Chapter 707 - Pasipista

Nang dinala ni Ye Wan Wan ang tatlo, wala pang nahahanap na nararapat si Zhang Hua at minamadali na siya ni Song Jin Lin, na naiinip na.

Nakakatakot kapag nagagalit si Song Jin Lin, kaya wala nang nagtangka pang kunin ang parte.

"Zhang-ge, may nahanap ka na ba?" pagdala ni Ye Wan Wan sa tatlong tao.

"Wala pa! Ay…"

"Bakit hindi mo kunin ang tatlong 'to at subukan sila? Magaling ang lalaking ito na nakabihis na pang-deboto at kung kailangan mo ng bangkay, pwede mong gamitin ang lalaking ito na may mahabang buhok."

"Aiya, Salamat, direktor Ye, sa pagrerekomenda mo! Susubukan ko sila ngayon din!" desperado na si Zhang Hua sa puntong ito at nasa tamang oras din ang pagdala ni Ye Wan Wan sa tatlong taong ito. Kaya hindi na siya masyado nagkaroon ng paki at mabilis na pinasalamatan si Ye Wan Wan. Para lang siyang nagbibigay ng gamot sa patay na kabayo; susubukan niya lang ang mga ito at titignan ang mangyayari.

Para naman sa taong pwedeng maging bangkay, kukunin niya na lang ito bilang pagbigay respeto kay direktor Ye - wala naman siyang nagastos dito.

Inuna ni Zhang Hua ang dalawang tao at tinanong, "Nakapag-arte na ba kayo sa mga laban dati?"

Sa lugar ng pagsasapelikula, madaming mga iba't ibang uri ng mga damit, kaya kahit na kakaiba manuot ang dalawang ito, hindi na ito masyado pang pinag-isipan ni Zhang Hua.

Winagayway ng cross-dresser ang kanyang kamay at nagulat. "Mga pasipista kami. Hindi kami nakikipaglaban."

Idinikit ng deboto ang kanyang mga palad pagpahayag ng Taoist gesture. "Ang kawawang deboto dito ang naglilinang ng moral na karakter at hindi gumagamit ng karahasan."

Nataranta si Zhang Hua. "Ay, hindi pwede 'yan! Kailangan mong matutong makipaglaban mamaya! Sabihan ko lang kayo - nasa magkaibang dulo kayo. Sundan niyo lang ang mga tao at atakihin niyo ang isa't isa. Kailangan mas ganado pa kayo kapag nakikipaglaban - kailangan mukha kayong may galit sa isa't isa at nakikipaglaban para sa buhay, kuha niyo ba?"

"Sobrang hirap niyan. Hindi ba pwedeng bumalik na lang kami sa pagmamaka-awa?!"

"Sir, bakit hindi ko na lang basahin ng kapalaran mo?"

"Tandang Zhang, handa ka na ba?" sa hindi kalayuan, pinagmamadali na siya ng assistant ng direktor.

"O sige, sige! I-poposisyon ko na sila!" sagot ni Zhang Hua at tinignan ang mga hindi maasahang tao, "Ay, kayo… bahala na, bahala na. Subukan niyo na lang muna!"

Matapos silang mapag-alalang tinuruan ni Zhang Hua, nag-umpisa na din ang shooting at hinanda niya ang sarili na mapagalitan pa.

"3, 2, 1, action!"

Nang mag-umpisa na ang shooting, dosena ng mga nakamaskara na lalaki ang nag-umpisang maglaban. May mga bangkay na nakakalat sa sahig at nandoon pang ang iba para mapunan ang puwang na naroroon. Malayo sa kamera, may dalawang tao na kailangan ng close-up - dahil sa hindi sila malamyang makipaglaban.

"AH— SUGOD—"

May mga sigaw mula sa grupo ng mga tao at kasama na din ang mga pagkalampang ng mga armas.

Sa mga tao, nag-zoom ang kamera sa dalawang tao na tumatalon at sumusulong sa isa't isa. Sa susunod na segundo, may malakas na kalabog at sinuntok ng cross-dresser ang katawan ng deboto, at naglabas ng nakakatakot na tunog...

"Swish—" sabay nilang nilabas ang kanilang binti at matinding nag-aaway - nakakulong sila sa labanan...

Nagulat ang lahat ng mga tauhan habang nanonood...

Matagal na silang hindi nakakakita ng propesyonal na artista. Sobrang makatotohanan ang kanilang laban, at oh diyos ko, ang mga galawa - nararamdaman nila ang sakit kahit na nanonood lang sila.

Napanganga si Zhang Hua… Ito ang ibig nilang sabihin sa "hindi kami nakikipaglaban?"

Tsaka, naglalaban ba talaga sila o pinepeke nila?

Ye Wan Wan: "…"

Isang daang dolyar lang naman. Hindi naman nila kailangan sagarin, 'di ba? Naririnig ko ang pagsalpok ng mga buto nila sa isa't isa mula sa kinatatayuan ko… may matinding poot ba sila sa isa't isa o ano?

Sasabihin pa nila sa akin na tumatanggap lang sila ng mga trabaho na bilyon ang bayad? Sinong nagbigay ng lakas ng loob sa kanila, huh...

Related Books

Popular novel hashtag