Marahil matagal na rin niyang kinikimkim ang nararamdaman kaya ang mga sama ng loob na matagal niyang kinikim sa mahabang panahon mula sa dati at sa kasalukuyan niyang buhay ay sumabog na sa mga oras na iyon. Umabot ng mahigit kalahating oras din na hindi tumigil sa paghagulgol sa pagiyak si Ye Wan Wan.
Nakayakap lamang si Si Ye Han sa dalaga hanggang sa huli nang walang kahit na anong imik o galaw man lang.
Hinabol ni Xu Yi si Si Ye Han matapos mawala nito sa kanyang silid at saka sandaling natigilan sa nakita.
Nakaramdam ng siya ng konsensya nang makitang umiiyak si Ye Wan Wan.
Hindi nga nila naitindihan siya noon pa man. Nangyari ang lahat ng ito nang walang basehan kaya talagang natakot siya ng master. Ginawa naman niya lahat ng kabutihan pero minasama pa rin siya. Paanong hindi siya malulungkot nito?
Ang magandang nangyari naman ay nalaman ang katotohanan sa huli.
Pero master, humahagulgol pa rin siya sa pagiyak, hindi mo ba siyang aluin man lang kahit konti? Nakakatakot pa rin kung tatayo ka lang dyan na parang rebulto, diba?
Para sa kanyang master, maaaring naabot na niya ang kanyang limitasyon; pero hindi niya inaasahang aaluin niya ng ganito ang dalaga.
Dumaan na ang ilang oras nang bumitaw na ang binata sa pagkakayakap sa dalaga. Bumalik muli ang malamig niyang ekspresyon at saka kalmadong nagsalita, "Xu Yi, ihatid mo na ulit siya sa eskwelahan."
Matapos magsalita, tumalikod na siya saka lumabas ng silid nang hindi lumilingon.
Nang marinig iyon ni Xu Yi, agad siyang nabigla at napatingin sa papalabas niyang master. Napansin niyang bahagyang naging matigas ang ekspresyon nito.
Napabuntung-hininga na lamang si Xu Yi, tumingin sa dalaga na nasa kama na patuloy pa rin sa pagiyak. Kinausap niya ito ng mahinahon sa abot ng kanyang makakaya, "Miss Ye, huwag na po kayong umiyak. Huwag na po kayong matakot. Naayos na po ang hindi niyo pagkakaintindihan at hindi na po kayo guguluhin ni master. Tingnan niyo po, pinayagan niya akong ihatid kayo sa eskwelahan!"
Matapos ang kalahating oras, narating ni Ye Wan Wan ang kanilang eskwelahan.
"Nandito na po tayo, Miss Ye." itinigil ni Xu Yi ang kotse at saka tinulungan ang dalaga na buksan ang pinto.
Dala-dala ni Ye Wan Wan ang kanyang school bag saka pumanik sa kanyang silid nang walang ekspresyon sa mukha. Bakas pa rin sa kanyang mukha ang luha.
Tinignan ni Xu Yi ang dalaga sa harap niya, tila may sasabihin sana pero nanatili na lang siyang tahimik.
Nang makaalis na ang itim na kotse at naglaho na sa gabi, mulang nanumbalik ang pokus ng mga malalalamlam na mata ni Ye Wan Wan. May ilang sandaling nanatili siya sa kanyang kinatatayuan bago pa man marahang lumakad patungo sa kanyang eskwelahan.
Hindi siya bumalik agad sa kanyang dormitoryo at pinili na lang na maupo muna sa mahabang bangko sa tabing-lawa ng eskwelahan nila.
Humaplos ang malamig na hangin ng gabi sa kanyang mukha, unti-unti siyang ibinabalik sa kanyang ulirat.
Sa hindi katagalan noon, tila naulit muli ang mga nangyari sa kanyang nakaraang buhay pero ngayon, pakiramdam niya'y naging malaya siyang muli.
Sa umpisa pa lang, gusto na niyang talunin ang binata sa sarili niyang laro. Pero kahit na nasunod man ang mga pangyayari ayon sa plano, naging totoo pa rin ang takot na naramdaman niya kay Si Ye Han at maging ang sakit na naramdaman niya noon.
Hindi lang ngayon kundi maging sa lahat ng sakit at pighati na naranasan niya sa buhay.
Matapos ang pangyayaring iyon, nakaramdam siya ng matinding pagod matapos ang paghagulgol niya sa pagiyak at gayun din ang pakiramdam na ayos na ang lahat.
Mabuti na lang na muntik na iyon at matagumpay niyang nabago ang takbo ng mga pangyayari sa buhay niya, nagawa niyang malampasan ang matinding panganib na iyon sa pagkakataong ito.