Hindi pa naman inaantok si Ye Wan Wan kaya naupo muna siya malapit sa may tabing-lawa at saka nagmuni-muni.
Habang malalim na ang iniisip, isang maingay na kaluskos at mga yabag naman ang tila paparating sa kinauupuan niya.
Isang tao na padabog na naglalakad at nagmumura ang naupo malapit sa tabi niya.
"Siraulo la talaga Zhao Xing Zhou! Halimaw ka talaga! Pupunta talaga ako sa education bureau para sa pangaabuso mo sa isang estudyante! Baliw!"
Balot ng katahimikan ang maliit na lawa sa gabi kaya malinaw na narinig lahat ni Ye Wan Wan ang pagmamaktol ng lalaki.
Ang marinig ang boses na iyon maging ang pagmumura, tila nakilala na niya kung sino ang taong nagsasalita. Si Ling Dong na siyang naglagay ng isang timba ng tubig sa kanilang silid-aralan para pagtripan siya, ang kinakapatid sa binyag ni Cheng Xue.
Mukang minaltrato nga siya ni Zhao Xing Zhou!
Hindi naman nangdismaya si Zhao Xing Zhou--hindi talaga siya pinayagang magbakasyon nitong Sabado at Linggo.
Nakaupo si Ye Wan Wan sa ilalim ng malaking puno kaya hindi siya makikita agad ni Ling Dong. Gayunpaman, kitang-kita naman ni Ye Wan Wan ang nauuyamot na mukha ni Ling Dong sa ilalim ng liwanag ng buwan; mayroong dalawang malalaking eyebags, isang lata ng alak sa kanyang kamay at mga nilukot na Math exam papers na inaapakpakan niya, bakas ang mga maiitim at maduduming marka ng talakampakan niya.
"Si Ye Wan Wan, 'yung pangit na halimaw na 'yun! Ginawa niyang miserable buhay ko! Maghintay ka lang at makikita mo! Kung hindi kita papatayin, hindi Ling ang apelyido ko!" sabay lamurit ni Ling Dong sa hawak na lata ng alak, halata ang pagkunot ng noo.
Nang marinig ang kanyang pangngalan, napakibot ang bibig ni Ye Wan Wan.
Paano 'to naging problema?
Dahil lang sa gusto nilang pagtripan ako, kailangan kong sumunod sa kanila?
Si Ling Dong ang kilalang bully sa eskwelahan, lalo na pagdating sa pangaalipusta nang walang dahilan. Dahil nga isang school director ang tatay niya, kahit na sinong mangaway sa kanya, siguradong tiklop at makakatikim ng latay. Maging ang mga guro nila ay nagbubulagbulagan na lang at walang pakialam para displinahin man lang siya.
Kapalaran nga niya ang makabangga ang matigas ang loob na gurong tulad ni Zhao Xing Zhou sa pagkakataong ito. Kung sa ibang guro man, kaya niyang ibalewala ang pagbubulyaw sa kanya.
Kung siya ang talaga ang target ni Zhao Xing Zhou, siguradong hindi magiging madali ang mga araw ng pananatili niya sa eskwelahan...
"Oh, 'yung pangit na 'yun talaga eh, inisahan mo pa ako. Gusto mong makipaglaro sakin ah? Haharapin kita hanggang kamatayan, tingnan natin kung maging arogante ka pa nun...."
Palaging tinatawag ni Ling Dong si Ye Wan Wan na isang pangit na halimaw at tuloy lang din sa paglalasing at panggugulo. Nang marinig niyang tapos na ang pagmamaktol nito, hindi na nakatiis pa si Ye Wan Wan at saka umubo at nagsabi, "Ling Dong, mukhang ikaw naman ang nagdala sa sarili mong kapahamakan kay Zhao Xing Zhou. Paano ko naging kasalanan 'yun?"
"Ah——" Nang marinig niya ang boses na iyon, nagulat sa takot si Ling Dong na kanyang ikinatumba sa pagkakaupo. Matagal pa siya bago niya nagawang makabalik sa kinauupuan. Habang nanginginig ang boses, nagsalita siya, "Damn! Ikaw...tao ka ba o multo?!"
Maikli lang ang naging sagot ni Ye Wan Wan, "Edi umarte ka na lang na nakakita ka ng multo!"
"Ikaw...Ikaw si Ye Wan Wan?" hindi pa malinaw na nakikita ni Ling Dong ang taong kausap niya pero nang makilala niya ang boses nito, biglang nagiba na sa pagiging yamot ang kanyang eksprsyon.
Hindi man nagtaka kung bakit gabi na at nasa labas pa rin si Ye Wan Wan, mabilis lang na nagsalita ang binata na may halong pagmamaktol, "Hoy pangit na halimaw! Anong karapatan mong pagsalitaan ako ng ganyan ha! Kung pumasok ka agad sa classroom natin nung araw a 'yun, hindi sana ganito magiging kamiserable buhay ko! Sinasabi ko sa'yo, patay ka talaga sakin! Hangga't nandito ako sa Qing He, huwag kang umasa na magiging maganda ang araw mo! Ipapatikim ko sa'yo ang kamatayan mo!"
Hinimas ni Ye Wan Wan ang kanyang noo, kalimutan mo na, walang rason para makipagtalo pa sa batang 'to.
Nanng makita nang tumayo si Ye Wan Wan para umalis, hindi pa nakuntento si Ling Dong. Kinuha niya ang lata ng alak, nagpagewang-gewang at saka hinila ang braso ni Ye Wan Wan, "Hoy pangit na halimaw! Hindi pa ako tapos sa'yo, sinong may sabi sa'yo na umaliks ka na ha! Tumi…"
Bago pa man siya matapos, nilakihan ni Ling Dong ang kanyang mga mata bigla at saka tumititig sa hindi kapani-paniwalang kagandahan ng mukha na nakita niya sa ilalim ng maliwanag na buwan, agad siyang natigilan at natulala...