Hindi kayo re-respetuhin ni boss kahit na magdesisyon siyang tumira dito!"

Dayuhan na tagabuhat ng bricks: "Tama si Little Flower at ang deboto!"

Taong yelo: "...!"

Ye Wanwan: "…"

Suspetya ni Ye Wan Wan na hindi sila nanuod ng mga bodyguard movies ngunit, ang mga pinanood nila ay mga short skits dahil sa paraan ng pananabad nila sa isa't isa.

Galit na galit ang itsura ni Hou Maofeng. "Tsk, walang sino man ang sumubok na gumawa ng gulo sa Hui Cui Workshop. Tingnan ko kung anong mga abilidad ang meron kayo ngayon!"

Nang marinig nila ang utos ni Hou Maofeng, ang mga matipunong mga guwardiya ay biglang tumingin sa pinakamahinang tao sa grupo nilang lima.

Paano makikipaglaban ang taong yelo kung tamad nga siyang magsalita? Sa oras na ito, nakatayo lamang siya at hindi siya gumagalaw, kaya mabilis siyang inatake ng mga kalaban.

Naguluhan si Ye Wan Wan nang makita niya ito. Alam niyang may abilidad si Spray of Flowers at ang deboto; hindi niya alam kung may abilidad ang iba.

Gayunpaman, baka may tinatagong talento ang mukhang kabaong na lalaki?

Biglang gumalaw ang taong yelo nang maisip 'yon ni Ye Wan Wan. May narinig na malakas na "bang" nang umatake ang kalaban nila, kaya napaurong ang taong yelo...

Sumunod doon, nagmadali si Spray of Flowers na pumunta sa taong yelo. "Aiyo! Mamatay tao! Mamamatay tao!"

Malungkot na tiningnan ng deboto ang mga guwardiya. "Sa sinag ng liwanag, kasing liwanag ng araw at buwan, ang konsintedor na ito ay kayang manakit ng tao. Tatandaan mo na hindi ito ang huli ng lahat!"

Spray of Flowers: "Bayaran mo kami o ipapakulong ka namin!"

Napanganga si Ye Wan Wan habang pinapanood niya ang mahusay na palabas na "pinepeke ang aksidente para makakuha ng pera.""..."

"Bullsh*t! Hindi ko nga siya hinawakan eh!" Nagalit ang kalaban nila.

At tsaka, alam niya na ang kalaban niya ay galing sa Si family at gusto niya lang takutin ang taong ito - bakit niya naman ito sasapakin?

"Umalis na kayo dito mga baliw! Sinusubukan niyo bang mangurakot sa amin ng pera?!" nagmadali ang shop assistant at hinawakan niya ang leeg ng taong yelo. Ilalantad niya na sana ang katotohanan ngunit biglang nag-iba ang itsura niya. "Hindi… hindi talaga siya humihinga…"

"Anong sinabi mo?" Nag-iba ang ekspresyon ni Hou Maofeng.

Deboto: "Hindi mo pa rin kami babayaran?!"

Spray of Flowers: "Bayaran mo kami! Kailangan mo kaming bayaran ng 100 milyon dahil sa gagastusin namin sa mukha at pangangatawan niya!"

Tiningan silang dalawa ni Nameless Nie. "Nagrerebelde kayo?"

Mabilis na sumagot ang deboto, "Hindi, hindi! Tinatakot lang namin sila! Mabait kaming mga bodyguards - hindi kami nanloloko ng mga tao!"

Spray of Flowers: "Hoy, patay, anong hinihintay mo diyan? Tayo!"

Taong yelo: "..."

Patuloy na nakahiga ang tao na nasa lapag, mukhang natutuwa siya sa posisyon niya.

Spray of Flowers: "Ayan, masaya at komportable na naman siya sa posisyon na 'yan…"

Related Books

Popular novel hashtag