Ang Spray of Flowers na nagkukunwaring babae ay interesado kaya tinitignan mula ulo hanggang paa si Ye Wan Wan at kanyang sinabi, "Aiyo, magkaparehas kami nito…"
Humarap si Ye Wan Wan kay Xiao Chen at sinabi, "Xiao Chen, gawin mo muna ang trabaho mo. Kakausapin ko lang ang mga taong ito!"
"Ah, paano ko magagawa iyon?!" lalong namula ang mga pisngi ni Xiao Chen.
"Wala ito."
"Oy! Xiao Chen—" may tumawag kay Xiao Chen at niyaya siya nito.
"Sige pala! Pasensya ka na kung naabala pa kita Ye-ge. Walang magawang maayos ang mga taong 'yan! Kapag ayaw pa rin nilang umalis, tatawagin ko na ang mga guwardiya para paalisin sila diyan mamaya!" Dahil may tumawag na kay Xiao Chen, wala siyang magagawa kundi pasalamatan si Ye Wan Wan at iwan muna siya doon.
"Sige."
Pagkaalis ni Xiao Chen, parang tatlong hindi gumagalaw na mga bundok ang tatlong manlilimos at patuloy nilang sinasakop ang "precious Feng Shui ground." Para bang wala silang intensyon na umalis doon.
"Ay, guwardiya? Natatakot ako! Hindi nga ako natatakot sa mga opisyal ng batas eh - bakit naman ako matatakot sa mga guwardiya, huh?!"
Natawa si Ye Wan Wan. "Sinusubukan niyo bang kumita ng pera? May trabaho ako para sa inyo."
May straw sa bunganga ang nagkukunwaring babae. Tinitigan niya ng masama si Ye Wan Wan at galit siyang sumagot dito. "Tsk, ano daw - gusto niya tayong bigyan ng trabaho? Ang kapal ng mukha!"
Matalinong sumagot ang deboto kay Ye Wan Wan, "Ye… kapatid, ingatan mo ang pananalita mo - hindi mo kayang bayaran ang bawat isa sa amin dito."
Tumango si Ye Wan Wan. "Ah, magkano ba ang ibabayad ko sa bawat isa sa inyo?"
Umalma ang nagkukunwaring babae, "Hindi ako tumatanggap ng trabaho na mas mababa sa 100 million ang ibabayad sa akin."
Ngumisi ang deboto, "Anong pinagmamayabang mo bakla? 100 million lang? Ang pinakamataas na record ng kawawang deboto ay 1 billion!"
Hinawakan ng deboto ang aikabok sa kanyang kamay at sinabi niya kay Ye Wan Wan, "Kaming tatlo, kasama ang nakahiga na iyon, ay hindi tatanggap ng mas mababa sa 50 million."
Kumibo ang mga labi ni Ye Wan Wan habang pinapakiggan niya ang kayabangan ng mga ito. "Pwede bang magkasundo tayo sa mas mababang presyo?"
Aroganteng sumabad ang nagkukunwaring babae, "Hindi ako nakikipag kasunduan sa presyo."
Ngumiti ang deboto, "Para sayo, ganda, bibigyan ka ng 10% discount ng kawawang deboto."
Tumango si Ye Wan Wan. "Ah, 100 kada tao. Gusto niyo ba o hindi?"
Cross-dresser: "…"
Devotee: "…"
"100! Iniinsulto mo ba ako?" sinigawan siya ng nagkukunwaring babae.
Mahirap ipaliwanag ang ekspresyon ng deboto. "Ye, kapatid, hindi mo yata naintindihan ang salitang 'pakikipagkasunduan'."
"Edi, ayaw niyo? Sige pala, wag na lang…" tumalikod si Ye Wan Wan at naglakad siya palayo.
Mabilis siyang hinabol ng deboto nang tumalikod si Ye Wan Wan. "Saglit! Kapatid, gagawin ko ang trabaho na pinapagawa mo! Basta't hindi ito susuway sa moralidad ko, hindi ito bayolente at ilegal!"
Natawa si Ye Wan Wan. "Kailangan ko lang ng ekstra; aarte ka lang ng ilang minuto - madali lang ito at ito ay pag-aarte lamang kaya hindi walang bayolenteng aksyon ang magaganap. Umaayon ito sa requirements mo na tunay at legal."
Kuminang ang mga mata ng deboto at sabik siyang sumagot, "Deal! Kaylan ako magsisimulang magtrabaho? Kaylan ko makukuha ang pera? May pagkain bang kasama?"
"Leche! G*go ka! Nakikipaglaro ka sa akin, ah!" Sa likod, sumigaw ang nagkukunwaring babae. "Boss, huwag kang makinig sa kanya - mas mababa ang ibabayad mo sa akin. $80 lang ang hinihiling ko!"
Sa isang gilid, may tahimik na boses ang nanggaling sa stretcher, "Boss, kailangan mo ba ng patay? Kaya kong humiga dito ng buong araw para sa halagang $50."
Ye Wanwan: "…"
Aksidenteng nakita ni Ye Wan Wan noon na binubugbog ni Yuan Sheng ang isang deboto at ang mga kasamahan nito, nalaman niya na hindi ordinaryong tao ang deboto dahil sa taglay nitong kakayahan. Ngayon, mukhang hindi talaga siya isang ordinaryong tao, hindi siya isang ordinaryong baliw...